
Very emotional ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas
Alas nang tanggapin niya ang kanyang Movie Actress of the Year trophy sa 24th
Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para sa pelikulang Ang
Cute Ng Ina Mo.
"Pag may intriga, may prize. Prize ko ‘to! Si God
talaga parating balance sa buhay. ‘Pag nalulungkot ako, pinapasaya niya ako.
Thank you, God," pahayag ni Ai-Ai sa The Buzz kahapon, June 29, Linggo.
Ibinahagi rin ni Paolo Contis
ang kanyang damdamin sa The Buzz tungkol sa kanyang pagkakapanalo bilang Movie
Actor of the Year para sa pelikulang Banal.
"Masaya, masaya. Karamihan ng awards nakuha ng ano, e, One
More Chance. E, feeling ko wala na talaga, e. Pero buti na lang pumunta
ako. Buti na lang naghintay ako. I'm very thankful now," lahad ni Paolo.
Sa gabi ng parangal ng 24th Star Awards for Movies na
ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, Quezon City, ilang isyu
ng tampuhan ang natuldukan din sa pagitan ng ilang artista. Una, ang
tampuhan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes dahil diumano kay Dennis Trillo.
"After i-air yung sa The Buzz yung text ko,
napanood niya. She texted me, then she called. Sabi niya, ‘I'm sorry, and
alam mo naman ako, mahal ko yung kapatid ko. Walang kinalaman si Dennis
[sa tampuhan namin]. Out sa picture si Dennis."
Nagsalita rin si Giselle Sanchez na isa sa mga presenters
that night tungkol sa tampuhan nila ng manager ni Judy Ann Santos na si
Alfie Lorenzo.
"Nung kinoment ko yun, I was just very happy for them. Pero
naintindihan naman ako ni Tito Alfie. Love na love ako nun."
Nilinaw din ng Movie Supporting Actress na si Eugene Domingo
na nanalo sa pelikulang Pisay ang balitang nagkatampuhan sila ni
Direk Wenn Deramas dahil sa paglipat niya sa GMA-7.
"Wala kaming tampuhan. Nilulutuan niya ako ng
macaroni, magtatampo pa ba ako? ‘Eto nga yung macaroni, nasa ulo ko," biro ni
Eugene.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
