
Lulan ng eroplanong naglipad sa kanila from Dubai papuntang
Maynila, bumaba at magkaakbay pang lumabas ng lobby ng Ninoy Aquino
International Airport (NAIA) airport sina Richard and KC Concepcion. Nag-stop
over kasi ang flight nila sa from Greece to Dubai, boarding another plane back
home.
Natapos na kasi ang shooting nila sa Greece ng ilang
eksenang kinunan sa pelikula nilang For The First Time ng Star Cinema.
Sweet na sweet at iisipin talagang may espesyal nang namamagitan sa dalawa, if
their actions speak louder than words. Very obvious na mukhang nauwi na talaga
sa mas malalim na unawaan ang samahan ng dalawa.
EXPERIENCING GREECE. Sa magkasabay na panayam ng PEP
(Philippine Entertainment Portal) sa kanila, nagkuwento naman agad sina KC and
Richard kung gaano sila nag-enjoy nang husto sa kanilang Greece trip at kung
gaano mas lumalim ang kanilang bonding sa 10 days na pagsasama nila dito.
"Siyempre, island yun, ibang lugar talaga ang makikita mo
dun, ako most of the time, gusto ko lang tingnan yung iba pang mga naroon na
puwedeng makita. Kahit gumagawa kami ng mga eksena , parang di ako
makapaniwala na nagkaroon kami ng mga kinukunang scenes sa ibang bansa. Masarap
kasama sina Direk Joyce, sobrang respetado namin siya, kaya ang ganda ng mga
nagawa namin. It was realy a nice experience for me kasi first time kong gumawa
ng film and maganda ring makita for the first time na gumawa ng film si Richard
with Star Cinema and I can say na ang ganda ng kinalabasan ng project,"
masayang pagkukuwento ni KC sa PEP.
"It was such a beautiful place, talagang maganda siya,
talagang maganda yung mga eksenang kinunan namin dito, we really enjoyed the
place," ayon naman kay Richard.
SIGHT-SEEING IN SANTORINI. Kinuhanan ang ilan sa mga
eksena nila sa Santorini Island, na ayon kina Richard at KC ay isa palang
sumabog na bulkan bago naging isang island.
"Volcano before yung buong island na sumabog bago siya
naging island kaya ang daming interesting dun. Ang ganda-ganda nung lugar.
Isang araw, nag-speedboat kami all around kasi series of island
siya. Kumuha kami ng speedboat, umikut-ikot kami, ang ganda talaga. Kumain
din kami sa mga carinderia dun, ang babait ng mga tao," pagpapatuloy sa amin ng
anak ni Megastar Sharon Cuneta..
"In the first couple of days na stay namin, we were able to
go around. Nakilala namin yung island, inikot namin yung buong
island. Nag-rent kami ng ATV [all-terrain vehicle], ng mga 4x4, in-enjoy
namin talaga yung place in a couple of days," kuwento naman ng binata nina
Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
CARING ADVENTURERS. Spending more times
together na sila-sila lang, aminado naman sina Richard and KC na mas lalo pa
silang naging close sa isa't isa at may mga ugali silang higit na na-discover
with each other.
"Yeah, of course, mas naging close kami, coz we spend a lot
of time together. We really enjoy each other's company. Basta ang na-discover
ko lang mas maalaga si KC," papuri pa ni Richard sa kapareha.
"Masaya si Richard na kasama, adventure talaga ‘yan
araw-araw. Alagang-alaga ka niya and there's no dull moment ‘pag kasama mo
siya," sabi naman ni KC.
NO SIGNAL. Kamakailan ay lumabas ang kuwento na
sobrang nag-worry daw si Tita Annabelle kay Richard dahil for the first time ay
hindi raw sumasagot sa mga tawag niya ang anak. Ikinuwento naman sa amin ni
Richard na nag-usap na sila ng mommy niya tungkol dito at ipinaliwanag naman sa
amin ni KC na mahina talaga ang signal doon kaya kahit nga siya ay hindi rin
makatawag sa kanila.
"May trabaho kami dun. Minsan talaga yung telepono ko,
iniiwan ko, di ko nasasagot yung mga calls niya pero tine-text ko naman
siya. Nag-worry lang si Mommy and normal lang yun. Nag-usap na kami ngayon,
in-explain ko sa kanya ang nangyari and okey naman," paniniguro sa amin ng
aktor.
"Actually, di rin ako makatawag sa bahay, sa signal
siguro," dagdag na esplika sa amin ni KC.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
