Send to friend Previous | Next

Ai-Ai delas Alas cries foul on her involvement in Kris-James temporary separatio

Nang pumutok ang balita tungkol sa muntik-muntikan nang

paghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap after three years of marriage,

lumabas ang pangalan ni Ai-Ai delas Alas na isa raw sa rason ng matinding away

na namagitan sa mag-asawa.

Nanariwa tuloy sa isipan ng marami na ang malalim na sama ng

loob ng basketbolsita ay nag-ugat nang magbigay ng simpatiya si Ai-Ai sa kanyang

"friendship" na si Kris sa kasagsagan ng James-Hope Centeno issue.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai,

hindi nito napigilang magpahayag ng labis na pagtataka at kaunting iritasyon na

nadamay ang pangalan niya sa nasabing balita.

Aniya, "I'm wondering, nagtataka ako kasi wala akong

pakialam sa kanila. Wala akong pakialam sa pagsasama nila! Wala akong pakialam

sa kanila kaya sana huwag nila akong pinapakialamanan! Sana patahimikin na nila

ako. Puwede ba yun na patahimikin na nila ako? Kung gusto nilang mag-ingay,

mag-ingay sila na sa kanila na lang!"

Nagsimula ang lahat nang mag-guest sina Ai-Ai at Direk Wenn

Deramas sa Boy and Kris, kung saan on the spot ay umoo si Kris nang sabihin ni

Direk Wenn na sana ay tanggapin nito ang cameo role sa sequel ng Ang Tanging

Ina na pinagbibidahan ni Ai-Ai. Balita

na pagkauwi ni Kris ay agad itong kinumpronta ni James at nagalit ang huli na

hindi muna siya kinonsulta ng TV host-actress bago ito pumayag na mag-guest sa

pelikula ni Ai-Ai.

Para kay Ai-Ai, kung anumang nangyaring samaan ng loob sa

kanila ni James ay isa nang lumang isyu na dapat ay hindi na inuungkat pa.

"Tungkol dun sa movie, in-invite siya [Kris] ni Direk Wenn.

Si Direk Wenn ang nag-invite sa kanya at hindi ako. Sobrang nalungkot ako at

naguluhan kasi bakit ako ang naituturong dahilan? Lumang-luma na ang isyu,

bakit inuungkat pa? Nakalimutan ko na nga yun. Sana matauhan na sila,"

dire-diretsong pahayag ni Ai-Ai.

Bukas ba siya sa pakikipag-usap kay Kris para maayos ang

gulo na pati silang magkaibigan ay nadamay na?

"Huwag na, ayoko. Yun lang. Patahimikn na lang nila

ako," sagot ng Star Awards for Movies best actress-winner.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.


Rate:0

I want to comment