
Isang emosyonal na
Lovi Poe ang humarap two Sundays ago sa Showbiz Central, kung saan inamin nito
na nahihirapan siya sa sitwasyong kinasusuungan kaugnay ng relasyon nila ng
rumored boyfriend niyang si Jolo Revilla.
Balita ang matinding
pagkadigusto ng butihing ina ni Lovi na si Rowena Moran kay Jolo, nasulat din
na sinugod daw sa taping ng isang show ng GMA-7 at pinagsalitaan ng masasakit
ng mommy ni Lovi ang binatang ama.
Sa panayam ng PEP
(Philippine Entertainment Portal) kay Lovi sa 24th Star Awards for Movies last Friday, June 27,
inamin ni Lovi ang rason kung bakit siya naging emosyonal sa Showbiz Central.
"Siguro it's just so
difficult for me na nada-drag yung mom ko sa mga issues," sabi ni Lovi. "Ako,
okey lang sa akin kasi nandito ako sa show business. Kumbaga, I'm okay with it,
it's a whole packaging. Sana ako na lang, not my mom."
Sa tingin ng iba ay
nagmumukhang kontrabida ang mommy ni Lovi sa nababalitang espesyal na
relasyon ng dalaga kay Jolo. Ang pagiging binatang ama ba ni Jolo ang dahilan kung
bakit siya hinihigpitan ng kanyang ina?
Paliwanag ni Lovi,
"Kasi ang mom ko, you can't judge her that easily kasi any mother naman,
proprotekthan ang anak nila, and I know
she's just being a mom. Ako, I'll always love my mom, she's been with me since
I was born at walang makakapalit nun. A
mother will always be a mother. Maybe
someday I'll understand that. A mother
is born to protect her own child.
"Regarding dun sa
pagiging binatang ama ni Jolo, I cannot say it kasi I believe hindi lang kay
Jolo ayaw niya kundi maging sa iba. To be honest, my mom and I really don't
talk about it anymore. We patched things up, we're okay now and I think, yun
ang best."
Binigyang linaw rin
ni Lovi ang isyu na sinugod daw ng mommy niya si Jolo sa taping ng Kaputol ng
Isang Awit.
"I think it's a
misunderstanding kung kanino man umabot yun," sabi niya. "I don't remember my
mom going to Kaputol ng Isang Awit taping. May mga nasulat din nasa Maynila
taping daw. My mom went there to bring me some food, I don't think na
pinagsabihan niya si Jolo. I'm taping all the time."
Sa estado ng relasyon
ngayon nila ni Jolo, malungkot na inamin ni Lovi na hindi na sila gaanong
nagkikita ng batang aktor kahit na nga may mga balitang nakikita pa rin silang
lumalabas.
"Ang masasabi ko
lang, okey na kami sa ganito. Nothing much going on, we don't go out tulad ng
dati. Basta ang focus ko na lang is my mom and my career," saad ng young
actress.
Sa isang panayam sa
ama ni Jolo na si Bong Revilla ay sinabi nito na kung buhay lang daw
ang ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. ay tiyak na hindi nito papayagan ang
anak na mag-showbiz. Ano ang reaksiyon dito ni Lovi?
"Maybe, we'll never
know," sambit ni Lovi. "Actually, before ko pa gustong maging actress. Kaya
siguro kahit buhay pa ang dad ko ngayon, wala siyang magagawa kasi hilig ko
talaga ang umarte at kumanta."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
