
Nagsalita na si Jericho Rosales sa The Buzz tungkol sa
malisyosong tsismis na siya at ang kapareha niyang si Carmen Soo ang
itinuturong dahilan ng atake sa puso ng direktor nilang si Gilbert Perez sa
teleserye nila sa ABS-CBN. Inatake si Direk Gilbert, o mas kilala sa industriya
bilang si Manong Gilbert, nung alas-singko ng umaga last July 1 sa taping ng teleseryeng
pinagbibidahan ni Jericho at ng Malaysian actress na si Carmen.
"We're working on a scene involving Carmen at saka ako and
Enpoy. I was waiting outside and bigla na lang pagpasok ko sa door, biglang
inatake si Manong Gilbert. Nahulog siya sa table," kuwento ni Jericho.
Ilang oras daw bago ang atake ng direktor, napansin na raw
ni Jericho ang madalas nitong paghagod sa kanyang didbib hanggang sa ikinagulat
ng lahat sa set nang bigla itong natumba. Mismong ang mga bida sa teleserye ang
sumaklolo sa direktor at isinugod siya sa St. Luke's Medical Center.
"Binantayan namin siya sa ospital," sabi ni Jericho. "We
never let go of him. We just kept on praying for him. Hindi ko alam na may
record siya ng ganun. Everyone was really shocked."
Sa gitna nito, sina Jericho at Carmen pa ang itsinismis na
dahilan ng atake ni Manong Gilbert.
"That would be really unfair to say that. How can other
people na wala naman dun say something like it's our fault. It's my fault? Kami
nga yung concerned naman kay Manong. Parang napaka-ironic nun, di ba? We're
taking care of him. Parang kami pa yung nabi-blame," pahayag ni Jericho.
Imposible rin daw na nagkaroon si Manong Gilbert ng problema
sa Malaysian actress dahil unang-una, alam niya na wala siya sa kanyang
sariling bansa. Kaya ginagawa raw nito lahat para maging mabait sa set at sa
lahat ng mga katrabaho.
"She was crying that day. She was really crying," malungkot
na pahayag ni Jericho.
Ang latest, naging matagumpay raw ang angiogram
medical procedure kay Direk Gilbert. Kasalukuyan pa rin siyang nasa coronary
care unit ng St. Luke's Medical Center habang nagpapagaling.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
