Send to friend Previous | Next

Mylene Dizon gets rave reviews for her performance in "100"

Pinalakpakan nang husto ng mga tao ang independent digital

film na 100 pagkatapos ang screening nito kagabi, July 15, sa Cinemalaya Festival sa

Cultural Center of the Philippines. Pinagbibidahan

ito ni Mylene Dizon, kasama sina Eugene Domingo at Tessie Tomas.

Napanood na raw ni Mylene dati ang kabuuan ng movie, pero

kagabi lang daw niya narinig at nakita mismo ang response ng mga tao sa ginawa

nilang pelikula.

"Napanood ko na siya noong mag-screening kami sa Unitel.

Pero ano lang yun, maliit lang ang screen, hindi pa ganito kalaki. It feels

really good na malamang maganda yung response ng mga tao. Actually, noong una

siyang ipinalabas sa Cinemalaya, wala ako rito. Pero ang dami kong text na

nakuha na puno raw at grabe raw ang response!

"And then, one day when I went to Cinemalaya to watch other

movies, people were approaching me and telling me how great the movie was.

Siyempre naman ako, alam ko kasi ang kuwento and it's really different, I

guess," very proud na kuwento ni Mylene sa PEP (Philippine Entertainment

Portal) after the screening.

Nang unang i-offer nga raw sa kanya ang movie, nagustuhan na niya ito agad.

"Oh yes, yes! Kasi highly recommended din ni Eugene Domingo.

Sabi niya, ‘Maganda ‘to, mare!' ‘Tapos si Marlon Rivera, binigyan niya rin ako

ng, ‘Try mo, ikaw ang bida rito.'"

Ang kuwento ng 100 ay tungkol sa isang single lady na may

cancer at tinaningan ng kanyang doktor ng 100 days to live . Matatawa at maiiyak

ka sa approach ng movie.

Tinanong ng PEP si Mylene kung mangyari kaya sa

kanya ang ganoong sitwasyon, will she also do the same thing na mga ginawa

niya bago siya mamatay sa 100?

"Hindi lahat ng bagay run," sagot niya. "Pero nagkaroon din

ako ng sariling listahan while we were shooting. Napaisip ako, ano ba talaga

ang mga bagay na dapat at gusto kong gawin bago ako mamatay?"

NUDE SCENE. Kung may hahangaan man ang mga manonood sa mga indie films

ay ang pagiging matapang ng mga artistang nagsisiganap dito. ‘Tulad na lamang

nina Mylene, Eugene, at Tessie na may eksenang naghubo't hubad sila

patakbo sa dagat.

"Ginawa ko na rin ito dati, sa Gatas. I think, mas brave pa

nga ‘yon. But it's a long time and, actually, nakaka-encourage kasi pumayag si

Tessie Tomas. Kinailangan pa namin siyang painumin ng wine para lang magawa

niya. Parang isang buong buwan niyang pinaghandaan, nakakaloka! Pinaghandaan

niyang talaga!" masayang kuwento ni Mylene.

BEST-ACTRESS CONTENDER. Sa Sunday, July 20, ang awarding ceremony ng lahat ng movies

na for competition sa Cinemalaya. Ngayon pa lang, matunog na nga ang pangalan ni

Mylene for Best Actress. Ano ang masasabi niya rito?

"You know what, I have seen the others also. I think there

are deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakit

hindi ko naman tatanggapin, di ba?"

Para kay Mylene, addictive daw gumawa ng mga indie film.

"Sabi ko nga, sana next year makuha ulit ako. Sana may entry

ulit ako. It's really nice to be a part of Cinemalaya. Ang sarap kasi ng

community dito. You come here and then you watch the other great filmmakers. It's

so refreshing and it's so encouraging!"

MYLENE'S ESCORT. Nang dumating si Mylene to grace the gala night of 100, kasama niya si Paolo Paraiso, ang ama ng kanyang anak.

Natatawa itong sumagot na, "He's supporting me, he's

supporting the film. And, of course, ‘yang si Paolo naman, hindi na ‘yan

mawawala sa buhay ko. Sa lahat ng espesyal na bagay na mangyayari sa akin, I

would want him to be there."

Hindi pa ba sila nagkakabalikan?

"Ay naku, hindi talaga! Friends kami! Yun lang yun!" diin ni

Mylene.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment