Send to friend Previous | Next

Maja Salvador talks about the men being linked to her

Wala sa cast ng Iisa

Pa Lamang si Maja Salvador, pero present siya sa press preview nito. Ayon

sa young actress, naimbitahan daw kasi siyang manood kaya siya naroroon. Pero

kinuha na nga rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon para

makausap si Maja.

Aniya, natapos na raw siyang mag-taping for Kapitan Boom at baka by next week,

magsimula na raw siya ng shooting for her Star Cinema movie naman kasama sina

Jake Cuenca at Shaina Magdayao na may temang mala-I Know What You Did Last Summer.

"Surprise!" ang sagot ni Maja sa amin when PEP asked her kung

sino ang kapareha niya rito. But from what PEP learned from a reliable source,

hindi malayong si Geoff Eigenmann daw ang bagong niyang kapareha ni Maja rito.

PREEMPTED ANNA LIZA.

May explanation naman si Maja kung bakit lately ay tila mabagal ang dating ng mga

projects sa kanya.

"Actually, ano po, e...hindi naman sa natagalan. Yung

management, iniisip pa nila kung saan ba mas gaganda ang career. Kasi, ‘di ba

po, yung Anna Liza, gagawin. ‘Tapos,

biglang hindi natuloy yung Anna Liza.

‘Tapos ngayon, merong pine-prepare na bago na naman po."

PEP asked Maja kung hindi ba siya nakakaramdam ng

disappointment sa hindi pagkatuloy ng supposedly, first lead series na sana niya?

"Nakaka-excite naman po talaga ang Anna Liza. Kaya lang, siyempre, mas alam naman pong talaga ng

management, hindi ba po, kunsaan mas gaganda ang career ng isang artista.

"Noong malaman ko na wala na ang Anna Liza, siyempre, yung takot po. Parang... ‘Hala, meron pa ba ‘kong

next show? Meron pa ba silang show na ibibigay sa akin?'

"Ang sa akin, kahit anong show na ibigay sa akin, kahit

bida, supporting, okey lang po. Basta ang importante po talaga, yung may

trabaho."

Hindi naman daw niya iniyakan na hindi ito natuloy.

"Hindi naman po, parang napag-isip lang po na, okey,

kung hindi po talaga para sa akin ang show na yun, okey lang, naintindihan

ko po. Hanggang sa may magandang balita naman kaagad na dumating."

Ayaw pa rin magsalita ni Maja kung sino ang makakasama niya

at makakapareha sa bagong teleseryeng gagawin kapalit ng Anna Liza. Katwiran niya, baka ma-preempt na naman daw dahil

before, pinag-uusapan ang Anna Liza

and yet, hindi naman nag-materialize.

But again, our PEP source said, tulad sa movie na gagawin ni

Maja under Star Cinema, si Geoff pa rin daw ang makakasama nito sa bagong

serye. So, walang-duda na instead of Rayver Cruz, si Geoff na nga ang bagong

ipu-push na ka-love team ni Maja ngayon. PEP also found out na ang

tentative title ng series ay Moon River,

pero, hindi pa raw ito sure dahil marami pang dapat i-settle with regards to the

title dahil isa itong sikat na kanta.

MAJA'S LOVE LIFE.

When it comes to her love life, bagama't consistent siya sa pagsasabing wala

talaga siyang boyfriend, hindi naman nawawala ang mga male actors na patuloy na

nali-link sa kanya. In fact, patuloy na umiingay ang isyu sa pagitan nila ng

co-star niya sa Kapitan Boom na si

Jon Avila.

"Naku, yun nga po! Hindi nga po namin alam ni Jon. Tuwing

nagte-taping kami, talagang, ‘O, tayo na pala?' Ganoon yung ano ni Jon. ‘Tapos,

parang gentleman siya, kasi, nagso-sorry siya na parang, ‘Uy, sorry, baka kasi

akalain mo, ako yung ganito, na nagsasabi na tayo na,' ganyan-ganoon.

"Ako naman, sabi ko naman sa kanya, okey lang, naiintindihan

ko. Kasi, nagugulat na lang kami sa mga lumalabas na kami na raw. Obvious na

obvious na raw kami," kibit-balikat niyang sabi.

Nasabi ng PEP kay Maja na baka kasi may nakikitang kakaibang

closeness or sweetness sa kanila ni Jon kaya ganoon ang nagiging impression ng

ilan?

"Hindi ko po alam. Kasi, kami namang lima sa Kapitan

Boom, close naman kaming lahat, so, hindi ko nga po alam kung bakit kami ni

Jon ang nasusulat. Pero hindi naman po kami lumalabas. Kahit text po, wala rin.

Siguro, gentleman lang talaga si Jon na nami-misinterpret ng iba."

Hindi na rin daw alam niya alam kung ano ang nangyari sa

supposedly team-up naman nila ni Rayver Cruz. Aniya, "si Rayver po...ewan

ko ba kung ano ang nangyari. Pero meron naman po kaming movie ni Rayver, yung Kelly-Kelly under Star Cinema. Parang

ang sponsor niya, Rexona.

"Nagawa na po namin yun at ipinapalabas sa mga province, sa

mga schools. Parang ano po siya, High

School Musical. Movie po siya, pero, sa TV ipinapalabas. "

Ayon kay Maja, pareho raw walang katotohanan ang mga pagli-link

sa kanya with both Jon and Rayver.

"Alam n'yo, ewan ko talaga...wala naman kasi talaga. Like si

Rayver, nakaka-text lang kaming dalawa, dahil lang talaga sa iPhone. As in,

iPhone lang talaga. Wala pa po kasi yung talagang...nanliligaw, yung ganoon,

wala pong talaga."

MAJA-CARLO BREAKUP

ISSUE. Sa huli, pinabigyang-linaw rin ng PEP kay Maja ang katotohanan sa

isyung breakup daw nila ni Carlo Aquino. Pero maagap agad ang reaction niya na,

"Paano kami magbi-break, e, hindi naman naging kami?!"

"Ngayon, wala kaming...biglang nawala yung communication

naming dalawa. Matagal na. Basta matagal na pong talaga. Focused ako sa career

kasi. Sunud-sunod po yung shooting ng Kelly-Kelly,

Kapitan Boom...parang wala akong time

na mag-reply sa mga text, sa mga tawag."

So, would she say, nag-stop na nga si Carlo ng sinasabing

panliligaw raw nito sa kanya?

"Hindi naman...parang desisyon ko rin naman na tama na muna. Siyempre, ayoko rin naman paasahin siya. Parang ang pangit naman,

‘di ba? Basta, hindi naging kami. Walang breakup. Kumbaga, yung

communication lang po talaga ang nawala."

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment