
Binati namin ang magandang pangangatawan ni John Lloyd Cruz
nang makita namin siya sa ASAP '08 noong Linggo, August 10. Halatang-halata rin
sa aura niya na masaya at kuntento siya ngayon.
Kung may nakikita man kaming dahilan ng happiness na
nagre-reflect sa magandang aura ni John lloyd that day, walang-duda na nanggagaling ‘yon
dahil sa patuloy na tagumpay ng pelikula nila ni Sarah Geronimo sa Star Cinema,
ang A Very Special Love.
Tinanong ng PEP si John Lloyd kung ano ang
masasabi niya sa success ng movie nila na as of Monday, August 12, ay kumita na
raw ng P134 million base na rin sa report ng Ad Prom ng Star Cinema.
"Siyempre, ano e, hindi lang siya happiness. Parang nagiging
source of joy for the moment. Hindi lang siguro for the moment, pero matagal
siyang magli-linger. Kasi, it's a movie na halos walang naniwala sa amin.
"Actually ako ha, to be honest, on a personal note, hindi
ako ma-convince that we can make this work. It's not Sarah, maybe the story. Sobrang typical ng story, e. Boy meets girl, girl meets boy. Mayaman-mahirap.
How can you make it work, e, sa panahon ngayon, dapat lahat ng bago mai-offer
mo. E, yun pala ang kailangan. Ang kailangan lang pala ng audience ay isang
lumang formula. Kumbaga, saan ka huling nakakita ng movie na kumakanta ang
audience, di ba? Yun lang, parang nakakatuwa na hindi pa pala nawawala sa
audience na naghahanap sila ng ganoon," pahayag ni John Lloyd.
Sa pelikulang One More Chance last year, muling napatunayan
ni John Lloyd ang husay niya sa pag-arte nang gawaran siya ng best-actor award at sa
naturang pelikula rin siya itinanghal na Box-Office King. With the overwhelming
success of A Very Special Love, posible kayang mahigitan pa ang na-achieve ng
movie niya last year with Bea Alonzo?
"Well, siguro sa box-office, pero magkaiba kasi sila," saad
ni John Lloyd. "They are incomparable. Yung mga nakita mo sa One More Chance,
hindi mo siguro maaasahang makikita yun sa A Very Special Love. Malayo sila."
WHAT'S NEXT, LLOYDIE? With his movie with Sarah, puwedeng sabihin na na-prove na
rin ni John Lloyd na kaya niya palang magdala ng sariling pelikula without Bea
as his love team. So, sa pangyayaring yun, ano kaya ang maasahang kasunod
o dapat abangan kay John Lloyd?
"Ako, ewan ko, hindi ko alam. It's one project, mahirap pang
magsalita kung kaya na nating magsalita. Ang success naman nito, ang
laking part din ni Sarah. Honestly, hindi ko alam kung kayang gawing basis yun."
Magkaganuman, hindi raw niya maikakailang masaya siya sa
nangyayari.
"I'm very happy!" sambit niya. "Nag-side trip man ako from
the love team, naging successful naman. Track-record wise, ang ganda, ang saya!
Pero ayoko siyang isipin na parang puwede, ang sarap din namang isipin na baka
kaya ko na. Pero siyempre, you're only good as your last project."
Posible kayang masundan pa ang team-up nila ni Sarah?
"Hindi ko pa alam, pero kung may follow-up, siyempre hindi
mawawala yung mga sabi-sabi. Pero sabi ko nga, sana huwag muna. Kasi,
nakakatakot. Dalawa lang ang ine-expect ng mga tao. It's either mapantayan or
malagpasan. Kapag hindi nagawa either of the two, ibig sabihin, you failed. So,
nakakakaba. Pero sabi ko nga, kung magkakaroon man, ang gusto kong gagawa,
same team ni Direk Cathy Garcia-Molina," sabi ni John Lloyd.
ROMANTIC LEADING MAN OF DRAMATIC ACTOR? No doubt, kilala na si John Lloyd bilang isang mahusay at
malalim na aktor. Pero tila minamahal siya ng manonood bilang isang romantic
lead. Kung siya ang masusunod, mas gusto niya bang pangatawanan ang pagiging
romantic leading man o gusto niyang i-challenge pa ang sarili niya sa ibang level
ng acting?
"Kasi yung mga title, mararamdaman mo lang sa promo.
Pang-promo lang yata ‘yan!" natatawa niyang sabi. "Ako kasi, I don't mind
the title, I don't mind the labeling of other stars. Pero siyempre ako, marami
pa kong kailangan matutunan.
"Hindi rin naman ako confident kung bigla na lang akong
mag-full blast sa heavy drama. So, in this way, nakakatulong sa akin,
nagbe-benefit ako dahil natututo ako. Nagkakaroon ako ng experience. Ang
labeling at pagbibigay ng title, wala sa utak ko yun. Ang gusto ko, yung
career path na gusto kong magawa at maabot."
So, ano yung career path na gusto niyang maabot?
"Well, it would be nice kung magawa ko muna yung movie ko
with Ate Vi [Vilma Santos], tuloy na siya. Hinihintay lang kung kailan
magsisimula. Pero tuloy na tuloy na ang project," masayang sabi ni John Lloyd.
What about being Armando sa I Love Betty La Fea, tuloy na
tuloy na rin ba yun, lalo na ngayon na tapos na ang pagsu-shoot niya ng movie
nila ni Sarah at wala pa rin naman siyang bagong series na nababalitang gagawin
niya sa ABS-CBN?
"Yun ang wala pang balita, nasa kamay nila yun, wala sa
akin. Hanggang ngayon, nasa itaas pa, nasa kamay pa nila ang bola. Sabi ko
nga, at the end of the day, whatever task they have given you, gagawin at
gagawin mo."
But then, wala naman bang pagtanggi sa kanya if ever na siya
na nga talaga si Armando?
"I'll be happy to be working again with Bea. New director,
new set of people. Sabi ko sa ‘yo, ang trabaho kapag tiningnan mo, ayoko ng
trabahong ‘yan ngayon, pero hindi mo alam ang mga nakapalaman sa trabahong ‘yan,
baka yun ang mas importante," matalinhagang pagwawakas ni John Lloyd.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
