Send to friend Previous | Next

PEP EXCLUSIVE: Pokwang promises to refrain from spoofing Richard and Raymond Gut

Kagabi, June 29, sa 16th anniversary ball ng

Star Magic na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel ay personal na nakausap ng PEP

(Philippine Entertainment Portal) ang comedienne na si Pokwang.

Tinanong agad namin si Pokwang kung ano ang reaksiyon niya sa mga

sinabi ni Annabelle Rama laban sa kanya. Matatandaang pinagsabihan

ni Annabelle si Pokwang dahil hindi raw nagustuhan ng pamilya Gutierrez ang

ginawang pang-i-ispoof nito kina Richard at Raymond sa show ng comedienne, na kasama si Pooh.

"Ako naman kay Pokwang, okay naman na ilang years mo na

akong ginagaya. Natutuwa ako at least ginagaya mo ako. Pero ako na lang. Huwag

mo nang pakialaman ang mga anak ko, sina Richard and Raymond," matapang na

pakiusap ni Annabelle sa komedyante.

"Kasi ako talaga, basta anak ko ang na-involve, nag-iiba

talaga ako. Kasi nananahimik yung mga bata. Nananahimik sila, nagtatrabaho,

tapos bababuyin? Ayoko ng ganun. Hayaan mo na akong babuyin, okey lang sa akin.

Matatanggap ko lahat ‘yan," dagdag pa ni Annabelle nang makausap ng PEP noong June 18.

NO MORE SPOOFING. Aminado si Pokwang na nalungkot

siya nang malaman niya na na-offend ang pamilya Gutierrez sa ginawa niyang spoof

sa kambal.

"Wala na ‘yon, okay na ‘yon," sabi naman ni Pokwang nang

kumustahin namin ito matapos ang insidente.

Bagamat hindi pa niya nakakausap nang personal si Annabelle

ay humingi naman na raw siya ng public apology sa pamilya Gutierrez sa

isang interview kamakailan.

"Siyempre naman, e, alam naman natin kung paano magalit si

Tita Annabelle," sambit ng komedyante nang tanungin kung nakaramdam din ba siya

ng kahit konting takot nang malamang galit sa kanya ang matapang na Gutierrez

matriarch.

Patuloy niya, "Pero okay na ‘yon. Humihingi po ako ulit ng pasensiya kay

Tita Annabelle at kay Richard at Raymond kung nasaktan man sila sa pagku-comedy

ko. Hindi ko talaga sinasadya.

"Alam n'yo naman din sa trabaho namin, kasama

kasi sa pagpapatawa 'yong nang-i-ispoof kami ng artista. Siyempre, ini-

exaggerate namin pero ayaw naman din namin talagang nakakasakit."

So, may plano pa ba siyang i-spoof sina Richard and Raymond sa

mga upcoming shows niya?

"Ay hindi na," ngiti ni Pokwang, "hindi na talaga."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment