
Umamin na si John Prats sa tunay na estado ng relasyon nila
ni Shaina Magdayao sa presscon ng Loving You (directed by Don
Cuaresma) sa Imperial Palace in Timog Ave., Quezon City, last Friday, August 1.
Dahil dito, nalinaw ang tsismis na nagkakalabuan na sila ng younger sister ni
Vina Morales.
"We're happy, wala namang ganun," diin ni John.
"Ang amin lang kasi, ang weird lang sa amin kasi yun nga,
hindi kami naghahanap ng ibang ka-date and we're exclusively dating. Exclusive
ako na siya ang dini-date ko, exclusive na ako ang dini-date niya. And alam
naman niya na love ko siya, e, hindi ko dine-deny."
Love din kaya siya ni Shaina?
"Ako naman sa nararamdaman ko, oo naman."
Paano siya na-in love kay Shaina?
"Si Shaina naman kasi caring talaga and I've known her
since. Eight to nine years na kaming magkakilala as friends and friends sila ni
Camille [Prats], ng sister ko. ‘Tapos ngayon bihira kaming magkatsikahan ngayon
dahil iba ang work namin ngayon. So, pagkatapos ng ASAP or ‘pag may
time, dumadalaw ako sa bahay nila. So, ganun. Ganun pa lang ang pagkikita
namin. ‘Tsaka kasi mas lamang yung friendship kesa yung tratuhan namin sa isa't
isa."
MUTUAL UNDERSTANDING. Hindi ba siya nagwo-worry na
baka mawala ang friendship nila pagkatapos niyang magtapat ng real intentions
niya for Shaina?
"Hindi ako natatakot, kasi ayoko naman dumating ang panahon
na baka wala akong masabi sa kanya."
Masasabi ba niya na may mutual understanding na sila ni
Shaina?
"Siguro naman kasi exclusively dating kami. ‘Tsaka lahat
naman ‘ata ng tao, alam kung ano yung pag sinabi yung friends lang at more than
friends."
Nasabihan na niya si Shaina ng, ‘I love you'?
"Ang hirap sabihin noon. Pero nasabi ko naman sa kanya yun."
Ano ang sagot sa kanya?
"Hindi pa siya sumasagot," sabay tawa ni John. "Pangit naman
kung 'same to you.'"
Willing ba siyang maghintay kay Shaina?
"Siyempre naman. Nakapaghintay na ako ng ganito katagal, e.
Actually yung sa akin kasi wala naman na akong hinahanap na iba. Kumbaga,
napagdaan ko na yung days na, you know, na nag-date ako ng nag-date. Nag-try
akong mag-date and mag-explore. Now, parang masarap lang kasi mas ang focus mo
ngayon sa career.
"Mas alam ko na. Steady lang ako, balance lang ako. Hindi
ako yung, kasi ‘pag bata ka lalo na sa lalaki, like yung sinasabi ni Paul [Polo
Ravales, co-star niya sa Loving You] na mas matagal mag-mature ang
lalaki? Totoo yun.
"Kasi dumating ako sa time na parang I was trying to prove
something to myself na kailangan marami kang tsiks, kailangan ganun. But now,
nasa point na nandyan siya at alam niyang nandito lang ako para sa kanya, ah,
masayang-masaya na ako doon."
Ano ang mga nabago sa buhay niya nung dumating si Shaina?
"Mas naging steady, ‘tsaka yung, hindi na ako naghahanp ng
iba. Dati kasi ‘pag nagdi-date ka lang, parang okey na ‘yon. Basta date ka lang
nang date, okey na yun. First time kong ma-experience yung exclusively dating,
na you know, I'm exclusively dating her na siya lang."
Since exclusively dating na sila, hindi na puwedeng
tumanggap ng ibang manliligaw?
"Hindi naman. Ako lang naman kasi, ewan ko sa kanya, ha.
Pero so far naman si Shaina hindi ganung klaseng tao."
BLAMED. Sinisi rin ang pagkaka-link ni John kay
Shaina sa pagkakasira ng love team ng dalaga with Rayver Cruz.
"Ano naman ang sinira ko? Ang akin lang naman, never ko
naman sinira dahil never naman akong nagpainterbyu para sabihin na kami na ni
Shaina o gawing love team kami. Kung ako lang, kung puwede sana itago ito para
respeto lang...and I want to keep things privately with her. Ayoko lang sanang
magsalita kasi ayaw kong ma-misinterpret ng ibang tao."
Chummy ba sila ni Rayver o nagpaplastikan lang?
"Oo, magkaibigan kami. Kasi gentleman's rule yun, e. Siguro
kung naging sila ni Shaina ‘tapos nanligaw ako, foul yun. Pero kung wala naman,
single naman si Shaina."
PAIRED WITH JAKE. After Rayver, kay Jake Cuenca naman
ipi-pair si Shaina.
"Trabaho yun, e. ‘Tsaka si Jake, okey din naman."
Paano kung ligawan ni Jake si Shaina?
"Uhm...sa tingin ko nasa pag-iisip na lang ng mga tao yun. Ako
kasi I've known kasi Shaina for the longest time."
Secured na ba siya kay Shaina?
"Secured ako sa pagkatao niya."
What about kay Jake? Nakakasiguro ba siya sa aktor na hindi
mai-in love kay Shaina?
"Ah, si Jake kaibigan ko."
Sabi nila sa pag-ibig daw walang kai-kaibigan.
"Ah, talaga? Ah, na kay Shaina naman lahat, e. Basta ako
masaya ako and no one can stop me."
CONFIDENT JOHN. Basa ng ilan, confident na si John
kay Shaina.
"Uhm, bilang tao si Shaina kilala ko siya. ‘Tsaka ako, kasi yung
taong hindi ako nai-insecure. Hindi ako nai-insecure kahit sa trabaho, kahit sa
lahat wala akong ano, wala akong kinaiinsekyuran. Kumbaga, confident ako as
long as wala akong pinapakitang masama sa mga tao at pinapakitang masama kay
Shaina, ano yung dapat kong ikatakot?"
Ilang buwan na ba sila ni Shaina?
"Nung nag-start ako manligaw sa kanya, last year, e. Alam ko
last year. Basta wala kaming date, e. Hindi kami nakapagbilang."
Wala silang anniversary?
"Wala, well, basta nag-start ‘yan nung ano, e, after Lovespell
doon kami naging close ni Shaina."
Close friend ni John si Luis Manzano na balitang kasintahan
ni Angel Locsin. Nagkaroon ba ng chance na nag-foursome sila ng date ni Luis
with Angel at kasama naman niya si Shaina?
"Never, kasi never pa kaming nakalabas ni Shaina. Wala pa'ng
pagkakataon na nakalabas kami ni Shaina."
Paano sila naging exclusively dating?
"Sa bahay niya. That's how I respect her family."
Hindi sila nanonood ng sine?
"Nakapanood kami once pero matagal na. Kasama ko sina Nikki
Gil, nung time na ano, pelikula ni Will Smith? Yung mahirap lang sila? Pursuit
of Happiness.
"Kaya hindi kami nakakapag-double date ni Luis. Ang ano lang
namin, ang tambay lang talaga namin ni Shaina like after ASAP '08, yun
sila. Pero hindi namin nakakasama si Angel. Kami lang nina Luis, Nikki, si Iya
[Villania], nagpa-Fridays kami bago umuwi. Lunch lang after ASAP. Kasi
‘pag ASAP hindi kami nakakapag-lunch."
Gaano niya kamahal si Shaina?
"Well, obviously nakakapaghintay ako and, ah...kuntento na ako,
e. Well, wala akong masabi sa ngayon, wala akong makita talaga e. Sobra akong
happy and kuntento."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
