Send to friend Previous | Next

ABS-CBN denies intrigue that Jericho Rosales and Carmen Soo caused Direk Gilbert

Isinugod kahapon ng

umaga, July 1, sa St. Luke's Medical Center ang direktor na si Gilbert Perez na na-stroke habang

nagte-taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na co-venture sa isang

Malaysian TV network.

Madaling-araw pa

lang ay napapansin na ng bidang aktor ng teleserye na si Jericho Rosales ang

madalas na paghagod ng kanyang dibdib ni Direk Gilbert, na mas kilala sa

showbiz bilang si "Manong Gilbert." Hindi nagtagal at itinakbo na mismo ni

Jericho ang direktor sa ospital.

At press time ay

nananatili pa rin sa Coronary Care Unit ng St. Luke's si Direk Gilbert, taliwas sa unang report na nasa Intensive Care Unit (ICU).

Ito na ang ikalawang pagkakataon na na-stroke si Manong Gilbert. This time, maaaring mag-undergo siya ng

angioplasty surgery. Ayon sa Medline Plus, ang angioplasty "is a

procedure to restore blood flow through the artery."

BLAMING JERICHO & CARMEN. Sa second stroke ni Manong Gilbert ay mabilis na kumalat ang tsismis na ang dahilan ng

kanyang atake ay ang kanyang mga artista sa ginagawang teleserye sa ABS-CBN;

namely si Jericho at ang Malaysian actress na si Carmen Soo.

Mariin namang

pinabulaanan ito ng kampo ng ABS-CBN/Star Cinema Productions, na siyang

nagpo-produce ng teleserye nina Jericho at Carmen. Bago pa man ang kanilang

shooting dito sa Pilipinas ay nakapag-shooting na si Direk Gilbert sa Malaysia,

kasama sina Jericho at Carmen, pati na ang iba pang members of the cast. Kaya

naman nakapag-bonding na raw silang tatlo ng kanyang mga artista.

Ayon pa sa aming

source mula sa ABS-CBN/Star Cinema Productions, sina Direk Gilbert, Jericho, at

Carmen ang madalas pa nga raw na magkakasama sa Malaysia. At kahit natsitsismis

na si Carmen ang isang dahilan ng hiwalayang Jericho at Heart Evangelista,

hindi raw naapektuhan ang samahan nilang tatlo sa Malaysia.

Hanggang sa dumating

naman dito sa Pilipinas si Carmen, naging malapit pa rin si Manong Gilbert sa

Malaysian actress. Matagal-tagal na rin daw dumating dito sa Pilipinas si

Carmen at mukhang hahaba pa ang kanyang pananatili.

Pansamantalang

itinigil din muna kasi ang pagte-taping ng teleserye nina Jericho at Carmen.

Kung sakali, posibleng si Jerry Sineneng muna ang hahalili kay Manong Gilbert

bilang direktor sa joint venture production ng ABS-CBN/Star Cinema at ng

Malaysian TV network.

Malabo rin daw ang

tsismis na nagkaproblema si Direk Gilbert kay Jericho dahil sa breakup nila

ni Heart. Nakapag-move on na raw nang husto si Jericho mula sa hiwalayan nila

ng dating girlfriend kaya naging smooth naman ang taping ng direktor with

his lead actors.

Bukod dito, nagsabi

na rin si Jericho sa ABS-CBN/ Star Productions na magiging smooth ang kanyang

pagtratrabaho sa proyektong ito dahil ayaw niyang sayangin ang tiwalang

ibinibigay sa kanya ng management. Kaya naman nangako raw si Jericho na

ibibigay niya ang kanyang pinakamahusay na performance.

Hindi rin daw

maaaring bigyan ng problema ni Carmen si Direk Gilbert sa set dahil, unang-una,

aware siya na nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Kaya naman gagawin niya ang

lahat para maging mabait sa set at sa lahat ng mga katrabaho niya rito.

Kaugnay nito,

napakalaki rin ng tiwala kay Jericho ng ABS-CBN/ Star Cinema Productions, sa

pangunguna ng kanilang Managing Director na si Malou Santos

Wala pa rin daw

official title ang nasabing teleserye nina Jericho at Carmen, taliwas sa mga

lumalabas na reports. Pero napanood na ng ABS-CBN/Star Cinema Productions ang

mga eksenang kinunan sa Malaysia. Sobrang na-impress daw ang mga pamunuan ng ABS-CBN/Star Productions sa

nakita nila.

Nakatakdang ipalabas ang teleserye ni Jericho at

Carmen sa last quarter ng 2008.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment