Send to friend Previous | Next

Rachelle Ann Go dismisses "dating director" rumor

After her almost two-year relationship with Christian

Bautista, lumabas ang balita that Rachelle Ann Go is dating GB San Pedro,

director of Boy and Kris. (click here for related story)

Ang director na na-link din kay Roxanne Guinoo, ay lagi raw

nakikitang kasa-kasama ni Rachelle Ann sa ilang mga lakaran. Nakarating na nga

rin daw kay Christian ang nasabing balita.

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) interviewed

Rachelle Ann last Sunday in ASAP '08, sinabi niyang walang katotohanan

ang mga naglalabasang balita at ni hindi nga raw sila nagde-date ng nabanggit

na direktor.

"Ewan ko nga ba kung bakit siya na-link sa akin. Never naman

akong lumabas with him. Nagkasama kami

nung first concert ko, minsan sa mga music videos ko. Nagkaka-text-an kami,

nagkikita kami, kasi siya nga ang director ng mga music videos ko, pero ganun

lang."

Rachelle admitted to PEP na nagbalak itong manligaw sa kanya

pero agad din naman niyang binasted at hindi binigyan ng chance.

"Dati parang nagbalak siya pero ayoko. Nirerespeto ko siya,

kasi siyempre as a director, pino-po ko siya. May asawa at anak na siya, so,

wala talaga."

She even assured to us na hindi nga raw siya nakikipag-date

sa kahit na kaninong lalaki, contrary sa mga lumabas na balita.

"Single pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa ako

nakikipag-date. Lumalabas ako pero with girl friends lang."

Nakarating ang nasabing issue kay Christian and napag-usapan

na nila ito ng ex.

"Yun ang nakarating sa kanya and napag-usapan na namin kasi

parang na-interview si Christian sa isang news. Sabi ko nga, ‘Hala, grabe naman

ang news, parang confirmed na nila na nakikipag-date ako.' Parang nagtanong

lang siya sa akin, sabi ko wala naman talaga."

Aminado si Christian na hindi pa rin siya nagsasarado ng

pinto para sa kanila ni Rachelle. Kahit

naman si Rachelle ay bukas pa rin sa posibilidad ng balikan. Pero sa ngayon ay

mas priority ng singer ang kanyang studies and work kaysa pumasok sa bagong

pakikipagrelasyon sa kahit kanino pa.

"Hindi naman talaga natin alam kung ano ang mangyayari,

bahala na si Lord. Sa ngayon kasi huwag na muna. Focus ko is my work and yung

studies ko. Magkaklase kami ni Sarah [Geronimo] in UP, 2nd year na kami and

we're taking up Associate in Arts.

Parang ang hirap kasi ‘pag marami kang iniisip."

Mayroong album sa ngayon si Rachelle Ann entitled Rachelle

Ann Rocks Live. All are revivals

and may 2 bonus tracks.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment