Send to friend Previous | Next

Jodi Sta. Maria working on her fourth indie film

Fourth independent film na ni Jodi Sta. Maria ang Cul-de-Sac

(Dead End) ng Cinemabuhay, para sa PLDT-Smart Foundation (PSF) with Mr. Butch

Meily, president of PSF, and Albert Martinez, PSF Executive Director (Film Fund). Nauna rito ang Maling Akala, Nars, at Sisa

na nagkaroon na ng screenings sa SM Centerpoint.

"Bata pa ang new director and scriptwriter namin, si

Juan Miguel Sevilla," sabi ni Jodi nang makausap siya ng PEP Philippine

Entertainment Portal) sa shooting ng Cul-de-sac sa isang apartment sa Cubao,

Quezon City kahapon, August 19.

Dugtong niya, "I play the role of Raquel, isang call

center agent, pero may magiging twist sa character ko. Suspense ang story, may

mga pumapatay, pero wala pong multo. Hanggang doon na lang po muna ang puwede

kong ikuwento.

"Ito rin ang first time naming magkakatrabaho ni Sam

[Milby]. Nakakatawa nga, dahil pareho naman kami ng [TV] network, pero ngayon lang

talaga kami magkakasama sa isang project. Ngayon din lang ang first shooting day namin together at ang gaan pala

niyang katrabaho. Nakatapos na kami ng four sequences at napaka-professional

niya, no complaint siya kahit ano'ng ipagawa sa kanya. Kahit ‘yong paglalagay

ng prosthetics sa kanya, wala siyang reklamo."

Kapag makikita mo si Jodi in person, hindi mo iisiping

mother na siya ng almost three years old na si Thirdy—anak niya kay Pampi

Lacson, na anak ni Senator Ping Lacson—dahil alagang-alaga niya ang katawan

niya.

Nahingan din siya ng komento na among the Tabing Ilog cast members,

tila sila na lang ni John Lloyd Cruz ang very active sa showbiz.

"Hindi rin po naman," paglilinaw ni Jodi. "Nariyan pa

rin si Paolo [Contis] at ang dami rin niyang projects sa GMA-7, si Baron

[Geisler] ay may movies at TV show rin. Si Desiree [del Valle] ay may movie at

TV, bumalik na po siya ulit sa ABS-CBN. But we're happy for Paula [Peralejo]

dahil magna cum laude graduate na siya sa UP. Si Kaye [Abad], ang alam ko po,

siya na ang nagma-manage ng school nila sa Cavite."

Hindi ba naman siya pinipigilan ng husband niyang si Pampi

na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career?

"Very supportive po niya. Kung pinipigilan niya ako,

hindi na ninyo ako mapapanood sa TV," nakangiting wika ni Jodi.

Si Thirdy, hindi ba siya tinatanong nito kung bakit madalas

siyang wala sa bahay?

"Hindi naman," ani Jodi. "Saka kung minsan naman,

isinasama ko siya. ‘Tulad ngayon, kasama ko siya, nandun, nakikipaglaro sa mga

bata sa kapitbahay. Pero kung minsan din, naglalambing siya sa akin, sasabihin

niya, ‘Mom, huwag ka na mag-taping, huwag ka na mag-work, dito ka na lang.'

Hanggang doon lang naman siya. Kapag nagpaalam na ako sa kanya na magwu-work na

ako, hindi na siya umiiyak o humahabol."

Sunud-sunod pa rin ang mga projects ni Jodi, bukod pa sa mga

product endorsements na ginagawa niya.

"May gagawin po akong dalawang teleserye sa ABS-CBN,

hindi pa kami nagsisimulang mag-taping. Pero ‘yong isa, sisimulan namin ngayong

August at ‘yong isa, sa September namin sisimulan. Hindi ko pa lang po puwedeng

sabihin kung sinu-sino ang makakasama ko, kahit kung sino ang magdidirek, kasi

bawal pa po. Hindi ko pa rin alam kung

kailan ito ipalalabas. May isa rin po akong gagawing indie film, pero out of

the country, somewhere in Asia ito isu-shoot."

Ang Cul-de-Sac (Dead End) ay wala pang commercial exhibition

dito kapag natapos nang i-shoot. Pero baka ipalabas ito sa 80th anniversary

celebration ng PLDT sa November. May ilang international film festivals na

silang kinu-consider para i-submit ang movie.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment