Send to friend Previous | Next

Claudine Barretto defends hubby Raymart Santiago about intrigue that she is earn

Overwhelmed by the good reviews, abot-abot ang pasasalamat

ng bida ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na si

Claudine Barretto sa magagandang salita na naririnig nila after the press

preview held last Friday, July 4.

Kumbaga, ang napanood daw sa preview ay halos patikim pa

lang dahil first week pa lang ang ipinakita sa members of the press. Ayon kay

Claudine, marami pa raw dapat abangan ang mga televiewer sa kanilang

pinakabagong soap opera na magsisimula na sa Monday, July 14.

"Kasi po, marami pa po silang makikitang kakaiba sa Iisa Pa

Lamang. Nasisiguro po namin na makikilala at mamahalin ng lahat ng manonood ang

bawat character na mapapanood nila at ang pagbangon ng mga ito. Para rin pong

sa isang pelikula ang pag-atake ng mga director. Every sequence, every line,

pinaghirapan po naming talaga," saad ni Claudine sa grand press con ng Iisa Pa

Lamang kagabi, July 8, na ginanap sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.

Napakarami ring physical scenes ni Claudine sa series, pero

hindi lang daw siya rito nahirapan.

"Actually, nahirapan po ako physically, emotionally, at

mentally," banggit ng aktres. "Kapag umaarte ka po kasi, lahat yun magagamit

mo. Talagang napaka-draining. Pero kapag napanood mo naman na po, sobrang worth

it naman po."

THREE-IN-ONE CELEBRATION. This July 20, Claudine is turning 29. Kasabay rin niya ng

birthday ang kanyang mister na si Raymart Santiago, who is turning 35 naman. A

day before their birthday, their son Santino will also celebrate his first

birthday.

But instead na sa July 19, sa 20 na raw ang magiging

birthday party ni Santino kasabay ng kanyang dedication. Biro ni Claudine, para

tipid na raw. May lineup na rin ng mga ninong at ninang na kinuha sina Raymart

at Claudine for their son.

"Sina Robin Padilla, Edu Manzano, Kris Aquino, Piolo

Pascual, Diether Ocampo... May sampu sila, pero hindi sila as pair. Noong

isinulat namin, hindi ko nga alam kung ilan yung girls at kung ilang yung boys.

Marami pa rin kasing non-showbiz kaming kinuha," lahad ni Claudine.

When asked kung ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto

ay hindi kasama sa mga ninang, Claudine told the entertainment press na

malamang, ang anak daw nito na si Dominique Cojuangco ang kuhanin nila.

PROUD MAMA. Claudine is a picture of a very proud mother basta rin lang

ang dalawang anak niya na sina Sabina at Santino ang kinakumusta sa kanya.

"Kaka-four lang mi Sabina last month naman. Ang tangkad at

saka, sobrang smart! Sobrang talino! Gifted talaga, sobra!" proud na sabi ni

Claudine.

Sa ngayon, wala na raw mahihiling pa si Claudine sa mga

magagandang nangyayari sa buhay niya. Puro pasasalamat na lang daw ang gusto

niyang gawin sa birthday niya.

"This birthday, magte-thank you na lang ako sa mga blessing.

But then again, sisingit ako ng isang wish. Sabi ko, yun ang good health for

Raymart, for family and for the kids. Yun lang. Kasi yun lang naman ang pinakaimportante,

yung healthy silang lahat."

DEFENDING RAYMART. Nagsalita rin si Claudine tungkol sa isyung sa kanilang

mag-asawa raw ay siya ang nakikita ng mga taong mas nagtatrabaho at mas maraming

projects kumpara kay Raymart, na sa ngayon ay wala pa talagang project na

ginagawa. Ang dating, tipong si Claudine lang daw ang kumikita sa kanila ngayon.

"Si Raymart ngayon, abala... Kasi ‘yan, kapag nag-start

magtrabaho, naka-focus talaga siya. Pero ngayon, ang priority niya, yung

pagiging triathlete niya. Nagta-triathlon siya like last Sunday, nag-race na

naman siya. Siyempre, balang-araw ang goal niya ay makasali siya sa Iron Man na

yun, which is very good. So, doon siya abalang-abala ngayon. And soon, he's gonna be doing a project with

GMA-7."

Dagdag niya, "Kasi si Raymart, ganoon, e. Kapag may ano

talaga, doon muna siya magpo-focus. Siguro dahil alam naman niya na marami rin

siyang naipon kaya kapag meron siyang gusto, doon muna siya talaga

nagpo-focus."

Hindi pa raw nawawala ang mga foundation na tinututukan

nilang mag-asawa.

"Naka-focus kami ngayon sa Bantay Bata at saka

Caritas. So, parang God, He's the father, the Kuya of Bantay Bata. Kung tahimik

ang asawa ko ngayon is because he's cooking up at may niluluto siyang mas

malaki," sabi ni Claudine.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment