Send to friend Previous | Next

Cesar Montano says he and wife Sunshine Cruz are "okay"

Todo-todo ang

pasasalamat ng aktor at TV host na si Cesar Montano sa mga sumusuporta ng programa niya na The

Singing Bee sa ABS-CBN.

"Totoo po na ang

laking hirap ko sa show. Ang hirap mag-host, lalo na ako, wala akong kabatuhan.

Mag-isa lang akong nagsasalita. Siguro dahil na rin sa pagmamahal ko at yung

musicality, hilig ko rin ang musika," bungad ni Cesar sa panayam sa kanya ng The

Buzz last Sunday, August 3.

Ang The Singing Bee ang

nangungunang programa ng ABS-CBN sa kasalukuyan kaya may balita na bumubuo na diumano

ang GMA-7 ng programang tulad kay Cesar.

"Hindi ako

makapaniwala. Akala ko, binibiro lang nila ako. Paano ako magna-number one, e,

ang dami pang sinasabi sa akin na bakit ganito, maraming kumukuwestyon, bakit

ako, ganun," saad ni Cesar.

Nagsalita rin si

Cesar sa tunay na estado ng relasyon nila ng asawa niyang Sunshine Cruz ngayon.

"Okay naman," sabi

niya. "Maayos na yun at nag-celebrate ako ng birthday ko [last August 1] sa The Singing Bee.

Masaya ako because nung kaarawan ko, nagpuntahan lahat sa Singing Bee si Sharon

[Cuneta], nandun ang mga anak ko... Nakakatuwa, kumpletong-kumpleto.

"Maayos naman kami

[ni Sunshine]. Ang nangyari lang sa amin ay pangkaraniwang nangyayari sa mga

mag-asawa. Kaya ang ano ko, ang pag-aasawa ay it's not a bed of roses. Doon

malalaman kung anong klaseng sundalo ka sa pakikipaglaban sa buhay."

Paano sila

nagkasundo ni Sunshine?

"Proseso ‘yan, e.

Dahan-dahan. Talagang nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan."

Nagbigay rin ng

pahayag si Cesar sa naging away nina Sunshine at ng kapatid niyang si Ched na nauwi

pa sa demandahan.

"Ano lang yun, siyempre

nandiyan ang sugat. Pero walang sugat na hindi naghihilom. Ako yung... ganun

talaga, nagkakaron ng problema ang dalawang tao. Process na lang. Proseso na

lang."

Nadamay rin sa isyu

nina Sunshine at Ched ang panganay na anak ni Cesar na si Angela.

"Okey naman po sila.

Okey na okey sila. Wala silang

problema," maikling sabi ni Cesar.

Marami rin ang natuwa

sa paglabas ni Sunshine sa The Singing Bee sa birthday celebration ni Cesar.

Nagpadala ng text message ang aktres sa The Buzz at ito ang nilalaman:

"I was invited to greet him. I'm supposed to be

a surprise contestant but unfortunately, I've been sick for two weeks and

nawalan ako ng boses. I just greeted him na lang. Hindi ko mapapalampas ang

pagkakataon na ito na batiin siya dahil isang beses lang sa isang taon mag-birthday ang asawa ko. I just need to

greet him. So far, ako naman ang natutuwa. Really hoping for the best."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment