
Nang unang ipalabas ang actual footage ng closeness na
nakita kina Jake Cuenca at Bea Alonzo at nang kumpirmahin ni Bea na totoong
lumabas sila ni Jake for dinner, agad na hinintay ng publiko ang magiging
reaksiyon ng ex-girlfriend ng young actor na si Roxanne Guinoo.
Lalo tuloy lumalim ang hinala ng iba na kung si Roxanne ay
hindi pa diumano nakakapag-move on sa kinauwian ng relasyon nila ni Jake,
mukhang kabaligtaran naman daw ito sa binata. Ganun na lang daw kasi kabilis
kalimutan ni Jake ang pinagdaanan ng relasyon nila ni Roxanne at lumalabas na
mukhang mas malalim talaga ang emosyon na in-invest ng dalaga sa ex boyfriend.
Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay
Roxanne, idiniin niya na she's moving on right now. Ang focus daw niya ngayon ay ang kanyang showbiz career, lalo't sunud-sunod ang trabahong
ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.
"Okey na ako, happy na ako finally," sambit niya. "Dito ako
sa work ko naka-focus ngayon. For me, ayoko munang i-prioritize ang love life,
career yata muna ang para sa akin, huwag daw muna love life."
Nang tanungin kung masakit ba para sa kanya ang balitang
pagkakamabutihan nina Jake at Bea, iwas na ring magbigay ng anumang komento si
Roxanne.
"Wala na yun, tapos na yun. Out na ako sa picture diyan.
After nung maghiwalay kami ni Jake, hindi na ako puwedeng makialam pa.
Karapatan na nila yun."
DATING VICTOR? Samantala, after aminin ng model-actor na si Victor Basa na
crush niya si Roxanne ay nabalita rin na nag-date na sila at
nanliligaw na raw ang binata sa bida ng Ligaw Na Bulaklak. Totoo ba ito?
"Wala akong dine-date," tanggi ni Roxanne. "Busy ako sa
trabaho, every day I'm working. Wala akong time dun saka kailangan ko rin ng
time sa sarili ko para mag-heal. Gaya nga ng sinabi ko, masaya na ako sa mga
magagandang nangyayari sa akin ngayon. Puro blessings naman ang kapalit.
"Hindi totoong nanliligaw sa akin si Victor. Nirerespeto ko ang pagiging magkaibigan nila
ni Jake, sana ganun din si Vic. Friendly
lang naman tayo lahat dito. Kung makikipag-date man ako, makikita n'yo talaga
na yun ang kasama ko. Si Vic, in-invite lang niya ako for his birthday, um-attend
lang ako. Nandun pa nga yung mga handlers ng Star Magic," paliwanag ng dalaga.
WILLIE'S LEADING LADY. Kumpirmado na si Roxanne na ang kapalit ni Kristine Hermosa
bilang kapareha ni Willie Revillame sa pelikulang Mr. Housewife. Ayon kay
Roxanne, hindi ito dapat lagyan ng intriga dahil trabaho lang naman ang
ginagawa niya.
"Nung tinawagan nila ako, inaprub nila Tita Mariol [Alberto]
and Mr. M [Johnny Manahan] na okey. Ako naman, basta inoohan nila, focus ako sa
trabahong dapat kong gawin. Kristine is a friend, she's a nice person, so sana
huwag naman nila kaming intrigahin," pakiusap ni Roxanne.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
