Send to friend Previous | Next

Rica Peralejo once got marriage proposal from a stranger in London

"Nagandahan daw siya sa

akin, nilapitan ako at nag-offer nga siya ng marriage kaya sabi ko sa kanya,

‘Why will you marry me, when you just knew me a couple of minutes?' Sagot niya,

‘I will know you the rest of our lives,'" narrates Rica Peralejo.

Dennis Mendoza

Rica Peralejo once got marriage proposal from a stranger in London

Nora V. Calderon

Thursday, May 15, 2008

02:50 PM

Rating

Bago ang Caregiver,

ang huling pelikulang ginawa ni Rica Peralejo ay ang suspense-thriller na Matakot

Ka Sa Karma ng Canary Films na isinali pa noong 2006 Metro Manila Film

Festival. Halos hindi na nga matandaan ni Rica ang title ng movie na ito nang

makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ang press

conference ng Caregiver sa Studio 1 ng ABS-CBN kaninang lunch.

WORKING WITH MEGA. First time lamang nilang nagkasama sa movie ni

Sharon, although nag-guest na raw ito noong mayroon pa silang Ok, Fine

nina Aga Muhlach sa Channel 2. Kumusta naman to work with the Megastar?

"Ay, naku, hindi ko na

talaga makakalimutan si Ate Sharon," simula ni Rica. "Halos lahat ng eksena ko sa movie,

kasama ko siya at talaga palang bukod sa napakabait niya, napakahusay na

artista, napaka-supportive pa niya, di ka niya pababayaan.

"Meron akong isang eksena

roon na tensyonada ako dahil limited ang oras namin sa pagsu-shooting. Hindi ko

talaga ma-memorize iyong mga lines ko.

Tinulungan niya ako na sasabihin niya iyong lines niya pagkatapos

ima-mouth niya ang lines ko at iyon ang sinundan ko."

Natensiyon ba siya dahil kay

Direk Chito Roño?

"Hindi naman, dahil

kilala ko na si Direk. Kapag wala kami sa trabaho, very caring din siya, pero

kapag trabaho na, kailangan talagang magtrabaho ka. Bago magsimula ang take, sasabihin na niya right away kung ano

ang gusto niyang gawin mo sa eksena. Maliwanag siyang magbibigay ng

instructions kaya dapat hindi ka na magkakamali, lalo pa nga at talagang

pressed for time kami roon."

Rica plays the role of

Karen, husband niya si Jhong Hilario at caregiver din siya tulad ni Sharon.

Nagkaroon ba sila ng formal training ng pagiging caregiver bago sila pumunta sa

London?

"Hindi na po, kasi mga

totoong caregivers naman ang kasama namin sa movie, bukod sa mga British actors

na kinuha nila roon," sabi ni Rica. "Sila na iyong nagturo sa amin

kung paano ang dapat gawin, kung ano ang procedure na dapat gawin sa mga

pasyenteng alaga namin doon.

"Doon din namin nalaman na

gusto nila roon ang mga Pinoy na caregivers dahil masipag tayong magtrabaho at

likas ang pagiging caring nating mga Pilipino, bukod pa nga sa very hospitable

tayo kahit nasa ibang bansa."

LOST IN LONDON. Nabanggit ni Rica na naramdaman niya during their

shootings na parang nagtatrabaho na siya talaga sa London.

"Wala kaming access

doon, kanya-kanya kami. Minsan na rin akong naligaw nang pagbalik sa tinitirhan

namin. Mahirap doon ang ma-miss mo ang bus stop. Ang katwiran ko na lang,

matututunan ko pa rin naman kung paano ako makakauwi.

"Pero talagang napakalamig

doon, na kung minsan, hindi mo rin mawari ang weather. May lugar na mainit ang

araw, pero lumakad ka lang sa malayu-layo, umuulan na. Akala nga namin, gaganda

na ang weather dahil papasok na ang spring. Pero hindi, lalo pang lumamig,

nagkaroon pa ng hail storm. Ang lalaki

ng bumabagsak na butil ng yelo.

"Hindi iyon ang first time

kong pumunta ng London, pero noon lang ako nakaranas ng ganoong weather doon.

"Pero kapag inisip mo,

parang hindi ka tatagal doon, kasi very gloomy ang paligid. Mami-miss mo lahat;

ang family mo, ang mga friends mo. ‘Tapos mahirap pa ang trabaho mo tulad nga

ng pagiging caregiver, na gagawin mo ang lahat para sa alaga mong pasyente.

Kaya totoo pala iyong maririnig mong sinasabi nilang ‘iuwi n'yo na ako sa

Pilipinas!' Dahil sa hirap at homesickness mo roon, gusto mo na talagang umuwi ng

Pilipinas."

ON THE SPOT PROPOSAL. At 27, loveless pa rin si Rica. Hindi pa ba talaga

dumarating si Mr. Right?

"Wala pa, three or four

years na yata akong walang boyfriend dahil after naman ni BJ [Bernard Palanca],

wala na po talaga akong naging boyfriend."

Paano ang relasyon nila noon

ni Piolo Pascual?

"Hindi po naman iyon

nag-flourish, naging very good friends lang talaga kami ni PJ [Piolo]. Siguro

kapag nakita ko na ang lalaking iyon [Mr. Right], mararamdaman kong ‘siya' na

iyon. Hindi na ako tatanggi kung mag-offer siya ng marriage sa akin.

"Minsan na rin pong may

nag-offer sa akin ng marriage, noong nasa London kami ng Ok, Fine.

Siguro kung tumitingin lang ako sa guwapo, tatanggapin ko iyon. Guwapo kasi

siya, British pero Oriental-looking. Nagandahan daw siya sa akin, nilapitan ako

at nag-offer nga siya ng marriage kaya sabi ko sa kanya, ‘Why will you marry

me, when you just knew me a couple of minutes?' Sagot niya, ‘I will know you the rest of our lives.'

"Guwapo siya pero wala

talaga akong makita na siya na iyong right guy for me kaya ako tumanggi.

"Kaya po sa ngayon,

focus lang muna ako sa career ko at studies. Happy nga po ako nang i-offer sa

akin itong Caregiver at sinabing magsu-shoot kami sa London, dahil

bakasyon na ako sa Ateneo [de Manila University], where I am taking up creative

writing.

"Balik na rin ako sa Umagang

Kay Ganda, at sanay pa rin akong gumising ng 4:00 a.m. to report for

work."

MIGRATING TO THE U.S. Bakit may balita noon na magma-migrate na raw siya

sa United States?

"Wala pa po namang

definite plan. Hindi ko pa sure kung magma-migrate ako roon or magtatrabaho

lang doon. Fourteen years na rin po ako sa showbiz and I will not stay here

forever."

May pahabol ngang tanong kay

Rica na narito raw sa bansa ngayon si Bernard, paano kung kausapin siya nito?

"Ay, wala na iyon, ang

tagal na noon," nagtatawang wika ni Rica at hindi na nag-comment pa.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment