Send to friend Previous | Next

Cheska Garcia to her critics: "Kung apektado kayong mga nag-i-email diyan, probl

Pinagdudahan ng

ilan ang pag-alis ni Patrick Garcia papuntang Amerika. May mga nagsasabing wala raw

sa record ang pag-alis ng young actor sa Pilipinas.

Noong June 15 ay

iniulat ng The Buzz ang pagkumpirma ni Patrick na lisanin na niya ang bansa

noong araw na ‘yon upang mag-aral sa Amerika at upang umiwas na rin sa

lumalalang mga intrigang kinasasangkutan niya.

Nagsalita naman sa The Buzz

ang nakatatandang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia tungkol dito.

"Well, kung

nasaan man ang kapatid ko now, it's none of anybody's business. He's just on a

vacation. Trying to look for a school there. He wants to go to NYU [New York

University]. School's gonna start on August, but of course, he has to be back

nga for my wedding on October. So, he'll be back by September and I will be the

one to pick him up. Ba't bini-big deal nila ang hindi big deal?" saad ni

Cheska.

Nilinaw rin ni

Cheska ang tunay na sadya ni Patrick sa Amerika.

"My Dad felt

that Patrick should leave first the country para may breather naman siya. Yung

hanapin niya kung ano ang talaga ang gusto niyang gawin."

NOT INVITED. Samantala,

pinangatawanan ni Cheska ang sinabi niya rito sa PEP (Philippine Entertainment

Portal) na hindi niya iimbitahan ang dating girlfriend ng kapatid niya na si

Jennylyn Mercado sa kanyang kasal sa basketball player na si Doug Kramer.

"Oo naman! Ako

kapag nagsalita ako, I make sure na I can stand up for what I said. Totoong

sinabi ko na hindi siya invited sa wedding ko.

"E, as if naman

it matters to her. As if naman gusto niyang pumunta sa wedding ko. I'm sure na

hindi niya gustong pumunta sa wedding ko. She said rin naman she doesn't want

anything to do with my brother, and I'm Patrick's sister. Kung meron man

nagalit din, e, magalit kayo!" diretso niyang pahayag.

Dahil sa mga

binitiwang salita ni Cheska, naparatangan siya ngayon na mayabang. Ano ang

reaksiyon niya rito?

"Ano ang

mayabang doon? It is my event. Well, kung apektado kayong mga nag-i-email

diyan, problema n'yo na yun! Hindi ko problema yun!"

Binuweltahan din ni

Cheska ang diumano'y negatibong reaksiyon ng kampo ni Jennylyn sa pag-abot ng tulong ng pamilya Garcia para sa nagdadalang-taong young actress.

"Kung sinabi man

niya yun, she said that she didn't need it, okay! Bakit naman namin pipilitin

ang isang taong ayaw naman ng tulong?" pahayag ni Cheska.

Nagbigay rin ng mensahe si Cheska sa mga patuloy na umiintriga sa kanya at sa

kanyang pamilya.

"Sa mga

nakakaintindi, thank you. Sa mga hindi nakakaintindi, well, I can't please

everybody. Kung affected kayo dahil feeling ninyo na meron akong pinatatamaan,

konsensiya ninyo na yun. At hindi ko pinoproblema ang problema ng iba, period!"

Sinubukan din ng

The Buzz na kunin ang pahayag ni Jennylyn. Tumangging magpa-interview si

Jennylyn at bagkus isang statement ang ipinadala ng kanyang manager na si

Becky Aguila.

"We're not aware

but if true, we hope for the best. We only wish Patrick well."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment