
Ang isa sa madalas na madawit ang pangalan sa mga
kontrobesiya at ma-linksa iba't ibang mga aktres ay si Marco Alcaraz. Upang sagutin ang mga isyung ito, si Marco ang umupo sa hot seat ng Central
Jury ng Showbiz Central last Sunday, August 10, with Mo Twister and Pia Guanio
interviewing him.
Pia asked Marco kung ano nga ba talaga ang dahilan ng
breakup nila ni Isabel Oli at bakit inabot ng matagal na panahon bago sila
magkaayos na muli.
"Siguro just like most relationships, na hindi kami
nagkaayos, not meant to be. I think personality differences, parang ganoon,"
sagot ni Marco.
Nag-follow-up naman si Mo ng tanong kung dahil ba sa
nangyari sa kanila kaya't nagkaroon naman sila ng gap ni Paolo Contis, na
boyfriend ngayon ni Isabel.
"Actually, kami ni Pao, nang maging sila na ni Isabel, we're
civil naman. We talk a lot of stuff except lang yung about me and Isabel. Noong
mag-break kami, wala pa si Paolo sa picture, baka a couple of weeks pa,"
kuwento ni Marco.
Mo then asked Marco regarding Rhian Ramos na nakarelasyon
niya na hours or a day lang ang itinagal. Is this true?
"Actually, yun nga, nasulat sa mga tabloid that me and Rhian
daw had a one-night stand sa Calatagan, Batangas, during
Kapusolympics. Well, aminado ako na magkasama kami ni Rhian during that
night. And knowing Rhian, hindi naman siguro siya gagawa ng
ganoon. And I respect her," paliwanag ni Marco.
Totoo bang niligawan din niya si Jennylyn Mercado na boyfriend
pa ng young actress that time si Patrick Garcia?
Matagal bago nakasagot si Marco sa tanong kung kaya't maging
sina Pia at Mo ay nagulat sa naging reaction ni Marco. Paliwanag naman ni
Marco, nagulat siya dahil hindi niya inakalang may ganoong line of questioning
na nakahanda ang Showbiz Central para rito.
Pagkatapos ng ilang segundong hindi nito nagawang masagot
agad ang tanong, Marco said, "Actually, ano lang, before na maging sila ni
Patrick, we went out as friends. Hang out, ganoon, pero walang overlapping na
noong sila ni Pat. We don't go out noong sila na ni Pat."
Ano ang naramdaman niya nang mag-break sina Jennylyn at
Patrick?
"Well, sana maayos din sila, honestly," maikling sagot ni
Marco.
Type kaya ni Marco ma-rekindle anuman ang meron sila noon ni
Jen?
"Actually, wala naman, we hang out lang pero walang
something special na nangyari sa amin," sabi ng young actor.
May balitang pinopormahan din daw niya si Katrina Halili.
Totoo ba ito?
"Well, si Katrina kasi, nagkasama kami sa isang QTV show
[Ang Ganda ng Lola Ko] before. So, yun pa rin, friendly ako. I used to hang out
with them. After taping, sasama, ganoon. So basically, ganoon. Pero hindi
nagkaroon ng chance na manligaw ako kay Katrina."
What about with Ehra Madrigal?
"Ah, no, no... Wala yung kay Ehra," may diin niyang pagtanggi.
Tinanong naman ni Pia si Marco tungkol sa pagkaka-link niya
kay Lotlot de Leon. Ano ba talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni
Lotlot?
"The funny thing is, kapag nasa taping kami, sinasabi ni
Lotlot, ‘Ilang taon ka na ba, Marc?' So, sinasabi ko, 24. ‘Puwede mong ma-date
yung daughter ko,' her eldest daughter. So, ‘'Ilang taon po ba siya? ‘ ‘19
years old.' So ako, ‘Sige sige!'
"After no'n, nagkaisyu na me and Ms.
Lot at hindi yung anak niya. Pero yung sa amin naman, parang set-up na lokohan
lang. Me and Lot naman, kapag may showbiz events, nakikita kaming magkasama.
Kasama ko siya sa Dyesebel right now," paliwanag ni Marco.
"Would you date an older woman?" asked Mo.
"I never dated anyone pa, so we'll see. Sabi nga nila, mas
matured daw, mas masarap mag-alaga. So open-minded naman ako," sagot ni Marco.
Sa huli, sa choices between "killer task" or "killer
question," ang "killer task" ang pinili ni Marco. Nagpahayag si Mo na nasilip
niya ang killer question at sobrang hirap daw talaga, although mahirap din
naman daw ang napili ni Marco na "killer task."
Ang "killer task" kay Marco, since hindi nga mamatay-matay
ang isyu sa kanila ni Lotlot kahit sinasabi nilang parehong close friends lang
sila, live na pinakausap ng Showbiz Central over the phone si Marco kay Lotlot
para sabihin ni Marco kay Lotlot kung gaano ito kahalaga sa kanya at ang
friendship nila.
Biniro naman ni Lotlot si Marco over the phone kung puwede
raw bigyan muna ito ng tubig or isang shot ng alcohol bago magsalita dahil
halatang nate-tensiyon ang young actor. Pero nakuha pang magbiro ni Marco at sinabihan
si Lotlot ng "Hi, honey!"
Ito naman ang pahayag ni Marco para kay Lotlot: "Hi Ms. Lot,
I'm happy na nakasama kita sa Dyesebel at marami akong natutunang things like
kung paano magtagal sa industriya. So hopefully, after the show, yung
friendship natin, magtagal pa."
Tinanong naman ni Pia si Lotlot kung kumusta na yung
sine-set-up niyang date between Marco and her daughter.
"Actually, niloloko ko lang si Marco kay Janine," sabi ni
Lotlot. "Actually, they met na before. Wala lang, lokohan lang. Walang
seryosohan. Actually, with me and Marco, I don't know how it started and I
think, its unfair for me and Marco na ma-link ng ganyan. Kasi parang hindi ka
na ba puwedeng magkaroon ng kaibigan ngayon sa showbiz na lalaki? Kailangan
ba talaga i-link agad sa ‘yo?
Sa huli, kung nag-"Hi, honey!" si Marco kay Lotlot,
pabiro rin namang sinagot ni Lotlot si Marco ng "Bye, honey" nang magpaalam na
ito.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.

( 0 B )
