Send to friend Previous | Next

Sam Milby doesn't restrict rumored girlfriend Anne Curtis but says no to top

Nakakabilib ang ginagawang effort ng Fil-Am actor-singer na si Sam Milby. Kahit hirap pa rin siyang magsalita ng diretsong Tagalog, hindi siya basta mag-i-English na lang sa mga interviews niya para maging madali sa

kanya. Desidido talaga siya na matutunan ang Pilipino na para bang

first language niya. Ito ang napansin namin sa kanya sa press conference ng fantaserye ng

ABS-CBN na Dyosa sa Manila Ocean Park kahapon, August 4.

Nagpaliwanag si Sam tungkol sa balitang nag-init daw ang ulo

niya at nag-iba ang kanyang mood nang una niyang makita ang bida sa Dyosa at

nababalitang girlfriend niya na si Anne Curtis na naka-costume bilang Dyosa

Tierra, isang half-human and half-horse. Akala raw kasi ni Sam ay naka-topless

si Anne.

Paliwanag ni Sam, "Siyempre, para sa akin, medyo too much.

Pero trabaho, trabaho naman. I mean, sino ba ako para magalit? Pero siyempre, I

wouldn't exactly support that. Kinausap naman niya [Anne] ako at naisip ko

naman na hindi niya gagawin yun."

Sa palagay ba ni Sam ay may karapatan na siya para magbawal

kay Anne, especially on her being too sexy or daring?

"Well, siyempre, kung yun ang gusto niyang gawin sa buhay,"

sagot ng matinee idol. "Siyempre, tulad nga ng sinabi ko, sino ba ako na

magbigay sa kanya ng limitasyon? Yun ang buhay niya. Siyempre, kung gusto

niyang gawin, she can do that. Pero sa akin, there are things that I would want

her to do. Naka-topless, I do not want her to do that."

When it comes to their relationship, madalas nilang sabihin

ni Anne na walang dahilan para magmadali silang dalawa or to rush things. Pero

ang tanong, ano naman ang dahilan para hindi sila magmadali?

"There's nothing stopping us," sagot niya. "Parang nag-e-enjoy kami kung

ano ang meron kami. Ganoon lang. We got really close noong Maging

Sino Ka Man. ‘Tapos, parang nag-stop yung dating namin. So ganoon, it was

over a year na hindi kami nagde-date. Noong December [2007] nag-start

yung courtship. So now, dating-dating na."

Sam says exclusively dating na raw sila ni Anne.

"Yeah, ako, I wouldn't date anybody. Para sa akin, wala akong

nakikitang mas maganda ang kalooban at ganoon din sa labas, di ba?" pahayag ni

Sam.

Anu-ano ang mga katangian na nakikita niya kay Anne para

lalo siyang mahulog sa young actress?

"Tulad nga ng sinabi ko, ang ganda-ganda niya sa labas, ‘tapos

yung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. At

saka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," pag-amin ng binata.

Nang minsang makausap ng PEP (Philippine Entertainment

Portal) si Anne, naikuwento niyang meron daw silang book na sabay binasa ni Sam

at nagiging guide raw nila yun sa kung anuman ang meron silang dalawa ngayon.

"Yung Boy Meets Girl by Joshua Harris, pareho naming binasa,"

banggit ni Sam. "May maganda siyang kuwento, ‘tapos parang may guidelines. May

mga examples na kung gusto mong i-follow sa courtship. Maganda sa build-up para

kapag ikinasal yung couple, yung marriage ang highest level."

DARK & DARING ROLE. Ginagampanan ni Sam sa Dyosa ang

role ni Adonis. Kung susuriin ang takbo ng character niya ay puwedeng akalain

na may pagka-dark ang role niya, lalo pa nga't siya ang itinakdang pumatay kay Dyosa

(played by Anne), pero eventually ay hindi maiiwasan ni Adonis na ma-in love dito.

Bukod sa medyo dark ang role ni Sam sa Dyosa, tila magiging

mapangahas din siya dahil nadulas si Direk Wenn Deramas at sinabing may

scene si Sam na mala-Terminator at nagpakita siya ng katawan.

"Well, puwet, pero hindi ko alam kung..." palingon-lingon at

hindi matuluy-tuloy ang gustong sabihin ni Sam. "Well, I think, si Direk Wenn

na dapat ang magsabi. I don't know if I have to say something about it."

Naguluhan kay Sam ang mga kaharap niyang entertainment press

dahil hindi niya talaga madiretso ang gustong sabihin, lalo pa nang aminin

nitong hindi talaga siya pumayag sa naturang scene.

"Hindi ako pumayag, actually," sabi niya. "Basta secret kung

paano totoo yung butt exposure. Pero, next question na lang," nangingiti at

hindi talaga siya napilit pang ituloy ang sinasabi niya.

"Si Direk na lang po ang tanungin n'yo kung paano," nakangiting

pag-iwas ni Sam.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment