
Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga nakapanood sa celebrity
at press preview ng Iisa Pa Lamang last Friday, July 4. Pero masaya naman na humarap ang buong cast ng
bagong teleserye ng ABS-CBN sa grand presscon nito kagabi, July 8, sa Plaza Ibarra sa
Timog Avenue, Quezon City.
Isa sa mga nakuha nilang feedback mula sa mga nakapanood ay
para raw pelikula ang Iisa Pa Lamang dahil sa naglalakihang mga artista, location, production
value, at kuwento nito.
Ayon sa bida na si Claudine Barretto, "Yes, yun talaga ang
gusto naming ibigay sa audience ngayon. Yun bang parang pelikula na siyempre, di
ba, mahal na yung manood ng sine at matagal-tagal na rin na walang masyadong
drama sa telebisyon? Yun ang gusto naming ipakita sa kanila sa Iisa Pa Lamang."
Pero bago ang Iisa Pa Lamang ay katatapos lang ng Sine Serye
na ginawa ni Claudine para sa ABS-CBN,
ang Maligno. Paano niya nagagawa na maging iba ang atake niya sa bawat role na
ginagampanan niya, like sa Maligno at ngayon sa Iisa Pa Lamang?
"Unang-una, I make sure na talagang kapag gumawa ako ng
isang teleserye, hindi kamukha ng ibang teleserye na ginawa ko. And, of course,
sumasabay sa age ‘yan, e. Kung ano yung
role na kinakailangan para sa age ng artista, sumasabay yun," paliwanag ng
aktres.
BALANCING ACT. Sa pagbabalik ni Claudine sa teleserye, naging super busy
muli ang aktres. Paano niya nagagawa na balansehin ang kanyang oras bilang ina
at asawa bukod sa magandang career niya?
"Lately, it's been very, very hard," pag-amin niya. "Kasi
nga, yung family ko, si Raymart at yung mga kids, nag-a-adjust. Yung talagang
naiiyak ako kahit sa set. Kasi parang hindi ko na sila masyadong nakikita. ‘Pag
uwi ko, nagra-run na si Raymart, nag-eensanyo na siya. Kasi nagta-triathlon
siya, di ba? ‘Tapos tulog na yung mga bata o papunta na si Sabina sa school, doon
pa lang ako matutulog, yung ganun. Pero
ngayon, mas nakaka-adjust na kami. Hindi na kami masyadong inuumaga."
Sa tingin ba niya wala siyang masyadong nane-neglect bilang
ina?
"Medyo, medyo lately na-feel ko. Like yung first day of
school ni Sabina, hindi ko siya pinapasok because I have work. Parang next
Monday ko pa siya pinapasok. Actually, she's supposed to go to the school ng
Tuesday, pinapasok ko na siya ng Monday para masamahan ko siya."
Paano sila nagba-bonding ni Raymart?
"Kasi si Raymart, they visit naman me sa set. Pero syempre
‘pag time na ng uwian, umiiyak na si Sabina. Si Santino naman, medyo okey pa.
So yun lang yung masakit. Masakit na kapag kailangan nang umuwi. Si Raymart
naman, anytime na gusto niyang pumunta at mag-stay sa set hanggang madaling-araw,
puwede naman gawin.
"So we make it a point na kahit gaano ako kapagod, matutulog
lang ako hanggang one ng hapon and the rest of the day, I will spend it with
the kids. Then sa gabi, pagdating ng mga six or seven, ‘andun na ako kay
Raymart. Kami naman ang magde-date, kakain sa labas with our friends," lahad ni Claudine.
Ano ang plano niya sa birthday nila ni Raymart on July 19?
"Gagawin naming ano, hindi kami magsi-celebrate on our
birthday talaga. Ang gagawin naming celebration is the first birthday party and
dedication of Santino. Sa July 20 gaganapin ito, and yun yung si Raymart
inaayos niya ngayon yun, kung ano ang mangyayari kasama yung kaibigan ko from
Baloon Station. Inaayos talaga ngayon kung gaano kalaki o ano, hindi ko alam. Si
Raymart lahat ang nagaasikaso ngayon," saad ni Claudine.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
