Send to friend Previous | Next

FIRST READ ON PEP: Governor Vilma Santos says no to cameo role in "Miss X" remak

Batangas Governor

Vilma Santos sadly passes up the offer to be part of the remake of Miss X.

Bubbly si Governor Vi

sa pagbati ng mga "nagbigay-pugay" na press sa kanya sa birthday party ni

Cristy Fermin last Tuesday, July 22, sa Metro Bar; giving each a hug and a kiss

and calling everyone by name, a trademark na konting artista lang ang

nakagagawa, na matandaan ang pangalan ng mga manunulat.

Dahil noong araw rin

na yun nagpa-presscon OctoArts Films, kung saan ilu-launch si Katrina sa remake

ng Miss X to be directed also by Gil Portes, ito agad ang

tinanong namin kay Governor Vi.

"Wala namang kaso sa

akin yun," say ni Governor Vi, who has never been against remaking her movies be

it on TV or on the big screen again.

"Di ba nga, ang sabi

ko lang na huwag i-remake ang Vilma and Beep, Beep Minica?" paalala niya na

isang running joke way back pa nang kumakandidato pa lang siya for governor

ng Batangas.

Sa presscon pa rin ng

OctoArts, nasabi ni director Portes na may intention silang kausapin si

Governor Vi. Nagpadala na nga raw sila ng feelers kay

Governor Vi to have a cameo role in the remake of her 28-year-old film.

"Ay, pass na muna ako

diyan," sagot ng Star For All Seasons.

Busy raw kasi si Governor Vi sa pagpapalakad ng kanyang probinsiya. Isa

pa, kung ang movie niya nga hindi maumpisahan, mas maganda naman sana kung ito

muna ang unahin niya bago siya mag-cameo sa isang pelikula kahit sa kanya ito

originally.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment