
Pagkatapos mabalita na may ka-date na isang socialite si
Diether Ocampo, inili-link naman siya ngayon sa Bazilian model at sinasabing
isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine
Cruz na si Marianna del Rio. May nakakita raw kasi na sobrang malapit na sila
sa isa't isa.
"Hindi ko naman masasabi na ganun kami, wala," tanggi ni
Diether. "Kasi ngayon lang kami nagkakilala and that's the only time I talked
to her, and parang wala na. After nung may nakakita sa amin, wala na."
Ayon sa ilang sources, pinu-pursue na raw ni Diether si
Marianna.
"Hindi," tanggi niya ulit. "Kung pinu-pursue ko, makikita
ninyo na magkasama kami ulit together. Hindi, hindi. Taliwas yun sa
sinasabi ninyo. Doon lang kami nagkita sa Star Magic Ball at hindi na uli
nasundan yun. Wala akong ka-date."
Pero may nagsasabi na madalas daw silang mag-hangout ni
Marianna.
"Oo, I could say that. Pero hindi naman kaming dalawa lang.
Grupo lagi. Pero I was hoping na darating din yun. Kasi minsan natatakot na ako
na baka tumandang binata na ako, di ba? Hindi, pero siyempre umaasam-asam pa
rin ako na sana merong dumating at makilala ko talaga na karapat-dapat."
Meron din daw nakakita na ang ka-date naman ni Diether ay isang
fashion model.
"Hindi totoo na may ganun dahil unang-una, wala pa
akong nakaka-date. Kung gugustuhin ko, puwede, anytime puwede. Pero ngayon kasi,
hindi pa ako handa. Pero usually, we hang out."
What about his ex-girlfriend na si Kristine Hermosa?
Nakakapag-usap pa rin ba sila?
"Hindi, dahil kasi after very serious relationship ko with
her, parang almost three and a half years, e. Parang nawalan ako ng panahon sa
sarili ko, e. So ngayon ko pa lang actually nae-enjoy yung pagiging, you know,
single ko ulit. Nagagawa ko ulit yung mga bagay na hindi ko nagagawa kapag
meron akong karelasyon."
BIRTHDAY BOY. This month ay ise-celebrate ni Diether ang kanyang birthday.
May plano na ba siya para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan?
"Eto nga, isang gusto kong ano, e, gusto ko ulit magkaroon
ng birthday blowout with the press. It's been a long time na nawala tayo sa...
Kasama talaga sa plano ko ‘yan kasi matagal na rin akong hindi
nakakapag-bonding. Para isa na ring paraan ko na mapabatid sa inyo ang
pasasalamat ko, di ba? Sa maraming taon na sinuportahan ninyo ako. ‘Tapos may
isa pa ako ano, charity event for my birthday sa aking KIDS Foundation."
Wala ba siyang birthday date with Marianna?
"Wala," diretsong sagot ni Diet.
Anong klaseng charity work naman ang gagawin niya on his birthday?
"Yung charity, may gagawin kami sa Philippine
Orthopedic Center, sa cancer ward."
BENCH BLACKOUT. Isa si Diether sa mga rarampa sa nalalapit na Bench Blackout
denim and underwear fashion show sa Araneta Coliseum on July 25. Naghahanda na
ba siya for the event?
"Oo, nagpre-prepare na ako, abangan n'yo ‘yan.
"Sabi nga ni best friend Claudine [Barretto], ‘Kung alam lang ng mga tao, may
asim ka pa.' Kaya doon natin mapapatunayan kung meron pa!" natatawa niyang
sabi.
Magsusuot ba siya ng underwear sa fashion show?
"Hindi ko alam ang isususot ko dahil doon pa lang malalaman
sa actual show," sagot niya. "Tingnan natin kailangan siyempre sorpesahin ko
naman kayo, di ba? Pero ngayon palang nagpapasalamat talaga ako sa pagsalubong
ninyo. Hayaan ninyo sa birthday blowout ko, naka-brief lang ako!"
Magpapakabog ba siya kay Dingdong Dantes sa show?
"Kayo ang makakasagot niyan batay sa inyong napanood sa full
trailer ng Iisa Pa Lamang."
Balita na todo ang ginagawangn preparasyon ni Dingdong para
sa fashion show.
"Dapat silang mag-prepare!" sabay tawa ni Diet.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
