
Pagkatapos ng kontrobesiyal na first live interview ni KC
Concepcion sa The Buzz two Sundays ago, August 10, nagkaroon ng usap-usapan sa
mga binitiwan niyang rebelasyon. (Click here to read related article.) Pero may mga tanong pa ang hindi nasagot ni KC
sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa
The Buzz kaya naman muli silang nagharap last Sunday, August 17.
This time, hinimay ni Boy ang naikuwento ni KC na tungkol sa
pagnanais niya na mapasama sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV, pero
hindi siya pinayagan.
"Siguro ten years old ako or 11 years old," pahayag ni KC.
"Oo, parang favorite kong panoorin yung mga pambatang mga shows. Naalala ko
talagang ninenerbiyos ako and I went out to my mom na seryosong-seryoso, na
para akong magtatanan!" sabay tawa niya.
"'Ma, okey lang bang mag-Ang TV ako? Gusto ko talagang
mag-Ang TV, e.' ‘Tapos hindi ako pinayagan. Iyak ako nang iyak. Sabi niya,
‘When the right time comes.'"
LOVE & BEING BEAUTIFUL. Ibinahagi rin ni KC ang advice na ibinigay sa kanya ng
kanyang ina na si Sharon Cuneta pagdating sa pag-ibig.
"She said, well, siyempre na mag-ingat. Huwag magpaloko, na
kailangan strong ka bilang babae. Para kahit ano'ng mangyari, maaalagaan mo
yung sarili mo."
Tinanong ni Boy si KC kung kailan niya niya nalaman na
maganda pala siya.
"Ha?" nagulat na reaksiyon ni KC. "Kasi Tito Boy, may braces
ako dati. Three years akong nag-braces. So, talagang pumayat ako nang
todong-todo. When I went to the States, 13 ako nung bumalik ako, or 14. And
pumayat talaga ako and after that, people were sayin, ‘Hey, you look really
good! Umiba yung hitsura mo!' Kasi I was a chubby nine, ten years old."
FIRST TIME TO MEET RICHARD. Ni-reveal din ni KC ang mga first sa buhay niya gaya nung
una niyang makita ang leading man niya sa kanyang first movie na For The First
Time na si Richard Gutierrez.
"The first time I saw him talaga yung sa high school party.
He was a friend of a friend. So, hindi naman like yung Richard Gutierrez na
nakikita natin ngayon. And at that time, he was a nice guy who had a nice
smile, who was parang very friendly, ganun. Nagkatinginan lang kami and then he said ‘hi,' I said ‘hi.'
In-introduce kami na, ‘This is my friend,' you know. And then, may iba na akong
kausap and siya rin.
"But then, ayun, when I lfet for Europe, ‘pag bumabalik
ako, I would always watch TV para alam ko pa rin kung ano'ng nangyayari, ganun.
And I would see him. Yung mahaba pa yung hair niya. Hindi ko nga lang maalala
yung pangalan nung show niya, pero one of these seryes. And then, hindi ko na-recognize. Hindi ko naalala na siya yung guy na na-meet ko dun sa party,"
lahad ni KC.
FIRST LOVE. Ikinuwento rin ni KC nung first time niyang naramdaman yung
love niya sa kanyang tanang buhay.
"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindi
ako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun ang
na-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba,"
saad ng 23-year-old actress.
Inamin din ni KC ang una niyang pag-iyak dahil sa pag-ibig.
"When I broke up with my first boyfriend," sabi niya.
Umiyak daw talaga si KC that time.
"Oh, yeah. Na-depress talaga ako nun, like isang taon. Oo,
talaga, sobra! Hindi ako makatulog! Super, super! Important experience sa akin
yung first breakup talaga."
First kiss?
"My first kiss was a dare!" tawa niya. "Barkada ko yung
nag-dare sa akin. High school ako nun. And then, dare lang siya. Ginawa ko! Yun
na yung first kiss ko."
BEING FAMOUS. Napag-usapan din kung paano hina-handle ni KC ang
katanyagan.
"I always try to remember... My Mom always says, ‘Don't
believe your press. And huwag mong ididibdib lahat ng mabasa mo, madinig mo,
good or bad.'"
Sa paghawak ng pera, nag-aaral na rin daw si KC kung paano
mag-handle nang mabuti.
"I'm learning. I read books. In control, alam ko pa rin kung saan ko gagamitin. And I make sure na
lagi kong ginagamit."
RICHARD IS LIKE AN ONION. Inilahad din ni KC ang mga nadiskubre niya kay Richard sa 13
days na pagsasama nila sa Greece.
"Si Chard, maraming layers. Maraming layers 'yan. Para
siyang sibuyas. Through time and through his trust sa 'yo, dun lang yun
isa-isang natatanggal."
Nasaang stage na sila ni Richard ngayon?
"Ay, hindi ko alam! Yun lang yung alam ko, Tito Boy."
Feeling naman ni KC, parang pinangungunahan sila ng mga
magulang nila ni Richard na parehong boto sa kanilang dalawa.
Sa huli, inalam ni Boy kung nasaan na si Richard sa buhay
niya ngayon.
"Well, I'm sharing a lot of firsts, like we went to Greece
together and then... As time goes by, we become better friends," pagtatapos ni
KC.
Trailer courtesy of Star Cinema
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
