Send to friend Previous | Next

Sarah Geronimo's mom denies humiliating a young designer

Naisulat na diumano'y nagmaldita at nambastos ang ina ni Sarah Geronimo na si

Mommy Divine sa isang young designer na gumawa ng damit ng singer-actress para

sa kapapalabas pa lang na Dolphy special ng ABS-CBN na The King of Comedy:

Dolphy at 80 ng ABS-CBN, kung saan ay guest si Sarah.

Ayon sa kuwento, isang baguhang young designer daw ang naka-assign para gumawa

at magdisenyo ng gown na gagamitin ni Sarah sa Dolphy special. At dahil baguhan

ay excited ito at talaga namang kinarir ang paggawa ng gown ni Sarah.

Ang kuwento pa, hindi nga daw ito natulog para lang maging maganda ang

kalalabasan ng susuoting gown ni Sarah na aprubado naman daw kay Sarah at sa

mommy nito.

Nung dumating na ang araw ng event at actual show ng Dolphy

special ay pinasuot ng naturang young designer ang kanyang ginawang gown kay

Sarah. Laking-gulat daw nito nang diumano'y biglang ipahubad ng ina ni Sarah

ang gown at walang kaabug-abog na itinapon ito ng walang sali-salita. Naglabas

daw ito ng sariling dalang gown na siyang pinasuot kay Sarah. Kahit nga daw si

Sarah ay nagulat diumano sa ginawa ng kanyang ina. Pero wala daw itong magawa

kung hindi sundin ito.

Ang tsismis pa, kahit maliit na pasasalamat o eksplenasyon daw ay walang

narinig ang young designer mula sa ina ni Sarah na bigla na lang umalis bitbit

si Sarah na suut-suot ang gown na dala nila.

Dahil sa diumano'y nangyari, hindi na daw napigilang

mapaiyak sa kahihiyan ang young designer. Feeling diumano nito'y nabastos nang

araw na iyon ng ina ni Sarah. Usap-usapan pang nanlumo daw ito dahil nasayang

lang ang ginugol nitong oras sa paggawa ng gown na isusuot ni Sarah.

Yun ang bersyon ng mga pangyayari ng lumabas na istorya

tungkol sa ina ni Sarah.

MOMMY DIVINE EXPLAINS. Kaya't sinadya ng PEP (Philippine Entertainment

Portal) si Mommy Divine nung Sunday, August 10, sa dressing room ng ASAP 08, kung saan ay isa si Sarah sa regular

performer at host dito, para magbigay naman ng kanyang side at sariling bersyon

ng mga pangyayari.

Sabi ni Mommy Divine, "Hindi ko binastos yung designer. Hindi ko itinapon

yung gown. Ang nangyari kasi, yung dala niyang gown ay hindi fit kay Sarah.

Kaya yung dalang gown na lang ng Viva ang pinasuot ko sa

kanya.

"Hindi ko na yun pina-repair kasi wala nang oras. Araw na mismo kasi ng

show yun. At saka si Sarah na lang ang kulang sa performers na nasa stage na.

Siya na lang ang hinihintay ng mga kasamahan niya.

"'Di ba dapat ‘pag magsusuot ka ng gown o magpapatahi ka ng damit, dapat

ay may fitting? Yung gown ni Sarah na ipapagamit sana nung designer ay hindi

niya naman nasukat. Basta na lang yun ibinigay sa kanya nung designer."

Hindi raw kilala ni Mommy Divine at ni Sarah ang nasabing designer.

"Doon na lang namin siya nakilala sa taping ng Dolphy special. Binigyan

niya nga kasi ng gown si Sarah.

"Gusto ko sanang magpasamalat sa kanya. Kaya lang pagbalik

ko ng dressing room, after ng production number ni Sarah ay wala na siya."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



( 0 B )


Rate:0

I want to comment