Send to friend Previous | Next

Geneva Cruz says living with Jay-R is no big deal, husband KC Montero is okay wi

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment

Portal) na makausap ang singer na si Geneva Cruz

nang dumating ito sa grand opening ng Centerstage sa Makati City. Chinika ng

PEP si Geneva tungkol sa isyung sa bahay ng singer-host na si Jay-R siya

nakatira. Inamin niya naman ito nung nag-guest siya sa Showbiz

Central noong Linggo, July 27.

"That's not a big deal, actually. Barkada kami ni Jay-R.

There's his girlfriend, too. Jay-R is one of my best friends," paliwanag ni

Geneva.

JAY-R'S HOUSE OF KINDNESS. Sinabi ng PEP kay Geneva

na sa isang bansang tulad ng Pilipinas at sa kultura ng mga Pinoy, big deal ang

ginawa niya.

"Well, nandoon yung girlfriend niya, kasama namin sa bahay.

‘ Tapos, may dalawa pang barkada namin. Si Kris Lawrence at si Jimmy Muna.

Nakatira sila kay Jay-R matagal na. So, apat sila sa isang bahay.

"Ako, since temporarily nandito ‘ko, siya na ang nagsabi na

may guest room siya na available. So, ang bait ni Jay-R. Para kong kapatid

‘yan, ‘no, and kuya."

Napa-"ngiii!" si Gen nang may nagtanong kung hindi ba naman

sila magkasama sa isang room. "Para ko kaya ‘yang kapatid, ‘no! Hello!"

Maraming magkaibigan na nauuwi rin sa romantic ang

relationship. On their part daw, never daw sigurong mangyayari yun.

"Nagkakilala kasi kami, para na kaming magkapatid niyang si

Jay-R. I met him through KC [Montero] also. So, kumbaga, hindi talaga talo."

Nagpaalam din naman daw siya kay KC when she decided to just

stay at Jay-R's house.

"Oo naman, siyempre. Although, barkada kaming lahat.

When he found out naman, he said right away, ‘Sure, okay!'"

GOING BACK TO THE STATES. Hindi na rin naman daw siya

magtatagal sa bahay ni Jay-R dahil aalis daw siya para magbakasyon sa Seattle

[Washington, U.S.A.] at para madalaw na rin niya si KC at ang kanyang anak na

si Heaven [from Introvoys drummer Paco Arrespacochaga].

"Pagbalik ko, may sarili na kaming place nina KC. Noong

bago kasi kami umalis, rent lang yung tinitirhan namin. Ngayon, inaayos ko na,

pagbalik ko, baka doon na ‘ko tumuloy."

Wala rin daw katotohanan ang

isyung hiwalay na sila ni KC.

"Of course not, sinasabi nila, kasi, magkahiwalay kami

physically. We're still happy and KC's doing very well there. Nasa top 10

siya ng best agents ng dad niya. He works sa real-estate business ng daddy

niya."

Kuwento pa niya, "Si Heaven

naman, ayaw nang umuwi! Siyempre, mas okey sa kanya,

mas cool sa kanya dahil pareho silang lalaki."

SHERYL CRUZ. Sa huli, naitanong din ng PEP kay Geneva

kung sa tagal ba ng pag-i-stay ng pinsan niyang si Sheryl

Cruz sa bansa, nagkaroon na ba sila ng chance na magkausap at makaayos?

Nagkaroon kasi ng isyu kay Sheryl ang iba pang Cruzes nang hindi ito umuwi nung

namatay ang tatay nitong si Ricky Belmonte.

"Hindi kami

nagkakausap. Si Shine [Sunshine Cruz] at si Donna [Cruz], palagi. Okey naman

kami, pero, never naman talaga kaming close. Even when we we're growing-up,

never naman talaga kaming close."

Nang hingan si Geneva ng message for Sheryl who is going

through a separation from husband Norman Bustos, ayaw raw niyang magbigay.

"Alam n'yo, ayokong magbigay...wala akong maibibigay na

advice. Kasi, nanggaling na ‘ko sa ganyan. Hopefully, as long as she's happy.

Basta, wala...ayokong mag-advice. Buhay niya yun, e, ‘di ba?"

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment