Send to friend Previous | Next

Sunshine Cruz willing to live with husband Cesar Montano again

Nakakangiti na

ngayon si Sunshine Cruz kapag pinag-uusapan ang kanyang asawang si Cesar

Montano. Magandang pahiwatig daw ito ng pagkakasundo ng mag-asawa pagkatapos ng

kontrobersiya sa paghihiwalay nila. In fact, nagsasalita na rin si Cesar in defense

of Sunshine sa mga inilabas ng kapatid ng aktor na si Ched Cantu laban sa aktres.

"I'm very thankful

naman. Sabi ko nga, e, better late than never. So, okey na rin at na-apreciate

ko yun," sabi ni Sunshine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment

Portal).

Isang positibong

palatandaan daw ito na nagbubukas ulit ang pinto sa pagbabalikan nila ni Cesar.

"Oo naman!"

pagsang-ayon ni Sunshine. "Actually, it's on its way there. Kaya lang, marami pa talagang dapat ayusin."

Mukhang tuluy-tuloy

na talaga ang pagsasama nilang muli ni Cesar.

"Why not? Hindi

naman kami totally magkahiwalay pa, e. ‘Tsaka hindi naman ano, LQ-LQ lang yun.

Sa aming dalawa, wala namang problema, e. Mangyayari rin yun. Let's hope for the best," pahayag ng aktres.

Ano talaga ang

status ng relasyon nila ngayon ni Cesar from the scale of one to ten?

"Basta whatever,

anuman ang problem namin ng sister-in-law ko, out si Cesar. Unang-una, hindi

naman siya ang may kasalanan. Sinubukan niyang pigilan yung girl [Ched], pero

ayaw talaga. Pero yung suporta niya, hindi mawawala dahil alam naman niya yung

katotohanan, e."

Si Sunshine mismo

ang nagkuwento na sinabi ng kanyang mother-in-law na si Mrs. Emma Manhilot na

hindi siya lilipat sa bagong bahay na ipinatayo ni Cesar sa Tivoli Royale kung hindi kasama ng anak ang misis

nito. Willing ba si Sunshine na sundin ang kanyang mother-in-law?

"E, hindi lilipat si

Nanay kung wala ako. Package deal, e, si Nanay. Nakakatuwa nga, e," ngiti ni

Sunshine.

More or less, kinumpirma

ni Sunshine ang pagbabalikan nila ni Cesar once na tumira na siya kasama ng

aktor sa bagong bahay nila sa Tivoli Royale.

"E, nagpagawa nga

siya ng bahay para sa family niya kaya kailangan maging good boy siya!" tawa ni

Sunshine.

LIBEL CASE AGAINST CHED. Paano naman siya

tinutulungan ni Cesar sa libel case na isinampa niya kay Ched?

"Hindi naman niya

kailangang makialam," sagot ng aktres. "Unang-una, nandito na ang aking lawyer

na si Atty. [Bonifacio] Alentajan para mag-handle nun, and I just told him na,

‘Kung anuman ang problem namin ngayon ng sister mo, huwag mong isipin. Out ka

na doon,' sabi ko. Basta I have to do this. I just have todo this."

Open daw ang

communication line nila ni Cesar. Pero nag-offer ba ng financial support si

Cesar sa demandang isinampa niya laban sa kapatid ng aktor?

"Hindi," diretsong

sagot ni Sunshine. "Ang support naman sa totoo lang ni Cesar, kahit na nung

panahon na nag-LQ-LQ kami, and up to now, hindi nawawala. Pinaparamdaman naman

niya na kung anuman ang pagkukulang niya, talagang bumabawi siya lalo na sa mga

anak niya. Kaya wala akong masasabi sa kanya."

Bukod sa

sister-in-law niya, idinemanda na rin ni Sunshine ang kolumnista ng Abante

na si Jojo Gabinete.

"Because my lawyer

said it at kailangan daw gawin. Kasi parang pinapalabas doon na I'm so evil na

pinalayas ang isang paralisadong nanay, na he could ask me first bago niya

isinulat. Kasi talagang masakit," paliwanag niya.

CESAR'S FAMILY. Ano ba talaga ang

tunay na relasyon nila ng kanyang mother-in-law?

"Yun nga lang ang

isa sa mga tunay na nagmamahal sa akin diyan na tumanggap sa akin kung ano ako,"

sabi ni Sunshine.

Ibig niyang sabihin

hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ni Cesar ang naging career

path niya noon sa showbiz bilang sexy star?

"Oo," pagsang-ayon

niya. "Pero sabi ko nga, hindi naman sila ang pinakasalan ko; si Cesar. At hindi ko naman pinilit na pakasalan ako ni

Cesar. And Cesar knows naman kung ano ang nakuha niya sa akin nung pinakasalan

niya ako."

Ito rin din ang isa

sa mga lumabas na dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Cesar. Ayon sa report, labis

na nasaktan si Sunshine nang tinawag daw siyang "porno star" ni Cesar nung

kainitan ng kanilang pag-aaway.

"Well, I maybe a

sexy star but Cesar knows what I am when he got me," mariing pahayag ng

aktres.

Ano ang masasabi

niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ng pamilya ni Cesar na

dati siyang sexy star?

"Wala naman akong

masasabi, e. Ang sa akin lang, ni minsan hindi ako nakialam sa family ng iba. I

just hope, you know, if they don't like me, pabayaan na lang nila. Kung mahal talaga

nila si Cesar, kung ano talaga ang makakapagpaligaya kay Cesar, ibigay na lang nila. Sana bigyan din nila ng kapayapaan

ang family ko," pakiusap ni Sunshine.

SUNSHINE'S STEPDAUGHTER. What about Cesar's

daughter na si Angela? Okey na ba sila?

"Naiipit, e.

Bina-blackmail, hina-harass daw siya. Sinabi niya talaga sa akin yun."

Totoo nga ba na

nawalan na siya ng kuwarto sa bahay nila ni Cesar nung bumalik ulit si Angela

sa kanila?

"Naku, alam mo kahit

si Cesar mismo ang magsasabi, hindi totoo ‘yan," sabi ni Sunshine. "Kahit sa

mag-asawa yun, nanganak na, nandun pa rin ang kuwarto niya. Ako pa ang

umaalalay sa kanya.

"May asawa na siya,

nakatira sila sa isang condo sa Quezon City. Co-manager ko siya sa Bellissimo [restaurant]. But ever since nga the issue happened, hindi kami nagkikita or nag-uusap kasi

talagang masama ang loob ko.

"Pero nag-sorry na

siya at naiipit nga lang daw siya. E, before nangyari na ‘yan, e, about four

years ago. I get letters sa table sa office. ‘Sunshine,' pagbasa ko galing kay

Ched, harassment! And then I found out na siya [Angela] pala yung messenger!

"I confronted her

about that and umamin naman siya sa akin. Sabi niya, ‘Ate Shine, I cannot do

anything kasi hina-harass din ako.' Ate Shine ang tawag niya sa akin ever

since. Kasi three years lang yung gap namin. Sabi niya, ‘Ate Shine, sorry talaga.'

Nag-sorry siya at umiiyak siya sa akin na talagang naiipit lang daw siya. Inutusan

lang daw siya na gawin sa akin yun.

"So after that,

nagkasorihan. Nagkaiyakan pa nga kami. ‘Tapos inamin niya sa akin lang ngayon, na

sabi niya na siguro raw hindi raw matanggap ni Tita Ched niya na okey na raw kami,"

lahad niya.

THE SISTER-IN-LAW. Sa palagay ni

Sunshine, ano ang motivation ni Ched for doing all these things sa kanya? Bakit ganun na lang yata ang galit sa kanya

ni Ched?

"She's been doing

this bago pa kami ikasal," pagsisiwalat ni Sunshine. "Ang dami-dami niyang sinasabi kay Cesar na ganyan, ganito

raw ako. Masyadong hindi maganda kaya hindi ko na masasabi sa inyo. Pero I

still treated her like my sister.

"Pero talagang may

hanggangan nga ang lahat ng pagtitiis ng tao lalo na kung masyado mong

binababoy. I don't know, maybe because there was a time na gusto kaming

pagbatiin, pero too much damage has been done. It's not that easy to forget,

e."

Pinakamasakit para

kay Sunshine sa mga isyung ibinato sa kanya ni Ched ay yung pinalayas niya raw si Nanay Emma sa bahay nila ni Cesar.

"Kay Nanay Emma, yun

ang pinakamasakit para sa akin. E, si Nanay Emma na nga lang ang kakampi ko sa

pamilyang yun, gagawin ko pa ba yun sa kanya? Basta kung hindi nila ako gusto, hindi

ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Pero sana bigyan naman kami ng mga

anak ko ng kapayapaan."

WHOS' THE FATHER? Nabanggit na rin

lang niya ang kanyang mga anak, bakit may isyu na pinagduduhan ang bunsong anak

nila ni Cesar na hindi raw ito ang ama ng bata?

"Ewan ko. Anytime,

di pa-DNA! Walang problema. ‘Tsaka may

nabalita ba sa akin? Since I was 14 years old, my life has been an open book.

Nagpa-tweetums, nagpa-sexy hanggang sa nag-asawa. Paano ba yun?"

Nag-react din daw si

Cesar sa isyung yun.

"Oo, pero look-alike

niya [Cesar]. Carbon copy niya yun, kaya paapano mangyayari yun?"

Ano ang reaction ni

Cesar?

"Natatawa siya, pero naaawa na rin kasi ako sa

asawa ko. Kasi ang laki na rin ng ipinayat niya sa nangyayari. Naiipit siya, e.

Hindi mo naman siyempre maiaalis na kapatid pa rin at the same time, asawa niya

ako at may mga anak siya sa akin. But you know, kailangan lang talaga na mag-decide and to make a

stand na hindi rin nasasaktan yung isa. And I understand kung anuman yung

hanggang doon lang yung kaya niya. I still appreciate it," pahayag ni Sunshine.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment