Send to friend Previous | Next

Emilio Garcia attributes his recognition as an actor to gay roles

Last minute na halos ang naging advise na magkakaroon ng

pagbabago sa venue sa ginanap na mini-press conference para sa

independent digital film na Eskandalo ng Sunflower Films under the direction of

Joven Tan.

Instead na sa isang bar sa may Roxas Boulevard, sa isang

room sa Mariana Royale Motel along Roxas Blvd. din ginanap ang press conference ng Eskandalo. Nauna pa nga ang bida nito na si Emilio Garcia sa naturang motel

room na sa aming palagay ay taxi room kung tawagin.

May paliwanag naman si Emilio kung bakit doon nila naisipang

magpa-presscon. "Yung pinaka-eskandalosong eksena kasi sa Eskandalo dito

ginanap, sa mismong room na ito kung kaya't para actual n'yo rin makita," sabi

ni Emilio sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na naimbitahan sa naturang mini-presscon

last Saturday night, August 9.

Isang bading na matagal nang nagtatago at hindi

makapaglantad ang role ni Emilio sa Eskandalo. Isa siyang teacher

na kung kailan nagka-edad ay saka pa naisipang sumubok na makipag-sex sa kapwa

niya lalaki, played by Andrew Schimmer. Yun nga lang, first time lang niyang

magta-try ay natapat pa siya sa maliit lang ang pagkalalaki at napagtawanan

niya ito. Dahil dito, gumanti ang Andrew character at pinasukan naman ng marker pen ang tumbong niya.

Kuwento ni Emilio, hindi hamak daw talaga na mas daring ang

role niya ngayon sa Eskandalo kumpara sa Selda, kung saan gay rin ang role

niya. Sa Selda siya nakapag-uwi dalawang Best Supporting Actor trophies from

Star Awards and Gawad Tanglaw.

"Kung sa daring, tingin ko mas daring ako rito. Although,

may pagka-conservative ako dahil matanda na ako nang mag-decide akong mag-try

na first attempt pa lang nga, ganoon pa ang nangyari. May shower scene din kami

rito ni Andrew at, kumbaga, mas maeeskandalo kayo sa ilang scenes!" ang

natatawa niyang sabi.

Hindi natatakot si Emilio na ma-identify siya sa gay films.

Katuwiran niya, "Bakit naman ako matatakot? Ako kasi, yung mga ginagawa kong

trabaho, hindi ko siya kinu-consider na kapag ginawa ko yung ganitong role, ang

magiging tingin sa akin ng mga tao, ganoon na rin.

"Dati noon, gumagawa ko ng sexy films, puro babae naman ang

mga kaeksena ko, hindi naman inisip ng mga tao na ganoon ako. Hindi naman ako

natsismis sa kung sinu-sinong mga babae.

"Nagkontrabida rin ako, pero kapag ba nagkontrabida ka or

gumanap ka ng masama, ang magiging tingin din sa ‘yo ng manonood, masama ka in

real life? Hindi naman, di ba? So, sa akin, ganoon lang din yung pagganap

ng gay films. Hindi porke't gay ang role mo, bakla ka na rin in real life. For

me, trabaho lang," paliwanag ni Emilio.

Malaki nga raw ang pasasalamat ni Emilio sa mga ganitong

klase ng roles dahil ibang challenge ang naibibigay sa kanya. More than a decade

na raw siya sa showbiz, pero ngayong taon lang siya naparangalan bilang isang

aktor.

"Malaking bagay talaga para sa akin yung pagkapanalo ko sa

Star Awards at sa Gawad Tanglaw. ‘Tapos ngayon, balita ko, nominated din

daw ako for Urian naman para sa pelikulang Selda pa rin.

"Para sa akin, yung award na natanggap ko, ito na yung

puwede kong ipagmalaki sa mga anak ko. Hindi man nila napapanood yung mga

movies na ginagawa ko, since most of my movies naman ay hindi puwede sa bata,

yung trophy ko ang maipagmamalaki ko sa kanila hanggang sa lumaki sila."

Bukod sa tatlong award giving-bodies na kumilala sa husay

niya bilang aktor, aalis si Emilio sa mismong araw ng birthday niya sa August

28 para sa Montreal World Film Festival dahil kalahok dito ang Selda.

"Ang ganda, kasi birthday ko pa mismo yun. At first time

kong pumunta sa festival abroad at ang maganda pa, first time din na magkaroon

ng entry ang Pilipinas sa World Film Festival. Ayokong mag-expect pero

siyempre, kahit naman sino magwi-wish na magustuhan sa festival yung movie at

magustuhan din ang performance namin."

Bukod kay Emilio, kasama rin daw niya ang co-star niya na si

Sid Lucero at ang mga direktor nilang sina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na

pupunta sa Montreal, Canada.

Gaya ba ng Selda ay pang-award din ba performance ni Emilio sa

Eskandalo?

"Well, hindi naman kasi ako ang makakapagsabi ng bagay

na ‘yan, yung manonood. 'Tulad sa Selda, hindi ko rin ini-expect na mananalo ako

ng award dun at mapapansin. Yung Eskandalo, ang kagandahan niya, mas commercial

kasi ang movie. Pero acting-wise, iba rin, maganda rin," pagtatapos ni Emilio.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment