
Pinadalhan ni Rufa Mae Quinto ang PEP (Philippine
Entertainment Portal) ng kanyang mga litrato mula sa Canada. Nagkaroon kasi ng
series of shows doon ang sexy comedienne at isinabay na niya ang mag-tour dahil
first time niyang nakarating sa Canada.
"Kasama ko sina Allan K, Pooh, at Giselle Sanchez. Ang
nag-organize ng show ay ang Filipino community sa Vancouver. Kaya ang saya-saya
namin kasi nga sabik ang mga kababayan natin doon na mag-show ang mga tulad
namin.
"First time ko kasing mag-show sa Canada kaya excited ako.
‘Tapos makakasama ko pa sila Allan K, Poohm at Giselle. Sa Pilipinas kasi
nakakasama ko na sila sa shows kaya ang saya nung magkasama kami sa Canada,"
masayang kuwento ni Rufa Mae sa PEP.
Pero hindi muna umuwi si Rufa Mae sa Pilipinas after ng
kanyang shows sa Canada. Sinamantala na niya ang pagkakataon na nasa Canada na
siya kaya nag-tour na siya sa iba't ibang magagandang lugar doon.
"Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalamanan sa mga
shows ko na Bubble Gang, Dyesebel, SOP, at Showbiz Central. Sabi ko na
mag-vacation lang ako kasi sunud-sunod ang trabaho ko lately. Mag-unwind muna
ako para ma-relax ako.
"Kasi yung pag-abroad ko naman dati, puro trabaho rin.
‘Tulad noong pumunta kami sa Europe, shooting naman ‘yon ng I.T.A.L.Y. for GMA
Films. Ilang days lang kami doon at hindi kami nakapagpasyal nang husto. ‘Tapos
nag-show din ako sa London kelan lang, pero ilang days din kasi kailangan kong
umuwi dahil may shooting ako ng movie ko na Single.
"Kaya sinamantala ko na ang two weeks para ma-enjoy ko naman
ang biyahe. ‘Tsaka I've been working hard for the past few months, I deserve
naman siguro ang pahinga at malayo sa gulo ng showbiz. Pero sa totoo lang,
na-miss ko rin ang ingay ng showbiz, huh! Ang tahimik kasi dito sa Canada!"
lahad niya.
Namasyal daw si Rufa Mae kasama sina Pooh, Giselle, Allan K, at ang manager nitong si Jun Nardo sa iba't ibang tourist spots sa Canada, particular sa mga lugar sa
Vancouver, Edmonton, Winnipeg, Calgary, at Red Deer.
"As in feeling turista talaga kami. In-enjoy talaga namin
ang lugar. Ang lamig-lamig kahit na summer sila doon," sabi ni Rufa Mae.
"Hindi ko kinaya ang lamig, pero panay pa rin suot ko ng mga
maninipis at maiiksi na damit! Pero ang ganda ng mga tanawin nila. Lalo na yung
mga national parks nila. Alaga ang nature at ang fresh ng hangin doon.
Nakaka-in love nga ang lugar. Na-miss ko tuloy si Papa Bobby [Lopez, her
boyfriend]!"
Sa pag-uwi ni Rufa Mae ay sasabak kaagad siya sa
taping ng kanyang shows at sa paghu-host. Magsisimula na rin siya sa shooting
ng Desperadas 2 para sa 2008 Metro Manila Film Festival sa December.
Click here to see more photos of Rufa Mae in Canada.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
