Send to friend Previous | Next

Dingdong Dantes and Marian Rivera grab the chance to shop around while in L.A.

Kasama ang Showbiz Central sa paglipad ng Eat Bulaga! sa Los Angeles, California, U.S.A. upang i-cover ang

show. Sinamantala ng SC na mainterbyu muna ang isa sa guests Eat

Bulaga! na si Dingdong Dantes.

Inumpisahan agad ng tanong na maintriga si Dingdong. Totoo

raw bang magkatabi sila ng Dyesebel leading lady niyang si Marian Rivera

nang sumakay sila ng eroplano papuntang L.A.?

Itinanggi naman ni Dong na magkatabi nga sila ni Marian sa

plane. Ang manager daw niyang Perry Lansigan ang katabi niya at hindi si

Marian.

"Supposedly, sabay nga kaming pupunta rito. Pero dahil siya

ang prinesent na sexiest woman sa buong bansa [sa FHM Sexiest

Woman party], she had to stay. So, na-delay siya ng isang araw. We've

been looking forward for this trip a long time ago. Pagkatapos ng Las

Vegas trip namin, finally we're here and we'll get to see our kababayan again."

Naniniwala rin si Dingdong na ang pagpunta nila sa L.A. ay

isang magandang opportunity, especially sa kanilang dalawa ni Marian na

makilala ang mga kababayan nating patuloy na sumusuporta sa kanila.

"The best opportunity para pasalamatan namin sila. So, kahit

kami, matagal na naming hinihintay ito. Kasi sila, kahit they are here abroad,

constant yung pagsuporta nila sa amin at sa mga programa namin.

"That's why you know, maganda yung nagiging resulta. Kaya

nga kapag nakita namin sila, magandang pasasalamat ang ibibigay namin sa

kanila."

Ayon pa kay Dingdong wala pa raw siyang nabubuong plano

kunsaan sila puwedeng magpunta. Pero kung magkakaroon ng chance, gusto rin daw

niyang makapasyal sila.

"Kung may chance siguro, pupuwede kaming

makapasyal-pasyal. Kung Disneyland, hindi na siguro because its far from

here."

Sa pagbalik naman ni Dingdong sa bansa from their U.S. trip

ay ang pagrampa naman niya for Bench Blackout sa Araneta Coliseum on

July 25, Friday, ang inaabangan.

Magpapaka-daring ba si Dingdong sa pagrampa niya, like

Wendell Ramos's daring butt exposures in the past Bench shows?

"Si Wendell, may ano siya, e...kumbaga, he has his own throne

dun sa Bench. And I don't intend to surpass or do something similar sa ginawa

niya. Siyempre, I want to be known by my own identity

also."

MARIAN ARRIVES. Nang dumating na si Marian sa L.A.

from being presented as FHM Philippines' Sexiest Woman, siya naman ang

ininterbyu ng Showbiz Central. Ang manager niyang si Popoy Caritativo

ang kasama niyang lumipad papuntang U.S.

Kinumusta agad siya ng Showbiz Central.

"Masaya at saka, first time ko kasi rito kaya excited ako

talaga," sagot ni Marian. "Ngayong

nandito na ‘ko, super-happy talaga, dahil nakapasyal ako, kahit na ilang oras

lang," pahayag nga ni Marian na isa sa busiest young actress sa bansa.

Pagdating niya nagkaroon nga raw sila ni Dingdong ng

oras na makapamasyal at mag-shopping.

Pero na-surprise naman daw siya pagdating niya nang hindi

niya akalaing may inihanda palang advance surprise birthday party para sa kanya

ang ilang fans nila ni Dingdong Dantes na nakabase doon.

"Sobrang na-surprise talaga ‘ko. Akala ko, imi-meet ko lang

sila. Hindi ko akalain na meron pala silang surprise party at advance para sa

birthday ko. O. di ba, ang aga!" masaya niyang sabi.

Kung ang pagbabasehan daw ay ang napakainit na pagtanggap sa

kanilang dalawa ni Dingdong kahit sa ibang bansa, hindi na raw maide-deny na

talagang sikat na sikat na sila.

"Oo, sobrang saya ko! Kasi, na-meet ko ang ibang mga fans ko

at ang dami ko pang nakilala. Nakakataba talaga ng puso na kahit na

nandito sila, nanonood talaga sila ng Dyesebel.

"At sana po, huwag kayong magsawa sa amin at marami pa po

kaming gagawin para mapaligaya ang buhay nyo."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment