Send to friend Previous | Next

Annabelle Rama sarcastic on Dingdong-Marian birthday concert going head-to-head

Matapos

ang kontrobersiyal na Bench Blackout, kung saan nagpahayag noon ng sama ng loob si Annabelle Rama dahil sa hindi raw

fair na treatment na ibinigay sa anak niyang si Richard Gutierrez, nahulaan nang sisiklab na naman ang galit nito dahil sa

pagkakasabay ng first showing day ng For

The First Time na pinagbibidahan nina Richard at KC Concepcion

sa birthday concert naman nina Dingdong

Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum on August 27.

Kasabay

ang TV showbiz news show na Cinema One, narinig ng PEP (Philippine Entertainment

Portal) ang mga pahayag ni Annabelle via phone last Wedenesday, August 13,

hinggil sa tila bagong isyung papasukin ng matapang na ina't manager ni

Richard. Although kalmado ang boses, mararamdaman mong may sama ng loob ng mga

pahayag ni Annabelle.

"Hindi

ako papatol sa mga isyu na ‘yan. Luma na ‘yan. Tapos na yung mga birthdays

nila [Dingdong and Marian], ang tagal-tagal na. Sinasadya talaga at pinagplanuhan," sabi ni Annabelle.

Sa

diretsahang tanong ng PEP kung may sama ng loob ba siya sa GMA-7 at kung may

mensahe siya gustong iparating, ito lang ang binitawang salita ni Annabelle:

"Wala, okey lang sa akin yun. Natutuwa ako sa kanila,

tuwang-tuwa ako. Natutuwa ako sa ginawa ninyo, hindi ko alam kung bakit ninyo

ginawa ‘yan pero okey lang sa akin. Wala tayong magagawa kasi nandiyan na

‘yan. Maraming salamat sa lahat," panunuya ni

Annabelle.

"'Tsaka

sa akin ang importante ay yung dalawa [Richard and KC], nagtatrabaho sila,

tinatapos nila yung pelikula nila at maganda yung movie. Sinisigurado ko yun,

lahat ng tao manonood nito. Kasi unang-una, bagong chemistry, first time nila

nagsama. Magandang-maganda yung pelikula kaya lahat talaga magugustuhan nila

ito."

May

mensahe ring iniwanan si Tita Anabelle para naman sa mga KC-Richard fans at sa

pelikulang For the First Time ng Star

Cinema.

"Sa

mga fans nila KC at Richard, sana suportahan nila yung For The First Time kasi napakaganda ng pelikulang ito. At ‘pag

napanood na nila, puwede nilang ulit-ulitin kasi napakaganda."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment