
Magmula nang lumipat ang young actress na si Heart
Evangelista sa GMA-7, naging kapansin-pansin ang pagiging daring niya pagdating
sa kanyang pananamit sa mga ginagawa niyang production numbers sa
musical-variety show na SOP.
Dahil sa revealing outfits niya sa kanyang production
numbers—gaya ng ginawa niya sa launch ng Codename: Asero kagabi,
July 9—ay napapansin na ang magandang hubog ng kanyang katawan, lalo na ang size
ng kanyang dibdib. Komento ng ilan, baka nagparetoke siya ng kanyang boobs.
"It's Victoria's secret, my dear!" tawa ni Heart nang
tanungin tungkol dito.
What about her butt?
"Ay, that's workout!" bulalas niya. "Actually, marami lang
kayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito,
pero matagal nang ganyan ‘yan."
Pinaghirapan daw talaga ni Heart ang
magandang pangangatawan niya ngayon.
"Lagi akong may ginagawa. ‘Tapos sa umaga, nagwo-workout ako
parati bago ako nagtatrabaho. Kahit sabihin mo 7 a.m. ang call time ko, 5 a.m.
nagigising na ako, nagwo-workout na ako. I work out a lot, every day sa
taping," lahad niya.
Part ba ng kanyang paglipat sa GMA-7 ang pagkakaroon ng more
mature and sexier image, lalo pa't pinag-uusapan ang belly dancing niya sa
Codename: Asero?
"Hindi, nagkataon lang talaga," sabi ni Heart. "Alam mo yung
belly-dancing scene na ‘yan, hindi naman ‘yan yung buong ano... Natuwa lang sila
kaya they made it such a big thing. But no, it doesn't mean na magse-sexy ako,
I will still not pose for a men's magazine, yung mga FHM, Maxim...no, no, no.
"Kaya nga iniingatan ko, like kunyari ‘pag may mga guesting
ako, I make sure na hindi sexy ang mga outfits ko. Because I wanted to
differentiate yung character ko at kung sino ako. Iba naman din, part of
growing up."
May nagtanong din kay Heart kung bakit ngayong nasa GMA-7
niya lang naisipang magpa-sexy at hindi noong nasa ABS-CBN pa siya. Biro pa sa
kanya, parang tinipid daw niya ang dati niyang home network.
"Well, minaximize ko naman yung kaya kong ibigay nung time
na ‘yon," sagot niya. "Pero siguro ngayon, after everything that I've gone
through, parang another phase in my life, iba naman."
KISSING SCENES WITH RICHARD. Sa ipinakitang teaser ng Codename: Asero, kapansin-pansin din
ang hindi mabilang na kissing scenes ni Heart sa leading man niyang si Richard
Gutierrez. Ilan ba talaga ang kissing scenes nila ng kapareha?
"Madami, e!" natatawang sabi ni
Heart. "Napakahusay ni Richard dahil–" pero natigilan ang young actress at
sinabing, "Hindi, hindi, napaka-professional niya... Ako nga, nagugulat ako kahit
pauli-ulit yung take namin, okey lang!"
How is Richard as a kisser?
"Okay lang, okay naman!" tawa
niya ulit. "Siyempre ‘pag nandoon, may kaba, hindi mo naiisip yung moment na
naghalikan."
Naninibago ba siya na iba na ang
kahalikan niya?
"Naninibago ako dahil I'm open to
kissing scenes now, period," nakangiti niyang sagot.
FOCUSED ON SHOWBIZ CAREER. Sa ngayon ay gusto munang
mag-concentrate ni Heart sa kanyang showbiz career. Hindi pa raw siya handang
umibig muli pagkatapos ng breakup nila ng kanyang dating boyfriend na si
Jericho Rosales.
"Parang ngayon, sarili ko muna ang
iisipin ko... Alam n'yo kasi, matagal na rin akong hindi nabigyan ng pagkakataon.
Sobrang gusto kong maging sulit yung pagkuha sa akin ng GMA. Kaya lahat
ginagawa ko, nagte-training ako, lahat! So I'm not ready to do anything else.
Yung mga unfinished business ko dati, gusto nang tapusin ‘yon," saad ni Heart.
Bukod sa Codename: Asero, na
magsisimula na sa July 14, ay regular ding napapanood si Heart sa
musical-variety show na SOP. Soon ay magkakaroon din siya ng fashion-lifestyle
show sa QTV-11, ang sister station ng GMA-7. Pagkatapos ng Codename: Asero,
isang Pinoy version ng isang sikat na Koreanovela ang susunod na primetime
series niya.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
