
Nagharap ang dating StarStruck winners at magka-love team na
sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Face-Off Edition ng "Don't Lie To Me" segment
ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, August 10. Sina Aljur at Kris ay kasalukuyang
napapanood sa Dyesebel at tampok din sila sa Regal movie
na Loving You.
Ang sabi ni Sweet—na kasama rin sa Loving You—sa umpisa pa
lamang, bihira lang daw siyang kiligin sa mga teen love teams, pero with Aljur
and Kris, kinikilig daw siya dahil feeling niya, may "something" talaga
sa dalawa.
Mukhang relax na relax lang si Aljur habang nakaupo at
nakakabit na sa kanya ang lie-detector machine, pero umamin itong medyo
kinakabahan din daw siya habang si Kris naman daw ay relax lang.
Magkasabay na "yes" ang sagot nina Aljur at Kris sa unang
tanong ni Sweet kung totoo ba na StarStruck
days pa lang nila ay may crush na sila sa isa't isa. Sumang-ayon ang resulta ng
lie-detector test sa sagot nila dahil parehong "Truth" ang lumabas. Hindi na
nag-follow-up pa si Sweet dahil klaro na raw na, ever since, crush na nga
nilang dalawa ang isa't isa.
LOVE TRIANGLE. Second question ay tungkol pa rin sa StarStruck days nila kung saan nagkaroon daw ng away sa pagitan
nina Aljur at Mart Escudero over Kris dahil at that time daw, nahuhulog na ang
loob ni Kris kay Mart. Ang tanong, ngayon ba ay masasabi nang mas matimbang sa
puso ni Kris si Aljur over Mart?
Once again, parehong "yes" ang naging tugon nilang dalawa at
pareho ring "Truth" ang lumabas na resulta. Dahil dito, tinanong ni
Sweet si Aljur kung totoo nga bang before, nakaramdam siyang nahuhumaling na
nga si Kris kay Mart.
"Actually, hindi naman puwedeng iwasan," sagot niya.
"Siyempre, si Kris maganda. Marami ang magkakagusto sa kanya."
Ano naman ang feeling niya na ngayon, siya naman na ang
lumabas na mas matimbang sa puso ni Kris?
"Siyempre, sa pagkalalaki, masaya ako," sagot ng binata.
Sabi naman ni Kris, "Okey naman kami ni Mart. Oo,
aaminin ko, nagkaroon kami ng something ni Mart noon. Pero ayon na rin nga sa
lie-detector test, mas matimbang pa rin si Aljur."
SELOS FACTOR. Third question, si
Aljur daw, natural na malambing sa ibang mga babaeng co-stars. Pero totoo ba na
kapag dumidikit si Aljur sa ibang babae, hindi na ito pinapansin ni Kris dahil
nagseselos ang dalaga?
Pareho pa ring "yes" ang sagot ng dalawa. Yun nga lang,
‘Truth" ang resulta ng kay Aljur pero "Lie" na ang lumabas kay Kris.
Ang depensa naman ni Kris, "Oo, nagseselos ako! Nagseselos
ako sa mga babaeng malapit sa kanya kasi si Aljur, aminin natin, guwapo talaga
siya at maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya hindi maiiwasang hindi magselos.
At saka talagang hindi ko siya pinapansin kapag nagseselos ako."
Tinanong naman ni Sweet si Aljur kung ano ang masasabi niya
sa pagseselos ng ka-love team.
"Actually, bago matapos ang araw, sinisigurado kong okey
kami. Nilalambing-lambing ko rin siya. Siyempre, makikita mo yun,
mararamdaman mo sa mga mata niya, nangungusap," pahayag ng young actor.
Hirit naman ni Kris, "Sinusungitan ko talaga siya, hindi ko
talaga siya pinapansin!"
Ano namang paglalambing ang ginagawa ni Aljur para makabawi
siya kay Kris?
"Wala lang, ine-explain ko lang sa kanya na wala naman
talaga. Na sa kanya lang talaga ako nakatingin," sagot niya.
ANOTHER LOVE TRIANGLE. Fourth question, sa Zaido ay ka-love-triangle nila si Marky
Cielo at naging close din naman si Kris kay Marky. Noong time ba na yun,
nanligaw si Marky kay Kris?
Parehong "no" ang sagot nina Kris at Aljur. Pero "Truth" ang
lumalabas na resulta kay Aljur at "Lie" na naman ang lumabas kay Kris.
John told Kris na umapela na raw sa "barangay." Paliwanag ng
dalaga, "Grabe, hindi ko nakeri yun! Kami ni Marky, naging close kami sa Zaido,
siyempre kami-kami ang magkasama. Pero walang something, walang ligawan. Never
kaming lumabas. Text-text, pero text lang na magkaibigan."
Hirit ni Sweet, baka raw nalito ang lie-detector machine.
Segue question ni Sweet at pang-limang tanong nito ay kung
totoo ba na at that time na na-link si Kris kay Marky ay nagselos si Aljur.
"No" pa rin ang sabay na sagot nila. Pero this time, pareho
nang "Lie" ang naging resulta.
Katuwiran ni Aljur, "Actually, si Marky, best friend ko.
Napakabait na Survivor kaya may tiwala ako sa kanya."
THE REAL SCORE. Ika-anim na katanungan sa dalawa ay sa pelikula raw nilang
Loving You, marami ang nakakapansin na sabay silang kumakain, sabay silang
natutulog at inihahatid-sundo raw ni Aljur si Kris. So, mag-on na ba silang
dalawa?
Parehong "no" pa rin ang sagot ng dalawa sa diretsong tanong
ni Sweet sa kanila.
Pareho rin namang hindi sumang-ayon ang lie-detector machine
sa kanila dahil "Lie" ang lumabas na resulta.
Ayon kay Sweet, huling-huli na raw ang dalawa na nagde-deny
lang kung kaya't huwag nang paapelahin pa.
For the seventh and last question, sa kissing scene nila sa
Loving You, take one lang daw sila. Totoo ba nag-rehearse sila bago mag-take
kung kaya't na-perfect nila ang naturang kissing scene?
Both answered "yes" kaya hirit ni Sweet, natakot na raw
magsinungaling ang dalawa at "Truth" nga ang lumabas.
Pero bakit nga ba sila nag-rehearse?
"Sanay naman na kami mag-kissing scene, kaso sabi ni Direk
Don Cuaresma, mag-rehearse daw kami," paliwanag ni Aljur.
Sabi naman ni Kris, "Okey naman yung nag-rehease. Kasi ang
goal nga, pakiligin ang mga tao, so natural naman na lumabas at mas maganda."
Ang resulta ng lie-detector test nila, si Aljur ay naka-limang
truth at dalawang lies samantalang si Kris ay naka-tatlong Truth at apat na
Lies.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.

最新评论
删除 Guest (2008-12-18 11:45:30, 评分: 1 )
删除 引用 Guest (2008-12-05 19:45:53, 评分: 0 )
删除 引用 Guest (2008-10-21 20:51:57, 评分: 0 )
删除 Guest (2008-10-17 14:16:34, 评分: 1 )
删除 引用 Guest (2008-10-13 14:24:49, 评分: 0 )
删除 Guest (2008-10-01 13:57:01, 评分: 1 )
删除 引用 Guest (2008-8-23 14:59:02, 评分: 0 )
nakakakilig