Send to friend Previous | Next

Nadia Montenegro takes the lie-detector test in "Don't Lie To Me"

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na basta may mga

artistang nasasangkot sa gusot, ang madalas na makikitang visible sa

pagde-defend sa kanila ay ang tinaguriang "best friend to the stars" na si

Nadia Montenegro. That's why Nadia can also be called "Miss

Congeniality."

Sa Showbiz Central noong Linggo, August 17, si Nadia ang

celebrity na naupo sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus. Ayon kay

Sweet, sa umpisa pa lang ay nangako raw si Nadia na hindi siya magsisinungaling.

Question No. 1: "Good friends na ba kayo ulit ni

Rochelle Barrameda ngayon?" Dati silang nagkaroon ng intriga noon at na-link din

si Nadia at nagkaroon diumano ng relasyon sa asawa nito na si Jimwell Stevens.

Answer: Yes.

Result: Lie.

First question pa lang, "lie" na agad ang naging resulta.

Ayon kay Nadia, "Sweet, ulitin mo ang tanong mo. Okey na ba kayo ni

Rochelle? Never kaming nagkaroon ng problema ni Rochelle. We never

stopped... Never na nawala ang friendship namin. Okey rin kami ni Jimwell."

Then, Sweet asked, "Si Ara [Mina], okay na rin ba kayo?"

"Okey rin kami ni Ara," sagot ni Nadia.

Question #2: "Meron kang friend, kasabayan mo,

sabay-sabay kayong ni-launch at ‘yan ang dati mong best friend. Ang tanong,

ipinagkalat mo nga ba ang dati mong best friend na actress na ‘yan sa isang

lalaking member ng isang political family?" (Minarapat na raw ng Showbiz Central

na huwag na lamang pangalanan, although alam nilang alam na ng tao kung sino ang

tinutukoy nila.)

Answer: No

Result: Lie

Sabi ni Nadia kay Sweet, "Alam mo, lahat ng tanong, sasayaw

ka na!"

Sabi naman ni Sweet, "Alam mo ikaw, pine-playtime mo ako."

Sagot naman ni Nadia, "Oy, mas ako ang pine-playtime n'yo. Sabi

n'yo sa akin, walang ganoong tanong!"

Dagdag niya, "Papanindigan ko yun, hindi ko ginawa yun."

Question #3: "Totoo ba na kayo ay nagkaroon ng

confrontation ng dati mong kaibigang actress na ‘yan sa isang hotel?"

Answer: Yes

Result: Truth

Nag-follow-up si Sweet kung totoo rin ba yung nagkabatuhan

sila sa hotel.

"Ay, no comment!" sagot ni Nadia.

Question # 4: "Totoo ba na dahil sa mga gulong

kinasasangkutan mo, pinagbawalan ka na ng husband mo na um-attend ng mga

showbiz events? Pero ang mga bulung-bulungan, kaya raw hindi ka nakikita sa mga

showbiz events ngayon ay dahil bina-ban ka ng mga friends mo na organizers ng

showbiz events?"

Sagot ni Nadia: "Hindi ko malalaman kung bina-ban ako, hindi

ko alam kung may party ako at banned ako. Paano ko malalaman yun?"

So, Sweet changed the question kung ang asawa raw ba ni

Nadia na si Boy Asistio ay pinagbabawalan siya na huwag nang um-attend.

Answer: No

Result: Truth

Sabi ni Nadia, "Sa mga pinagdaanan namin ni Boy,

doon ko napatunayan na siya ang unang-unang susugod para sa akin. At saka

alam naman ni Boy ang mga kaibigan ko kaya hindi niya ako pinagbabawalan.

Pinagbabawalan niya ako sa mga kaibigan ko na hindi makakabuti sa akin. Yun

siguro ang mga nagba-ban sa akin sa mga parties."

Question # 5: "Napapabalita na nililigawan ang anak mo na si

Ynah Asistio ni Mark Herras, tutol ka ba kung sakali?"

Answer: No

Result: Lie

"Echosera ka!" biro ni Sweet kay Nadia.

Paliwanag naman ni Nadia, "Hindi! Love na love ko si Mark.

Love na love ko ang mga kapatid niya, pamilya niya, papa niya. Siyempre,

nag-umpisa ‘yan as friends. Then, nag-one-on-one kami ni Mark. Sabi ko, Ynah is

really too young. Kung makakapaghintay siya hanggang 18, okey lang ako. And

then, sabi ni Mark, ‘Sige, Tita, alam kong hindi puwede, maghihintay po ako.'

"Si Mark lang ang katangi-tanging lalaki na pumupunta sa

bahay, humaharap sa amin ni Boy. Kung hindi lang siguro mas bata si Ynah, maybe

if she is much older, siguro malaki ang pag-asa ni Mark."

Dalawang truth at tatlong lie ang naging resulta sa

limang tanong na ibinato ni Sweet kay Nadia.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment