
Humarap si Carlene
Aguilar sa The Buzz last Sunday, August 3, para bigyang-linaw ang mga isyung kinasasangkutan
niya. Una na ang isyu tungkol sa diumano'y pahayag ni Dennis Trillo na si
Carlene pa rin ang gusto niyang pakasalan. Si Dennis ang ama ng anak ni Carlene
na si Calix Andreas.
"Wala sa utak ko yung
kasal ngayon, e. So, hindi ko pa rin talaga yun naiisip," umpisa ni Carlene habang
kausap ang mga host na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez.
Tinanong ni Ruffa si
Carlene kung ano ang nararamdaman niya na siya pa rin ang gustong pakasalan ni
Dennis kahit open na open pa rin ang pakikipag-date ng young actor kay Cristine
Reyes.
"Ewan ko," ngiti ni
Carlene.
Kung siya ang
gustong pakasalan ni Dennis, ano sa tingin ni Carlene ang ginagawa ng young
actor kay Cristine?
"Actually, hindi ko
po alam," sagot ni Carlene. "Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako,
hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre,
hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaga
namin parang pinag-uusapan ‘yon."
Nagbibigay naman daw
ng suporta si Dennis sa anak nila na si Calix, pero hindi "sustento" ang tawag
doon ni Carlene. Nagshi-share daw kasi sila ni Dennis sa pang-gastos ng bata.
"Hindi naman siya
nagkukulang kay Calix, he's still a responsible dad," banggit ni
Carlene.
DATING RENZ? Pangalawang
isyu na hinarap ni Carlene ay ang usap-usapan na pagdi-date daw nila ng anak ni
Lorna Tolentino na si Renz Fernandez.
"Gusto ko lang
i-clear kasi nakakahiya naman kay Renz at baka mailang na siya sa akin. Magkaklase po kami sa isang subject sa UP
[University of the Philippines] and ka-group ko siya. So madalas kaming lumalabas, ganun. Nagpupunta kami sa
Timezone," lahad ni Carlene.
May nakakita rin daw
na magkasama silang nag-dinner ni Renz.
"Hindi, kasi dapat
manonood kami ng play noon. ‘Tapos hindi na kami umabot."
Marami ba sila na
nag-dinner?
"Kaming dalawa lang,
that night," pag-amin ng dating beauty queen.
Nakaabot na ba kay
Dennis ang kuwentong nagdi-date sila ni Renz at madalas na magkasama?
"Oo, tinanong niya
ako kung kaming dalawa lang," kuwento niya.
Kailangan bang
ipagpaalam niya kay Dennis ang pakikipag-date niya sa ibang lalake?
"Hindi, hindi ako
nagpapaalam sa kanya."
E, si Dennis din
naman daw nakikipag-date kaya tama lang na lumabas din si Carlene with other
guys.
"Oo nga, labas ako nang
labas. Hayaan mo siya!" natatawang sabi ni Carlene.
Hindi ba niya
tinatanong si Dennis tungkol sa kanila ni Cristine?
"Ay, hinding-hindi!"
mabilis niyang sagot. "‘Tsaka hindi naman siya nagme-mention ng kahit na anong
bagay tungkol doon sa girl, so I don't think na important siya."
"Sinong girl?" tanong
ni Ruffa kay Carlene.
"Si Cristine,"
mabilis na sagot ni Carlene.
Pagkatapos ay
binigyan ng advise ni Ruffa, na naging Bb. Pilipinas-World din gaya ni Carlene,
na mag-concentrate na lang si Carlene sa kanyang work.
"Hay naku, concentrated talaga ako sa studies ko," sagot naman ni Carlene.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
