
Kitang-kita ang
excitement sa mukha ni Bianca Gonzalez sa launching ng "Y Speak: Back 2 Books"
project, in partnership with the Office of Senator Francis "Kiko" Pangilinan
and in cooperation with Help Kids Learn Project, noong Miyerkules, June 11, sa
Shakey's Tomas Morato, Quezon City.
"Isa siyang book
drive kung saan puwedeng mag-donate kahit sino—bata na high school, college, or
grade school or parents na may mga lumang libro na hindi na nagagamit. Ibibigay
dito and then kapag enough na ang books na makuha namin, ibibigay na sa
Barangay Bagong Silang," lahad ni Bianca nang makausap siya ng PEP (Philippine
Entertainment Portal).
It will be the first
public library sa Barangay Bagong Silang sa Caloocan City.
"Apparently,
according to the office of Senator Kiko Pangilinan, ito yung poorest barangay in the
country. Imagine, one million sa isang barangay at wala man lang silang public
library. So, ito yung first ever na magiging public library. In a few months,
hopefully, matayo na."
Si Senator Kiko raw
ang nag-suggest sa kanila kung saang barangay ilalagak ang mga librong makakuha
nila sa "Back 2 Books" project nila.
"Actually, nung
in-approach ko nga sila ng Y Speak about it, I think because the senator nga
came there recently... Yun nga, naghahanap sila ng project na puwedeng gawin doon
‘tapos biglang, ayun, doon nagsimula yung buong project," kuwento ni Bianca.
BIANCA ON KC. Hindi kaya sila
maintriga ni Senator Kiko since siya ang stepdad ni KC Concepcion, na na-link
din sa dating boyfriend ni Bianca na si Lino Cayetano?
"No problem, kasi
nga, like Ms. George said from the office of Senator Kiko, ever since Y Speak
started, every time kailangan namin ng interview or support for any project,
he's very, very supportive."
Ito rin kaya ang
maging daan para magkatrabaho sila o magkasama man lang ni KC?
"Malay natin, oo,"
very positive na pagtingin ni Bianca sa situwasyon.
Welcome ba sa kanya
na makasama si KC?
"Of course, of
course, definitely! Not a problem at all, lalo na everybody knows kung gaano
kalakas ang hatak ni KC with all the young people, so definitely," sabi ni
Bianca.
Paano kung
intrigahin sila ni KC dahil kay Direk
Lino?
"Ay, hindi!" bulalas
niya. "Wala yun talaga sa amin. I'm sure kahit if you'll ask her [KC], wala rin
sa kanya yun."
LONGER HAIR. That afternoon,
napansin naman namin ang bagong hairstyle ni Bianca. Nagpa-hair extension si
Bianca abot na halos sa kanyang puwet. Bakit niya naisipang magpahaba ng buhok?
"E, basta,"
natatawang sagot niya. "Kasi tapos na
ang Pinoy Big Brother Edition Plus [Teen ]. Oo,
kaya humaba siya. Tingnan ninyo naman, mukha na akong mermaid. Hindi, kasi
actually, every like bagong edition or tapos ng something, nag-iiba talaga kami
ng hair. In fact, si Toni this week, mag-iiba rin siya ng hair niya. So ako,
imbes na maikli, humaba naman siya.
"Bakit sumobra ang
haba? E, akala ko mermaid ako, e!" tawa niya. "Para maiba lang. Mas mataray nga
si Mariel [Rodriguez] kasi two days nga lang, short hair ‘tapos biglang ang
haba na. Siya ang inspiration ko."
Hindi kaya may ibang
dahilan kaya siya inspired?
"Hindi, ano lang,
bored lang ako sa buhok ko? Oo, kasi, di ba, lalo na babae?"
Sabi nila kapag
nagpapahaba ng buhok ang babae, may pinagpapahabaan.
"Tingnan natin kung
magkaka-effect ang pagpapahaba ng buhok ko," biro ni Bianca.
Alam na ba ni Direk
Lino ang bago niyang hairstyle?
"Ay, hindi!
Actually, yesterday lang ito. Surprise nga sila [Y Speak staff]sa akin."
Obviously, blooming
si Bianca habang kausap namin.
"Talaga? Kahit may
pimple ako?" tawa niya. "Hindi ano, inspired sa work. Ang sarap kasi parang
every day you do, kunyari showbiz show or PBB, pero on the side, makakagawa ng
campaign na ganito kaganda napakalaking bagay din."
BIANCA ON LINO. May participation ba
si Direk Lino sa proyekto nila sa Y Speak?
"Ay, no. None at
all. Kung aware siya? Baka hindi rin! Talagang effort lang ito ng Y Speak. In
fact, from my barkada I'll be asking for books din," sabi niya.
Kumusta si Direk
Lino?
"Okey lang naman.
Malayo siya," sagot niya.
Ayaw na bang bumalik
ng Pilipinas ni Direk Lino?
"Hindi naman yata. I
think, I don't know though kung hanggang kailan siya doon [Singapore], but I
think naman, lalo na't buong pamilya niya nandito, I think in the end babalik
din siya."
Hindi ba niya
nami-miss si Direk Lino?
"Hindi, no time.
Busy tayo with work."
For sure, may mga
girls na nami-meet abroad si Direk Lino. What about her? May boys din ba siya
na nami-meet dito na interesado siya?
"Sana, pero hindi,
e. Wala naman. Puro work, pero siyempre I get to enjoy time with my friends,
with my family."
Nakikipag-date na
siya sa ibang guys?
"Oo, pero parang
wala. Parang lahat ng tao dito sa Pilipinas taken!" tawa niya.
Biniro namin si
Bianca baka gusto niyang manawagan ng potential boyfriend habang wala sa
Pilipinas si Direk Lino.
"Ay, wala! Hindi
naman ako nananawagan. Huwag naman. Kung darating, darating," seryosong sagot
ni Bianca.
Lahat ng kasama niya
sa showbiz talk show na Entertainment Live!—Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, and
Luis Manzano—ay may kanya-kanyang inspirasyon na.
"Si Luis ang
saya-saya! Lahat kami masaya."
Siya lang ang walang
partner dito?
"But I'm happy,"
sabi naman niya. "Wala talaga [inspiration], but I'm happy. ‘Pag meron talaga,
I will share it, definitely. Hindi sini-secret ang mga ganyang sobrang masayang bagay."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
