Send to friend Previous | Next

Jayann Bautista on her "Pinoy Idol" runner-up finish: "It was so close, yet so f

Nagpapasalamat na

lang si Jayann Bautista dahil kahit pumangalawa lang siya kay Gretchen Espina

sa nakaraang Pinoy Idol competition, ramdam na ramdam niya ang mas mainit na

pagsuporta ng maraming tumunghay sa Final Results Night ng Pinoy Idol noong

Linggo ng gabi, August 17, sa SMX Exhibition Hall ng SM Mall of Asia.

"Simula pa lang

ito. Hindi ko sila bibiguin. I won't stop," sunud-sunod na katagang

namutawi sa bibig ni Jayann nang makapanayam siya ng PEP (Philippine

Entertianment Portal). "Kakanta pa rin ako. Hindi ako titigil hangga't

hindi ko maabot ang mga pangarap ko. Four years ago, nag-struggle na ako as a

singer. Mahabang panahon na ang ginugol ko. Ngayon pa ba ako aatras?

"Hindi dahilan

ang pagkatalo ko para mag-stop ako. Ito pa nga ang magiging simula. Hindi naman

sa disappointed ako talaga, kasi nirerespeto ko ang verdict ng mga tao through

text votes. I feel bad, I really wanted the title," prangkang sabi ng

pambato ng Pampanga.

Malinaw na ang

kakulangan ni Jayann ay sa punto ng text votes.

"Wala akong

malakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backup

talaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sa

kanya [Gretchen].

"Pero makikita

pa rin ninyo ako sa TV, for sure. Sasayaw pa rin ako sa production numbers ng

mga Broadway hits!" at natawa na lang si Jayann.

Automatically, may

management contract na si Jayann sa GMA-7. Pero hindi raw niya alam kung GMA

Records ang mag-a-absorb sa kanya para sa recording deal.

May usapan pala sila

nina Gretchen at Ram Chaves na ang magiging winner, bibigyan ang matatalo ng

tigwa-P100,000.

"That's true, kaya may

P100,000 pa rin ako," kumpirma ni Jayann.

Patuloy niya, "Tensiyonada talaga ako,

kasi parang it was so close, yet so far. Ang lapit-lapit na, pero hindi ko pa

rin nahawakan."

Nagpunta ang best

friend ni Jayann na si Rachel Anne Go sa gabi ng competition to think na

Kapamilya ito, obviously, para suportahan ang sinasabing look-alike niyang si

Jayann.

"Nasorpresa

ako. Kasi galing pa siya sa isang commitment at akala ko hindi siya

aabot," sambit ni Jayann.

Hindi napigilan ni

Jayann ang mapaluha nang makita niya ang ina niya sa audience na umiiyak na.

Medyo disrupted ang pagkanta ni Jayann ng sinasabing final song na likha ni

Ogie Alcasid, ang "To You." Ang mensahe pa naman nito ay mula sa inspirasyong bigay ng ina

ng nabanggit na songwriter.

"Naiyak ako

kasi siya naman ang sumusuporta sa akin sa umpisa pa lang," sabi ni

Jayann, at tumulo na ang luha ng Pinoy Idol runner-up. "Pumasok din sa

utak ko yung mga kaibigan ko na lahat sila, naniniwala at sumusuporta.

Mami-miss ko ang staff ng Pinoy Idol, pati yung pagkanta-kanta namin every

week. Yung kaba every week, kakaisip sa kung sino ang mae-eliminate. Pati mga

judges," napangit uli siya.

Pero naniniwala si

Jayann na she can still be a winner.

"Sana, totoo yung sinasabi nila na mas

umaangat ang karaniwang runner-up. Maraming salamat na lang sa tiwala," at

muling napaluha si Jayann.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment