Send to friend Previous | Next

Yasmien Kurdi offers "sincere prayers" for Jennylyn Mercado

Naniniwala si

Yasmien Kurdi na pinakamagandang tulong na maibibigay niya para kay Jennylyn

Mercado ay ang ipagdasal niya ito parati. Para kay Yasmien, very effective ang

power of prayers at ilang beses na niya itong napatunayan sa kanyang sarili at

sa ilang taong pinagdarasal niya parati.

"Hindi nga ba may

kasabihan na ‘Prayers can move mountains'? Naniniwala ako sa kasabihan na ‘yon,

e. Lumaki kasi ako na nakikita ko ang mommy ko na parating nagdasaral. Tinuruan

niya ako na sa lahat ng gusto kong mangyari, nakukuha sa dasal lahat. Kaya ‘yun ang gusto kong ibigay kay Jen

ngayon, my sincere prayers na galing sa puso ko talaga," pahayag ni Yasmien sa

panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Pero may mga

balitang kinakapos na raw sa pera ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na malapit nang isisilang ang anak nila ng dating boyfriend na si Patrick Garcia. Paano kung sa financial side ang mas kailangan ni Jennylyn? Makakatulong pa

rin ba si Yasmien?

"Oo naman!" mabilis

na sagot ni Yasmien. "Kasama naman ‘yan sa pagtulong, di ba? Si Jen naman,

hindi na siya bago sa akin. Para na kaming magkapatid niyan. Ako kasi, wala

akong kapatid kaya sino pa ba ang puwede kong tulungan, di ba?

"Pero wala naman

kasi sinasabi si Jen sa akin regarding sa financial. Nakakahiya rin naman on my

part na basta na lang magbigay sa kanya ng tulong. Gusto ko rin naman na

manggaling sa kanya. Maiintindihan ko naman siya if ever, di ba? Huwag lang

siyang mahiya sa aming mga kaibigan niya."

Pero sa kabilang

banda ay hindi naniniwala si Yasmien na kapos sa pera si Jennylyn. Alam niyang marunong

mag-ipon ng StarStuck batchmate at alam niyang may naitago itong pera.

"Hindi naman siguro

bulagsak sa pera si Jen," sabi ni Yasmien. "Marunong siyang maghawak ng pera

niya. Kaya nagugulat ako sa mga nababasa ko na wala raw siyang pera. Hindi

naman totoo 'yon.

"Ang maganda diyan

ay si Jen na lang ang paniwalaan natin tungkol sa lagay niya ngayon. Kasi kung

sinu-sino ang nagsasalita for her na minsan may pagka-eksaherada. Yung tipong

hindi na kapani-paniwala. Kaya kay Jen lang ako maniniwala talaga at hindi sa

ibang tao."

BACK TO SCHOOL. Naikuwento rin ni Yasmien

na balak niyang bumalik sa pag-aaral. Kung maging maluwag daw ang schedule niya,

baka next semester ay mag-enrol siya. Gusto niyang ituloy ang

kanyang naudlot na pag-aaral sa New Era College. Plano niyang kumuha ng kursong

International Studies.

"Matagal ko nang

plano na bumalik sa school, pero parating hindi natutuloy kasi biglang may

dumarating na project. Okay lang kasi nakakaipon ako para sa pag-aaral ko.

Ngayon ay inaayos ko na ang mga requirements ko sa school just in case na

matuloy ang pagbabalik ko sa pag-aaral," lahad ng young actress.

Magkakaroon ng

bagong TV drama si Yasmien, pero mukhang matagal pa ito masisimulan. Huling napanood

si Yasmien sa Tasya Fantasya at Babangon Ako't Dudurugin Kita.

"Nagsimula na

kasi ang mga bagong shows, di ba? Kaya matagal pa yung sinabi sa akin na TV

drama. Matagal pa naman ‘yon kaya baka ang concentration ko ay sa movies at sa

album ko."

Kasama si Yasmien sa pelikulang Loving You ng

Regal Entertainment. Ito ang first movie nila together ng ka-love team na si

JC de Vera.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment