Send to friend Previous | Next

Judy Ann Santos spearheads Canister Drive for Aeta kids

Bilang patunay na

may ginintuang puso si Judy Ann Santos, hindi niya nakakalimutan na mag-share

ng kanyang blessings sa mga alam niyang kailangan ng tulong.

Kabilang sa mga

nabibiyayaan ng tulong ni Juday ay ang ilang bata at ang kanilang pamilya sa

isang Aeta community sa Zambales. Juday's charitable deed is made possible via

Touch A Heart Foundation na limang taon nang nagbibigay ng serbisyo sa ilang

komunidad tulad nga ng mga Aetas.

Kuwento ni Juday sa PEP (Philippine

Entertainment Portal), nagsimula ang kanyang pag-share ng blessings five years

ago nang mag-alay siya ng community service sa mga special children sa Elsie

Gaches Village sa Alabang, Muntinlupa at ilang out-of-school youth sa Tondo

area.

"Noon pa naman, bata

pa lang ako, gusto ko nang maka-extend ng tulong sa ibang tao. Kasi nga artista

na tayo noon, kung saan-saan ako nakakarating na lugar. Siyempre, naoobserbahan

ko ang iba't ibang mga tao. Karamihan sa kanila ay kailangan ng tulong talaga.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na

kapag dumating ang time na maganda na ang estado ko sa buhay, ang pagtulong sa

kapwa ang gagawin ko.

"At nangyari na nga,

pero paunti-unti. Nagsimula kami sa mga special children nga sa Elsie Gaches.

Nagbigay kami ng mga pagkain, gamut, at ilang mga regalo para matuwa naman sila

sa pagpunta namin. ‘Tapos sumunod ang mga bata sa Tondo area hanggang sa

mag-reach out na kami sa Aeta community in Zambales."

Espesyal para kay

Juday ang Aeta community na tulungan dahil alam niyang mas kailangan nila ng

maraming tulong since sa malalayong lugar sila nakatira at kapos sila sa basic

necessities at umaasa lang talaga sila sa donasyon ng ibang tao.

"Special sila sa

akin mainly because nakatrabaho ko na rin ang ilan sa kanila," sabi ng young

superstar. "Remember na nagkaroon ako ng soap drama noong bata ako na Ula? Mga

katrabaho ko that time ay mga Aeta talaga. So, nakita ko na ang way of living

nila. Hindi madali at very self-sufficient sila sa paghanap ng pagkain, tubig,

at pag-alaga ng pamilya nila.

"So sila ang

naramdaman ko na kapag binigyan mo sila ng tulong, maa-appreciate nila nang

husto. As in, makikita ko sa mga mukha nila na masayang-masaya sila dahil

naaalala mo sila. Kaya kami sa Touch A Heart, we try our best na buwan-buwan ay

mapadalhan namin sila ng tulong. Kahit na manggaling pa ito sa sarili kong

bulsa."

In-extend ni Juday

ang kanyang Touch A Heart Foundation sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Canister

Drive sa Tutuban Mall sa Manila kahapon, July

25. Nagpamigay si Juday ng 1,000 canisters sa stalls ng Tutuban Mall para

mapunuan ng mga loose change na siyang kukulektahin para makalikom ng funds

para sa mga tinutulungan ng foundation.

"Malaki ang

pasasalamat ko sa Tutuban Mall dahil hindi sila huminde sa request namin para

sa pet project namin na ito. Sila lang talaga ‘yung nagbigay ng sagot sa amin

na interesado silang tumulong sa amin. Kaya naman natuwa kami because mas

marami nang mga tao ang tutulong sa mga proyekto namin.

"Ang maiipon naming

mga barya mula sa Canister Drive ang ipambibili namin ng mga damit, gamot,

pagkain at pangpondo namin sa magiging scholarship grants ko sa ilang bata sa

Aeta community. Mahalaga ang edukasyon at gusto kong makatulong sa pag-aaral ng

mga batang gustong mag-aral talaga."

Bilang ganti ni

Juday sa magandang gesture ng Tutuban Mall, pumayag si Juday na suportahan ang

magaganap na Mr. & Ms. Tutuban Mall via her foundation. Isa rin si Juday sa

uupo sa panel of judges.

"Iyon naman ang

pangako ko sa VP for sales and marketing ng Tutuban Mall na si Mr. Ding

Espiritu. In exchange sa tulong na binigay nila sa amin, susuportahan ng Touch

A Heart ang contest nila na magaganap on November 30. Yung winners ay parang

magiging spokesmodel para sa foundation namin."

For more details on

Mr. & Ms. Tutuban Philippines Mall Contest, log on to www.mmtutubanphils.com.

Or call Tribe Hauz at 384-4484 or e-mail application and pictures to tribehauz@yahoo.com.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment