Send to friend Previous | Next

Annabelle Rama admits gambling problem in the past

Bilang bahagi pa rin ng promotion para sa My Monster Mom na

ipalalabas na sa July 2, live na in-interview nina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto,

at Mo Twister si Annabelle Rama sa

Showbiz Central kahapon, June 29.

Bago ang live interview, may mga video greetings munang

inihanda ang Showbiz Cetral mula sa ilang malalapit na tao sa buhay ni Annabelle, 'tulad ng ilang kasambahay niya na kung

may ilang dekada na nilang kasama sa bahay. Pinatunayan nila na

"mabunganga" lang daw si Annabelle, pero sa kabila nito ay mabait ang

kanilang amo.

GAMBLING PAST. Nagsalita rin si Alfie Lorenzo, na isa sa pinakamatalik na

kaibigan ni Annabelle sa showbiz. Ikinuwento ni Alfie ang isang insidenteng lumayas noon si Annabelle sa bahay nila. Ayon sa talent manager, sa isang orphanage sa Cebu dinala

at itinago ni Annabelle ang mga anak sa asawang si Eddie Gutierrez.

Ipina-elaborate naman ni Pia ang naturang kuwento kay

Annabelle during their live interview at hindi naman itinanggi ni Annabelle.

"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addict

ako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga.

Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya?

Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal.

Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ng

baraha, hindi na ako nagma-mahjong.

"Ang ginagawa ko na lang, alagaan ang mga apo ko. Minsan

kahit nagpupunta ako ng Las Vegas, hindi na ako nagsusugal. Minsan, binigyan

ako ni Richard [Gutierrez] ng $2,000 para palaguin ko raw, pero hindi ko rin

naman isinugal. Ibinalik ko rin sa kanya."

FORGIVING POKWANG. Tinanong naman ni Rufa Mae na dahil sa pagiging protective

ni Annabelle sa kanyang mga anak, may insidenteng nag-spoof si Pokwang tungkol sa

dalawa niyang anak na sina Richard at Raymond Gutierrez. Now na nag-sorry na

raw si Pokwang, ano naman ang masasabi niya rito?

"Nag-sorry na siya sa akin, so hindi ko na lang yun

pinapansin," sabi ni Annabelle. "Ibig sabihin, tinatanggap ko ang sorry niya sa

akin dahil public apology yung ginawa niya sa akin.

"Advice ko nga kay Pokwang

palagi, kung magko-comedy siya, maski ako na lang ang gamitin niya, tutal

palagi naman niya akong ginagamit. I'm so proud na ako ang ginagamit niya. So

ibig sabihin, sikat ako, di ba? Huwag lang ang mga anak ko... Kung ako, kaya ko

yun, e."

MOROCCAN SUITOR. Mo asked Annabelle regarding the seven-footer Moroccan

basketball player na balitang nanliligaw ngayon sa anak niyang si Ruffa

Gutierrez. Balitang hindi pabor si Annabelle sa manliligaw na ito.

Sinundan pa ni Pia na nakita raw ang basketball player na nagbigay pa ng

bouquet of roses kay Ruffa.

"Sinabi ko lang kay Ruffa, ‘Sino na naman ‘yan, ‘Day?' Hindi

ko nga maano...naka-ganyan [nakatungo] na lang ako [dahil sa tangkad ng lalake]. Sabi ko lang, ‘Ruffa,

dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Hindi sa ako'y nakikialam, ako ay

nag-a-advice lang. Kung kukuha ka ng lalaki, mas matanda dapat sa ‘yo, hindi

yung mas bata.'

"Kasi yung bata, mas mahirap yun. Hindi mo masasakyan ang

ugali no'n. Kaya konting galit lang, nandoon na ang mga sampalan, murahan,

‘tapos hiwalayan," lahad ni Annabelle.

Sa puntong 'yon, direkta pang sinabihan ni Annabelle ang

co-host ng Showbiz Central na si Rufa Mae na huwag kumuha ng batang boyfriend.

Alam daw kasing mas bata sa kanya ang boyfriend nito.

Nag-follow-up question naman si Mo na kung sakaling

kailangang pumili ni Annabelle, sino kaya ang pipiliin nito—si Yilmaz Bektas o

yung seven-footer na basketball player?

"Wala!" maagap na sagot ni Annabelle. "Kasi si Yilmaz, tapos

na ang ano niya kay Ruffa, yung pagsasama nila, hindi maganda. Para sa akin,

magkaibigan na lang sila. Father siya sa dalawang anak ni Ruffa.

"Yung isa naman, parang hindi sila dapat maging ni Ruffa

dahil bata pa yung isang yun. I'm sure, gusto lang nun ng happenings siguro.

Hindi pa yun ready na mag-alaga ng dalawang bata, di ba?"

RAYMOND GRILLS HIS MOM. May VTR din sa anak ni Annabelle na si Raymond Gutierrez, na

isa rin sa mga host ng Showbiz Central. Ibinuko nito na nang nakatira pa raw

siya kasama ang mommy niya, tuwing gabi o madaling-araw na siyang nakakauwi,

mas tinatanong pa raw at kinukumusta ni Annabelle ang driver kesa sa kanya.

Feeling daw ni Raymond, mas concern pa ang mommy niya sa mga driver kesa sa

kanyang anak.

Natatawa naman si Annabelle na sinabing, "Ayoko kasi na yung

driver napupuyat, e, puro lakwatsa lang naman. At saka takot ako sa aksidente.

At ayoko na yung driver nagugutom. Kasi ang driver, kapag hindi gutom at

kumpleto sa coffee-coffee or kung anuman diyan, e, di maganda ang pagda-drive

niya, di ba?

"At saka kapag lakwatsa lang kasi, sinasabi ko, ‘Huwag

n'yong puyatin, kawawa naman, wala namang ginagawa.' Pero kapag taping,

shooting, okay. Pero kung wala namang ginagawa, sinasabi ko na, ‘Pauwiin mo ang

driver at meron pa ‘yang maagang trabaho.' Kaya nagagalit silang lahat sa akin

dahil mas concern daw ako sa driver."

Tawa pa rin nang tawa si Annabelle sa ikalawang pambubuking

ni Raymond sa kanya. Ayon kay Raymond, marami na raw TV commercials na

tinanggihan ang mommy niya. Yung isa, dahil pinagsusuot daw ito ng duster at

pinaglalaba. Yung ikalawa naman, pinapasayaw sa labas.

"Alam n'yo kasi, noong in-offer sa akin yun, hindi pa ako

ready talaga. Hindi pa ako ready na umarte. Kaya sabi ko, ‘Naku, ano kaya

hitsura ko kung ganyan ako?' E, nag-duster na ko sa pelikula kaya lahat, lahat

puwedeng mag-offer sa akin ngayon!" natatawa niyang sabi.

Sa ikatlong pambubuko ni Raymond sa mommy niya, nag-dialogue

si Annabelle na nakakaiyak naman daw ang mga sinabi sa kanya ng anak. Bilang

ganti, sinabi niya na mabait na anak si Raymond.

Ayon kasi sa ikatlong VTR message ni Raymond, sinabi nitong sa

kabila ng pagiging mataray ng image ng ina, deep down ay mabait daw ito at

ginawa ang lahat to raise them well. Hindi rin daw niya akalaing matatapos ng

mommy niya ang My Monster Mom dahil kalagitnaan ng shooting ay nagku-quit ito

at sinasabing hindi na niya kaya at lalong hindi kaya ang working hours ng

isang artista.

Inamin naman ni Annabelle na totoong kalagitnaan ng movie ay

gusto na raw niyang umatras.

"Sinabi ko na kung puwede bang si Ruffa na lang ang gawing

bida at huwag na ako. Kasi ang hirap palang mag-shooting. Biro mo, a-acting ka,

ire-rehearse mo ang dialogue mo. ‘Tapos ang Tagalog ko pa, baluktot pa minsan.

Kaya sa lahat ng manonood ng movie ko, pagpasensiyahan n'yo na kung may Bisaya

minsan. Ang speech ko kasi minsan, pinagtatawanan nila Ruffa. Sasabihin, ‘Mommy,

Bisayang-Bisaya ka!' E, wala akong magagawa, Bisaya talaga ako, e!"

LOVE-HATE RELATIONSHIP WITH RUFFA. Pia asked Annabelle kung mas lalo raw ba silang naging

malapit sa isa't isa ni Ruffa dahil nagkatrabaho silang

dalawa sa movie.

"Actually, kaming dalawa ni Ruffa, hindi na mawawala sa amin

yung para kaming aso't pusa. Kahit sa

shooting, nag-aaway kami. Kasi pakialamera siya masyado sa akin. Yung makeup

ko, yung mata ko, inaantok daw ako. E, paano akong hindi aantukin, Ruffa, e,

uminom nga ako ng pampakalma? ‘Tapos sabi niya, ‘Idilat mo ang mata mo, Mommy!'

Kapag nakadilat naman, sasabihin, ‘Huwag mong masyadong lakihan ang mata mo,

mukha kang mataray!'

"Masyado siyang nakikialam sa akin. Pati lipstick ko, pati damit ko. Hindi raw

maganda ang mga damit ko, ganyan-ganyan, kaya palagi kaming nag-aaway sa set,"

kuwento ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, halos lahat ng eksena niya sa My

Monster Mom ay paborito niya, pero natatawa nitong sinabi na pinaka-favorite daw niya nang sinampal niya si Ruffa.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment