
Umalma si Willie Revillame sa binitawang biro ni Joey de
Leon laban sa Wowowee mainstay na si
Pokwang noong nakaraang U.S. show ng Eat
Bulaga! na ginawa sa Los Angeles, California.
During the show kasi ay nag-render ng isang parody number si
Joey halaw sa melody ng "Imagine"—ang pamosong peace anthem na isinulat ng
ex-Beatle na si John Lennon noong early ‘70s.
Sa nasabing parody number ay pabirong tinalakay ni Joey ang
scenario kung saan walang GMA-7 at tanging ang rival station, ABS-CBN,
lamang ang nag-e-exist.
"Channel 2's the only one / Makikita araw-araw ay mukha lang
ni Pokwang..." awit ng ace comedian kasabay ng malakas na hiyawan ng mga
manonood.
Hindi pa doon natapos ang delivery ni Joey, dahil sumundot
pa ito ng mga linyang: "Makikita araw-araw / ay mukha lang ng aswang..."
DEFENDING POKWANG. Kahapon,
August 18, sa programang Wowowee ay
nagsalita si Willie publicly upang ipagtanggol si Pokwang sa diumano'y below-the-belt na skit ni Joey.
"Ipagtatanggol ko ito dahil kilala ko ang pagkatao ng taong
ito," sambit ni Willie habang katabi ang lumuluha na si Pokwang.
"Sana ho kung magbibiro tayo, puwede naman kayong
mag-compose ng kantang hindi kayo nakakasakit ng kapwa n'yo, e. Wala akong
kinantang nakasakit ng kapwa ko," dagdag ng controversial TV host bagamat hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Joey.
Kasabay nito ay nanawagan si Willie sa mga subscribers na
tanging sa istasyong kanyang kinabibilangan na lamang mag-sponsor.
"Ako po nakikiusap sa ating mga subscribers, isang channel
na lang ang kunin ninyo, ABS na lang, TFC na lang. Wala kayong madidinig na
sakit na salita, na galit, wala kayong madidinig sa amin! Wala kaming pakialam
sa ratings, ang pakialam namin ‘yong kaligayahan ng bawat Pilipino sa buong
mundo!" pahayag ni Willie.
Idinagdag din ni Willie na dahil daw sa naging biro ni Joey
ay naging tampulan ng tukso ang anak ni Pokwang sa paaralan.
"Ang anak po niyang isang babae, ngayon niloloko, ‘Nanay mo
aswang.' Mahabag naman tayo sa taong nagsisikap!"
Nagpatutsada rin si Willie sa usapin ng tamang pagbabayad ng
buwis.
"Dapat magpapasaya ka, ‘yong hindi ka nakakasakit ng kapwa
mo! 'Tsaka dapat nagbabayad ka ng tamang tax mo! Maglabasan tayo ng tax... Okay,
noong first quarter nagbayad ako ng 3.7 [million], 6.2 [million] kahapon, kahit
magbayad ako ng 10-million, basta totoo lang ang tax mo!" giit ni Willie.
Bilang pangwakas ay pinagsalita ni Willie si Pokwang upang
magpahayag ng mensahe.
"Salamat po sa mga tumitira sa akin," bungad ng kilalang
stand-up comedian, "Ibig lang sabihin niyan, nakikilala na ako. Pero sa lahat po
ng nagtanggol sa akin maraming maraming salamat po. Sa lahat po ng naniniwala
thank you po. Pagpalain kayo ni Lord. Thank you po."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
