Send to friend Previous | Next

John Lloyd Cruz on Sarah Geronimo's very natural acting: "Walang hiya na siy

Matagal nang plano na pagtambalin sa isang movie sina John

Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Supposedly nga, sa remake sana ng Dear

Heart. Kaya lang, naging vocal ang Megastar na si Sharon Cuneta na ayaw niya itong

ipa-remake hangga't maaari.

Pero hindi naging dahilan ang hindi pagkakatuloy ng Dear Heart para hindi na rin matuloy ang planong pagsamahin sina John

Lloyd at Sarah. Through A Very Special Love ng Star Cinema, nagkaroon

na nga ng katuparan yun.

First time din na humarap sa press people nina

John Lloyd at Sarah na magkasama sa presscon para sa movie nung Tuesday, June

24, sa Burgoo restaurant sa Tomas Morato.

VERY NATURAL. Para sa birthday boy na si John Lloyd, everything came natural sa mga eksena nila ni Sarah.

Hindi na raw niya kailangang i-coach pa ang Pop Princess pagdating sa mga

eksena nila.

"Napaka-natural talaga. Napaka-natural ng kanyang kaalaman

kung kaya't hindi naman kami nahihirapan. Kumbaga, mag-react ka na lang.

Magre-react na lang ako at magre-react na lang siya. Natural yung flow ng

working relationship namin."

Malaki na raw ang naging difference sa pagtatrabaho nila kumpara nung una silang nagsama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

"Noon po kasing ginawa namin ang MMK, isang

tanong-isang sagot po 'yan. Isang tanong ako at isang sagot siya and then,

that's it!" natatawang kuwento ni John Lloyd.

"Pero nagulat na lang din ako, ang ganda...parang wala naman

kaming ginawa after Maalaala Mo Kaya, pero pagpasok namin sa pelikula,

parang ang bilis. Parang hindi na namin kailangang mag-adjust sa pelikula.

Parang nawala na ang hiya niya. Walang hiya na siya," pagbibiro pa ni John

Lloyd sa bagong leading lady.

SARAH'S FIRST. Tila pambitin naman kung may

kissing scene na mangyayari sa movie. In one interview, kinumpirma na ng

director na si Cathy Garcia-Molina na may kissing scene nga silang

gagawin sa movie, na may playdate na ng July 30. When the shoot finally happens,

that will make Sarah Geronimo's first kiss—both onscreen and in

real life, since hindi pa nga nagkaka-boyfriend si Sarah.

Pero ang tanong pa rin ay kung papayag kayang gawin ni Sarah

ang kissing scene na yun? If ever pumayag si Sarah and the scene pushes through, si

John Lloyd ang "makakabinyag" kay Sarah.

"Ako naman, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko," sabi ng young actor. "Para sa

akin naman, siya [Sarah] siyempre ang makakasagot niyan. If ever, masaya kasi,

makakasama sa history, di ba?

"Unang-una akong makaka-kissing scene ni Sarah Geronimo? Bakit hindi! Pagdating ng time and you look back,

puwedeng sabihin na you were Sarah's first. Pero siyempre, desisyon niya 'yan

at kung anuman ang maging desisyon niya, e, irerespeto natin. Siyempre, babae

siya, e. Kung anuman ang para sa kanya, yun

ang para sa kanya."

Tinanong si John Lloyd, kung nagkataong single siya't

magustuhan siya ni Sarah, would he fall for her?

CHEMISTRY BETWEEN THEM. "Yes!" ang maagap at maikling

sagot ni John Lloyd. Hirit naman agad ng nakikinig sa tanungan na si Sarah,

sanay na sanay na raw kasi si John Lloyd sa mga ganoong klase ng tanong.

May mga nagsasabing risky ang bagong gawang tandem ng Star

Cinema, since nasanay kasi ang fans na ang nakikitang magkasama ay sina Bea

Alonzo at si John Lloyd. Pangamba ng ilan, baka walang chemistry sa pagitan

nina John Lloyd at Sarah and the movie will suffer.

Tiwala naman si John Lloyd sa bagong love team nila ni

Sarah.

"Kung chemistry lang ang pag-uusapan, hindi ko kailangan ng

five years, six years na magkasama kami. Kasi, kumbaga, as it is, naniniwala

kami na meron kami no'ng chemistry na sinasabi."

"BREAST EXPOSURE" ISSUE. Muling tinanong si

John Lloyd tungkol sa kanyang reaction nang lumabas ang balitang magkakaroon diumano ng breast exposure ang ex-girlfriend niyang si Ciara Sotto sa show na gagawin nito sa Las Vegas. Hindi raw kasi nagustuhan ni Ciara ang naging pahayag ni John Lloyd noong una na lumabas din dito

sa PEP.

Para kay John Lloyd, masaya raw siya na hindi pala totoo ang naturang balita.

Paliwanag niya, "Kahit naman hindi ko ex-girlfriend ‘yan or kahit na

kaninong babae, ayokong mangyari yung ganoon. At saka, ang alam ko naman,

ang mga ginagawa niyang shows, walang ganoon. Matagal na rin kaming out of

touch.

"Well, I'm just hoping na yung values

niya, still intact. At sa tingin ko naman, oo naman. At kahit na nandoon

siya sa Las Vegas , ganito ang ginagawa niya, hindi naman yata mababago yun.

"Happy lang ako na hindi naman pala totoo. Kasi, pangit, e.

Hindi maganda for her. For her family. Naka-witness na ‘ko ng ganyan. Sa mga

lumalabas na photos sa Internet, very ugly."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment