
Ipinalabas ang exclusive footage ng pag-alis ng Pililipinas ng mag-asawang Kris Aquino at
James Yap sa The Buzz last Sunday, August 3. Magkasamang umalis sina Kris at
James papuntang Amerika para magbakasyon.
Matapos ang
matitinding kontrobersiya na pinagdaanan nila, pinatunayan ng mag-asawa ang
tatag ng kanilang pagsasama. Sa huling panayam sa kanila ng The Buzz, sinabi
nila na malaki ang naitutulong sa kanila ng marriage counseling sa pagsasama
nila.
"Nakakatulong talaga
sa amin ngayon na... Parang kasi, di ba, huwag mo na pag-usapan na
nagka-counseling kayo kasi parang inamin mo na may problema, e. Lahat naman ng
tao may problema. E, yung sa amin talaga, it helps a lot," saad ni Kris.
Sabi naman ni James,
"Feeling ko tama ka, ‘tapos mali pala. Yun ang maganda sa counseling naming
dalawa. ‘Tapos sinasabi namin kung ano yung weaknesses namin."
Ibinahagi rin ni
Kris ang bakasyon nila sa Amerika bilang regalo nila sa isa't isa sa kanilang
third wedding anniversary.
"Ang hatian namin, sagot
ko ang air fare, sagot niya ang hotel. Hindi niya na-compute na lugi siya kasi
mas mahal yung hotel. Sabi niya, ‘Ako na yung hotel.' ‘Tapos nung kinompute ko,
ipinakita ko, nakalamang ako!" sabay tawa ni Kris.
Umalis noong Sabado
ng gabi, August 2, sina Kris at James patungong U.S. Ito ang unang pagkakataon
na silang dalawa lang ang magkasamang bibiyahe para magbakasyon sa Amerika. Sa
Ninoy Aquino International Airport ay nakunan ng ilang pahayag si Kris bago
sumakay ng eroplano.
"Nine days sa New
York ‘tapos five days sa Las Vegas, ‘tapos balik na dito," sabi ni Kris.
Bagamat hindi kasama
papuntang U.S., naghatid naman sa airport ang mga anak nina Kris at James na
sina Baby James at Joshua.
"Two months namin plinano. ‘Eto yung break
ni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-taping
para makapunta kami," lahad ni Kris, who hosts Boy & Kris and Kapamilya Deal Or No Deal in ABS-CBN.
Pero bago umalis ay
nakipagkita muna ang mag-asawa kay sa ina ni Kris na si former President Cory Aquino
para magpaalam.
Kuwento ni Kris, "Sabi
niya, ‘Safe trip, enjoy and see.' Nag-text kami at six o'clock ‘tapos kasi I
was off Thursday, so nag-dinner kami. ‘Tapos yun lang, ang balik namin dito
August 18 para few days before sa 25th [death] anniversary ng Dad ko [Ninoy
Aquino]."
Pagkatapos ay
nagpaalam na si Kris sa kanyang mga anak sa Pilipinas.
"Since may school,
three times a week dadalaw din sila sa mom ko."
Ayon sa The Buzz, dumating dito sa Manila ang
ina ni James mula Escalante para siya muna ang magbabantay kina Joshua at Baby
James habang nasa Amerika sina Kris at James.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
