
Successful ang
naganap na premiere night ng latest movie ng Regal Entertainment at Studiomax, ang Loving You, last Sunday, August 17, sa SM Megamall. Puno ang sinehan at panay
ang tilian ng audience sa mga sweet moments ng apat na pares sa pelikula na sina Jean
Garcia & Polo Ravales, Yasmien Kurdi & JC de Vera, Aljur Abrenica &
Kris Bernal, at John Prats & Ehra Madrigal.
After ng premiere night,
nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na
ma-interview ang isa sa mga bida at una sa billing ang pangalan na si JC sa
Max's restaurant sa SM Megamall.
"Hindi naman po
talaga ako ang bida, front line lang," humble na pahayag ni JC nang kunin namin ang reaksiyon niya sa pagkakauna ng pangalan niya sa billing.
Sa love story kasi
nila ni Yasmien nagtapos ang movie at sila rin ang may pinakamaraming
dramatic highlights.
"Actually, group
effort po talaga. Kinausap na kami ni Direk [Don Cuaresma] na mag-focus kami sa
mga love teams talaga. Kumbaga, competition yun, e. Competition yun ng mga love
teams talaga sa whole movie. Kaya ang ginawa namin, kailangan pagbutihin mo
yung story nung isa. So, group effort po talaga lahat," saad ni JC.
Ano ang feeling na
mas malaki ang exposure ng tambalan nila ni Yasmien sa Loving You?
"Masaya naman po
ako," sagot ng young actor. "Happy ako sa
reaction ng mga fans, ng mga nanonood. Actually, hindi lang po sa amin
pati na kina Aljur at Kris, kay Polo at kay Ms. Jean."
May pressure ba sa
love team nila ni Yasmien ang pagpapalabas ng Loving You?
"Hindi po. Hindi
naman po. Actually, very balanced naman yung movie. May drama side, may comedy
side. Kaya nandiyan si Sweet [John
Lapus] for comedy, comic relief, parang ganun."
SOLO MOVIE. Sa tingin niya handa
na siyang magkaroon ng solo launching movie?
"Well, kung bibigyan
ako ng chance, oo," sagot niya. "Kakayanin ko yun, pero hindi naman ako nagmamadali.
And hindi rin naman ako nagmamadali na magkaroon ng solo na movie."
Ano namang klaseng
movie ang gusto niyang gawin for his solo launching movie?
"Depende. Siguro
something different, medyo dark, mga ganun. Kailangan ng acting skills
talaga. Kasi kapag yung mga love stories kasi, ano lang yun, e, kilig-kiligan
lang ‘yon, e."
YASMIEN TO QUIT SHOWBIZ? Ano ang reaksiyon
niya sa balitang titigil na raw sa pag-aartista si Yasmien?
"Ah, narinig ko na
po yun. Well, sad, kasi kumbaga trinabaho na niya na makarating sa ganyang
posisyon, e. Kumbaga, from StarStruck hanggang ngayon, trinabaho na niya,
‘tapos bigla siyang mawawala, di ba?
"Parang if kung ako
ang nasa lugar niya, given that chance, e, mas maganda siguro grab ka lang
nang grab, e. Parang kumbaga, make the most out of it habang nandiyan.
Yun yung sa akin. Ewan ko sa kanya kung naiisip ba niya yun."
After Loving You,
gagawin ni JC ang bagong version ng trilogy horror movie ng Regal para sa
2008 Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll X. This time, sa
pagkakaaalm ni JC, hindi si Yasmien ang makakasama niya sa movie.
Ngayon pa lang ay
tiniyak na ni JC na malulungkot siya kapag tuluyan na ngang tumigil si Yasmien
sa pag-aartista.
"Of course,
malulungkot ako para sa kanya," pag-amin ni JC. "Siyempre, iba yung
pinagsamahan namin. Pagdating sa work, hahanap-hanapin ko yun. Iba yung
nakasanayan mo. One year kaming nagkatrabaho. Kumbaga, iba yun, e. Ibang
usapan 'yon, e. Mangangapa ulit ako kay
Rhian [Ramos]. Si Rhian yung susunod [na katambal], e. So, hindi ko talaga
alam."
Sa hiwalay na
panayam ay sinabi ni Yasmien na hindi naman niya totally iiwan ang
showbiz. Mapapanood pa rin naman siya sa ilang mga programa ng GMA-7 habang
nag-aaral.
JC ON JAKE. May nagtanong din
kay JC tungkol naman sa relasyon niya ngayon sa dating close friend na si Jake
Cuenca. May nagsasabi kasi na yumabang na si Jake.
"Ngayon hindi na
kami nagkikita. Last time nagkita kami nung fashion show ng Bench," lahad ni JC.
Napansin ba niya ang
paglaki raw ng ulo ni Jake, ayon sa dati rin nitong kaibigan na si Andrew
Schimmer?
"Ah, wala, wala
akong masasabi diyan. Actually, ayokong makisali doon. Kumbaga, kung away man
nila ‘yon, away nila 'yon. Ako, out ako dyan.
"Nung lumipat si
Jake sa ABS-CBN, nawalan na kaming ng contact. ‘Tapos nagkita kami in one event
sa isang hotel event ata 'yun. Nag-usap kami. ‘Tapos catch things up, ‘tapos
last time nung Bench. Well, actually, na-miss namin ang isa't isa. Kumustahan,
ganyan-ganyan. ‘Sino ang bagong ano mo? Bagong work?'
"Ako naman, kung ano
si Jake sa akin dati, ganun pa rin naman siya ngayon. Hindi siya nagyabang.
Hindi ko alam sa ibang tao. Kasi sa akin naman, ako naman personally, mabait
ako kay Jake. Wala akong masasabi kay Jake. At the same time, siya rin mabait
sa akin. Wala kaming dapat ipagyabang sa isa't isa kasi magkasundo kami,"
saad ni JC.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
