Send to friend Previous | Next

Director GB Sampedro clarifies reports linking him to Roxanne Guinoo and Rachell

Present ang "controversial director" na si GB Sampedro

sa album launch ng MYMP na sina Juris at Chin for Ivory Records, sa Metro Phi

Bar sa Metrowalk, Ortigas Center sa Pasig City kagabi, August 19.

"Si Direk GB kasi ang gagawa ng music video ng single

nila na "Set You Free,'" pagbabalita ni Noel Ferrer, PR ng album launch, nang

tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang ginagawa ng

direktor sa launching ng bagong album ng MYMP.

Biniro tuloy si Direk GB na bagay pala sa kanya ang title ng

music video na ididirek niya dahil "na-set free" na siya.

Pumayag naman si Direk GB na sagutin ang mga tanong sa kanya

ng entertainment press since siya ang naging subject ng blind item tungkol sa

direktor na karelasyon daw ng young actress na si Roxanne Guinoo. Nang

pangalanan na ang naturang blind item, si Direk GB nga ang tinukoy. Sumunod

namang na-link ang direktor sa singer na Rachelle Ann Go, na hindi naman

kataka-taka dahil wala na ring boyfriend si Rachelle after ng breakup nila ni

Christian Bautista.

Parehong ABS-CBN talents sina Roxanne at Rachelle at si

Direk GB ay talent din ng Kapamilya network dahil siya ang nagdidirek ng

morning show na Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino.

Ano ang totoo sa kanila ni Roxanne?

"Matagal na kaming magkaibigan ni Roxanne, pero wala

kaming relasyon," sagot ni Direk GB. "Yes, paminsan-minsan kung may time,

nagkakayayaan, lumalabas kami. Pero hindi kami lang dalawa, lagi kaming may

kasama.

"Pero mas lalo akong nagulat na ini-link na rin ako kay

Rachelle Ann. Ako nga ang nagdirek ng concerts ni Rachelle, pero hanggang doon

lang ‘yon. Nagka-chat nga lang kami sa Internet nang lumabas ang balita at

nagtanungan kami kung saan nanggaling ‘yon dahil matagal na rin kaming hindi

nagkikita at nagkakausap. Hindi totoo ang mga balitang ‘yon."

Biro namin kay Direk GB, siguro dahil free nga siya ngayon,

kaya siya nali-link kung kani-kanino. Two years na kasing hiwalay si Direk GB at ang wife niyang si

Maristel Sampedro, na dating manager ni Kyla at manager ngayon ni Jaya. May

tatlo silang anak—a boy who is 11 years old, a girl who's almost seven years

old, at ang bunso, a boy, who is four years old.

"Pero in good terms kami ni Maristel," paglilinaw ng

direktor. "Open ang communication namin at hindi ako pumapalyang dalawin ang

mga anak namin at pagtupad sa mga obligasyon ko sa kanila. Katulong niya ako

kung may problema sa aming mga anak.

"Siya ang naunang nagkaroon ng boyfriend at hindi naman ako

tutol doon. Filipino-American siya and, in fact, nasa States siya ngayon. Two

weeks na siya roon. Hindi ko pa nami-meet ‘yong guy, pero naikukuwento siya sa

akin ni Maristel," kuwento niya.

Kapag ganoong umaalis si Maristel, kanino naiiwanan ang mga

anak nila?

"Sa akin, nasa akin sila ngayon. Masaya nga dahil lagi

kaming nagba-bonding ng mga anak ko," sabi ni Direk GB.

Naka-file na raw ang annulment ng kasal nila. Sino ang

nag-file?

"Yes, naka-file na, ako ang nag-file. Mabuti na rin

‘yon para kung gusto na nilang magpakasal ng boyfriend niya, kapag na-approve

na ‘yon, puwede na silang magpakasal," nakangiting sabi ng direktor.

Ngayong araw, August 20, ang shoot ni Direk GB ng "Set

You Free" music video ng MYMP.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment