Send to friend Previous | Next

John "Sweet" Lapus hospitalized after amateur boxing in "Kung Ako Ikaw"

Hindi nakapag-report sa Showbiz Central ang isa sa mga host

nito na si John "Sweet" Lapus noong Linggo, August 3. Kasalukuyan pa itong naka-confine sa Capitol Medical Center dahil sa sakit pagkaraan ng ilang araw mula nang nakipagsuntukan sa programang Kung Ako Ikaw ng GMA-7.

Along with other comedians na sina Arnell Ignacio at Teri

Onor, ginawa silang amateur boxers sa episode na ito ng Kung Ako Ikaw nina Joey

Marquez at Keempee de Leon. Tuesday last week, July 29, sila nag-taping kung

saan lahat sila ay dumaan sa isang matinding pagsasanay para sa laban nila

against amateur boxers.

Pero marami ang nagulat na matindi pala ang kamao ni

Sweet. Pagkatapos daw kasi ng ilang ratsadang sunud-sunod na hataw,

napabagsak ni Sweet ang kalaban niyang amateur boxer.

Kinabukasan, July 30, nag-report pa raw si Sweet sa taping

ng Ako Si Kim Samsoon kung saan nakaramdam siya ng matinding pagkahilo, lagnat,

at pananakit ng katawan. Noong Friday, August 1, ay isinugod na siya sa Capitol

Medical Center dahil hindi na raw siya makagalaw dulot ng over-fatigue at

severe tonsilitis.

Noong Saturday, August 2, ay nakatanggap ang Showbiz

Central ng mensahe mula kay Sweet na hindi siya makakapag-report sa show, kaya pinalitan

muna siya ni Allan K.

Ito ang mensahe na ipinadala niya sa Showbiz Central: "Sumakit

talaga ang katawan ko at nagkapasa-pasa. I was rushed here at Capitol

Medical Center because I can't talk. Super-swollen na pala my tonsils. I'm

sorry, I can't 'Shake it Sweet' today. Hindi pa raw puwede sabi ni Doc. Watch my

ordeal in Kung Ako Ikaw tomorrow [August 4]. Please watch for me para may

pambayad ako sa hospital."

Habang ipinapakita ang text message na yun ni Sweet ay ipinapakita

ang mga kuha ni Sweet habang nakahiga siya sa hospital bed.

Bukod sa pag-a-absent niya sa Showbiz Central ay kinailangan

ding i-cancel ni Sweet ang guesting niya sa All Star K kahapon.

Ayon naman sa ipinadalang text message ni Sweet sa PEP

(Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng pagiging amateur boxer niya, "Ito

na yata ang pinakamahirap na bagay na ginawa ko sa buhay ko."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment