Send to friend Previous | Next

Billy Crawford too busy to get into a relationship

Eksakto ang paglabas ni Billy Crawford sa

Grams restaurant sa ABS-CBN loop last night para magsigarilyo pagkatapos

mag-dinner, kasama ng kapwa niyang host sa Pinoy

Dream Academy at nali-link sa kanya ngayon na si Nikki Gil. Kasama ring

nag-dinner nina Billy at Nikki si Luis Manzano at iba pang production people ng

ABS-CBN.

"Hindi kami magkasama [ni Nikki]. I came

from hosting the showbiz segment on ‘TV Patrol.' Wala kasi ang star patroller

nila, si Phoemela [Baranda]. Then, galing naman sila [Luis and Nikki] sa MYX,"

esplika ni Billy sa amin.

Siya na ba gabi-gabi ang magho-host ng

"Star Patrol" segment ng TV Patrol World?

"Ah, no," tanggi ni Billy. "Just tonight

and I don't think I can do it again."

NO

GIRLFRIEND FOR NOW. Kumusta sila ni Nikki?

"We're friends, just like what I said

before. And I think it will be hard for me to have a relationship right now,"

lahad ni Billy.

Most of the time daw kasi ay palipat-lipat

siya ng bansang pinupuntahan. Gaya

na lang sa susunod na buwan, babalik na siya sa U.S. para ipagpatuloy ang

paggawa ng kanyang album. Although, susubukan daw niyang magpaalam kung puwede

siyang makabalik ng Pilipinas every two months.

Kinumpirma rin ni Billy na matagal na

siyang walang girlfriend. The last time he had a girlfriend ay nung nasa

States pa siya. When he came home to the Philippines,

he just got off from a breakup sa kanyang girlfriend sa U.S.

"No third party involved," sabi ni Billy sa

dahilan ng breakup nila.

Nagulat kami nung sinabi ni Billy na ang

dahilan ng breakup nila nung last girlfriend niya sa U.S. ay nung nalaman niya na yung

girl ay natulog na katabi ang dalawang male dancers.

DADDY'S

CANCER. Nabanggit din ni Billy na babalik na

ng Pilipinas ang kanyang ama na naka-base sa Texas. Malungkot na kinuwento ni Billy

na may cancer sa lalamunan ang kanyang daddy.

"Naoperahan na siya dati pero bumalik,

e," malungkot na sabi ni Billy.

Dito na raw sa Pilipinas magpapagaling ang

kanyang daddy para makasama ng kapatid ni Billy. Mag-isa lang daw kasi sa Texas ang daddy niya and

it's not good na walang titingin sa kanya doon. Billy's dad is 71 years

old.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment