Send to friend Previous | Next

Anne Curtis wants Sam Milby to be her boyfriend but "there's no need to rush

Perfect daw ang

timing ni Sam Milby sa pagpasok sa buhay ni Anne Curtis. Ito ang dahilan kung

bakit parang mas may magandang development na namamagitan ngayon kina Anne at

Sam, kung ikukumpara sa naging kaugnayan nina Anne at Luis Manzano, na very

close pa rin naman until now.

Magkakasama pa naman

ang tatlo sa Dyosa, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN, na gumagawa na ng ingay

dahil nakatakda nang mag-premiere ito sa August 11. Sa presscon ng Dyosa kahapon, August 4, Manila Ocean Park Manila,

nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para

usisain si Anne tungkol sa anggulong ito.

"Kay Manzano

kasi, during that time, parang ang dami kong gustong gawin. I wasn't ready for anything. Kaya masasabi kong ngayon, okey ang pasok ni

Sam, kasi parang mas ready ako. Although sabi

ko nga, wala pang officiality ang relasyon namin ni Sam. It's getting there

though," paglalarawan ng young actress sa situwasyon nila ni Sam.

Hindi raw nila

kailangang magmadali. Ang importante raw ay masaya sila ngayon.

Hindi pa ba nakikita

ni Anne kay Sam yung qualities ng magiging boyfriend niya kaya hanggang ngayon

ay hindi pa niya ito sinasagot, kung totoo ngang hindi pa sila?

"No!"

mabilis na tugon ni Anne. "Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's no

need to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga ang

maging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema."

Dati na raw na sila

ni Sam, pero nag-split sila. Binalikan daw siya ni Sam at nagsimula itong

manligaw uli noong December of last year. May kaugnayan kaya ang dahilan ng

nabanggit na split-up na yun kaya may takot kay Anne na sagutin ang matinee

idol?

"Hindi naman

masakit, as in nagka-trauma ako? Of course not!" natatawang sabi ni Anne.

"Nagka-convictions lang kasi ako during that time. I went through a

personal crisis, na kaya kami nag-split, siya [Sam] ang magiging distractions doon.

"Kaya nga,

dumating uli siya sa akin at that time na parang settled na uli ang lahat, at

maayos na tumatakbo ang buhay ko. Right timing na lang siguro, hindi porke

pareho na kaming Christians. Hindi uso sa akin ang pagpapakipot. Sabi ko nga,

ang mahalaga ngayon, pareho kaming okay at masaya, and there's no need to

rush," pagdidiin muli ng young actress.

Sinabi rin ni Anne

na raw siyang ibang hinahanap pa kay Sam.

"It's just

right timing, and we just have to wait," aniya. "Matagal ko na ring

kakilala si Sam, at yung more than a half year na panunuyo uli niya sa akin,

may magandang nagiging resulta yun. Two years na kaming magkaibigan, at kilala

ko na rin siya. Wala na siyang dapat pang patunayan."

ON BEING "DYOSA." Ano naman ang

reaksiyon ni Anne sa isyu na parang lakas lang daw ng loob ang pinanghahawakan

ni Anne sa pagiging "dyosa," samantalang sa surveys, sinasabing mas sexy sa

maraming kalalakihan ang mga gaya nina Marian Rivera at Katrina Halili?

"Ay, hindi ko

na kailangang mag-comment pa sa ganyan!" pag-iwas ni Anne. "Kasi may

kanya-kanyang tingin ang mga tao kung sino ang mas sexy. Para sa akin, hindi

naman importante 'yan, na parang nakikipag-compete pa ako para lang sa title na

Dyosa, di ba?

"It's just a character which I'm

portraying, at ako naman ang bida sa fantaserye, which happens to have a title

na Dyosa. Indeed, I'm enjoying the feeling, that people are considering me a

goddess and they call me Dyosa. Ganoon na lang, and I don't want to be affected

by the opinion of other people," tahasang sabi ni Anne.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment