
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)
si Say Alonzo a few days after her birthday (her actual birthday is August 6)
sa isang cozy restaurant sa may C-5 Road. Kapansin-pansin na mas maganda ang aura
ni Say ngayon at mukhang inspired. Pero siya na ang nagsabing, she's inspired
with work right now and that she has a new manager.
GOODBYE TO STAR MAGIC. Nag-end na nga raw ang kontrata niya sa Star Magic,
so she decided na magpa-manage naman kay Rommel Gacho. Isang bagay na
pinag-isipan din daw muna nila ng kanyang mommy lalo pa nga't ever since, she's
with Star Magic nga naman.
"Actually, matagal na rin kasing tapos yung
contract ko sa Star Magic. Napag-isip-isip ko at ng mom ko na kailangan na rin
ng change. Naisip ko na siguro, kailangan na rin ng bagong manager at si Tito
Rommel, sobrang magaling mag-manage and mabait...as I've heard from our common
friends and other people."
Maayos naman daw ang pagpapaalam niya sa dating
management group.
"Sobrang-sobrang okey! Kasi, noong kinausap ko yung
handler ko, si Ate Gidget dela Cuesta, kinausap ko siya about it at sabi naman
niya, kung saan naman daw ako masaya, they will be supporting me naman daw.
Kasi, I stayed with them after PBB
and I also got to talk to Tita Mariole [Alberto] sa Star Magic Ball, which was
the last thing I did for them. And Mr. M [Johnny Manahan] was there
too. At sabi lang nila, good luck. They will always be proud of me
and I will always be a part of them.
Dugtong pa niya, "We parted ways na maganda and
they know me na gusto kong mag-grow at gusto kong maging successful. At
alam nyo naman na masyadong maraming artist na dumarating at marami rin naman
ang umaalis. Siyempre, ako na rin mismo ang kailangang gumawa ng paraan para
magkaroon ako ng place rito.
"At saka, gusto ko rin i-prove sa mga tao na marami
pa naman akong puwedeng ibigay. Hindi lang po talaga ako nabibigyan ng chance."
KAPUSO FROM THE START. Hindi ba naging mahirap sa kanya to change "home"?
Especially for someone like her na masasabing produkto ng isang talent search
ng ABS-CBN?
"Of course, it's gonna be hard but I think kaya
naman and with the help of Tito Rommel and I have many friends naman in GMA.
Alam ko na sa PBB talaga ‘ko
nakilala. Pero actually, noong college days ko pa, pagkagaling ko sa States, I
really started in GMA," sey niya.
"Nag-guest ako three episodes ng Click at bale sa Magpakailanman. But then, after that, sabi ko, parang mahirap yata,
so, I finished my studies ‘tapos, yun nga, I joined PBB. So, going back to your question kung mahirap bang mag-change
ng network? I'm not gonna say naman that I changed network, because I don't have
naman exclusive contract in GMA as of now, so, I can guest anywhere and do
anything in any network. So, okey lang naman. And it so happened
that my manager lang is more identified with GMA, and I'm happy and just
excited lang."
HAPPY WITH GMA-7. So far daw, wala pa rin naman siyang regular show
sa Kapuso network, though, for a month ay napanood siya sa Nuts Entertainment as guest and since December, marami na rin daw
siyang nagiging guesting sa GMA-7.
"Sobrang okey silang ka-work. Ang babait nila,
sobra! Sobrang accommodating. Hindi mo mapi-feel na taga-kabila ka or galing ka
dun. Sobrang mabait talaga sila. Hindi ko ma-feel na iba ka, kahit konti."
Marami raw plano ang bago niyang manager. And she's
just crossing her fingers na mag-materialize lahat ng plano nito. PEP
asked Say kung siya ang masusunod, ano talaga ang gusto niyang gawin?
"Gusto ko talaga mag-host. Yun talaga ang love kong
gawin. At saka, siyempre, gusto ko pa rin mag-act pero yung very light
lang like romantic comedy. I don't want naman yung heavy drama but I'm open to
anything. And of course, singing...actually, kahit ano naman, but sana , huwag
lang yung sobrang paseksi."
NOT "PA-CUTE" ANYMORE. Aware si Say na ang impression ng iba, tila
hanggang pagpapa-cute lang daw siya, to which she totally disagrees. "Well, may
mga naririnig ako na before, sinasabi nga nila na si Say, puro pa-cute lang
‘yan, kaartehan. Pero let's forget about that already. That was three years
ago...
"I mean, PBB
days...you know, what I can give is so much more than what you just saw in a
reality show, because reality show is every day life, reality...but when you
think about work like acting, singing, hosting...there's so much more that I can
give. And sana , the people that watched me in PBB can really let go of that.
"That was three years ago, tapos na yun. So, yung
mga taong nagsasabi na ito lang ang kaya niyang gawin, pa-cute, maarte... Dude,
iwanan na natin yun. Sana lahat ng tao bigyan ng chance. Sana itong chance na
ito na ibinibigay sa akin ni Tito Rommel, ito na talaga."
INSPIRED. Pagdating sa love life, kung ilang beses na rin
na-link si Say sa iba't ibang personalidad pero pinabulaanan nga niya halos ang
lahat ng ito. Now, she's quick to say that she's inspired, pero, hanggang doon
pa lang daw.
"Well, I'm seeing someone and I'm inspired because
of this person. He's not from showbiz, he's a really, really very private
person. And let just see what happens. Yun lang," natatawa nga niyang sabi.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
