
Nakaw-eksena sa nakarang party ni Dra. Vicki Belo ang Wowowee co-host na at Kapuso turned Kapamilya na si Valerie Concepcion at ang former
Kapamilya turned Kapuso na si Jenny Miller.
Ayon
sa mga lumabas na kuwento, nag-ugat ang problema nina Valerie si Jenny nang
hindi raw paupuin ng una ang huli. Katuwiran daw kasi ni Valerie, naka-reserve
na raw ang dalawang katabing upuan niya for Angel Locsin
and Piolo Pascual. Dito raw nagpanting ang tenga
ni Jenny kung kaya't ‘di raw nito napigilang magalit at magtaray. (Click here to read related article.)
Pero
sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie last kahapon,
August 15, sa hallway ng studio na
pinagdadausan ng Wowowee,
sinabi niyang nakita na niya agad nung gabing yun na lalaki talaga ang isyu sa
kanilang dalawa ni Jenny.
"Medyo
alam ko nang lalaki, kasi nung gabi palang na yun, may sumalubong na agad sa
aking TV crew ng Startalk paglabas
ko. Tinanong ako tungkol dun, sabi ko nga, ‘Ah, mayroon [isyu] ba?' Sabi
ko sa pagkakaalam ko wala akong ginawang kasalanan unless na may ginawa ako
talaga, yun at kailangan kong mag-sorry sa kanya," saad ni Valerie.
Ayon
kay Valerie pagpasok palang niya sa ballroom ay agad siyang lumapit kay Jenny,
nakiupag-usap dito at humingi ng tawad kahit pa nga alam niya na wala naman
talaga siyang ginawang kasalanan dito.
"Pumasok
ako at pagpasok ko pa lang, nilapitan ko agad si Jenny, ‘tapos sabi ko, ‘May
issue ka raw sa akin?' Ang lakas ng loob ko nun kasi alam ko, wala akong
ginawang masama sa kanya.
"Tinanong
ko siya kung bakit. Sabi niya kasi raw I said ganito, ganun. Ang reaction
daw niya kay Elise [Dra. Vicki Belo's secretary], 'Elise, Angel is coming daw, kaya I can't sit there.'
Sabi ko, 'What? I can't remember that I said that, na ginawa ko
yun, wala talaga akong matandaan. But
anyway kung na-offend ka, even if I didn't mean anything, I'm really, really
sorry. Sabi niya, ‘Okay, but be careful next time.' After that, umalis na ako."
May
sariling bersyon si Jenny sa nangyari, pero nang tanungin naman namin si Val sa
kung ano ba talaga ang nangyari, heto ang kuwento sa amin ng aktres.
"Originaly, kasama ko talaga si Angel. Nag-text siya sa akin na padating na raw siya at kasama
niya si Piolo... May tatlo pang seats na free, lumapit sila [Jenny] ni Elise sa akin,
tinanong ako kung sino daw ang nakaupo dun. Sinabi ko, I'm with Angel and Piolo,
pero di ko sinabing bawal umupo dun or whatever.
"Siguro
nabigyan niya ng ibang meaning at malamang nga, kasi paglabas ko, nilapitan agad
ako ng Startalk, in-interview agad
ako na kesyo tinarayan ko raw si Jenny. Gulat na gulat talaga ako. Ah,
ginawa ko ba yun? Ang sinabi ko lang, kasama ko sina Angel and Piolo but I
didn't mean anything. hindi para di siya paupuin, I just said the truth," lahad ni Valerie.
May plano pa ba siyang kausapin si Jenny?
"Hindi
na, wala na," sagot ni Valerie. "After nung ma-interview ako ng Startalk, nilapitan ko naman agad siya para mag-sorry. Kung
may problema pa siya, at least alam ko. Unang-una, kahit alam ko na wala akong
kasalanan dahil wala namang akong ginawang masama sa kanya, nag-sorry pa rin
ako dahil na-offend pala siya. Sa akin tapos na yun, at least, I did my part.
Alam ko malinis ang konsensiya ko. Lalabas at lalabas ang truth."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
